CHAPTER 67.3

1368 Words

XELLONIA POV MATAPOS ang dalawang masayang araw namin dito sa Lazaro Beach Resort ay nagpasya na kaming umuwi pabalik ng Manila dahil mag—uumpisa na rin ang LET review namin ni Karen. Kaya kailangan ko ng maging handa para makuha ko agad ang license ID ko. “Baby ko, gusto mo bang tulungan ka na namin mag—impake dʼyan?” Napatigil ako sa pagtutupi ng mga damit naming malilinis nang marinig ang sinabi ni daddy Vill. “Okay na po ako rito. Kaya ko na ito,” nakangiting sabi ko sa kanya. Paano naman kasi ay kagabi ay pinaglaba ko sila, may automatic washing naman pala rito. Kaya pinalaba ko sa kanila kagabi ang marurumi naming damit at sinampay rin nila. Kumpleto pala talaga ang mga gamit dito. Kaya hetong nilabhan nila ay tinutupi ko dahil mamayang tanghali ay pabalik na kami sa Manila.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD