XELLONIA POV ILANG araw na ang nakalipas simula nang magsimula ang LET review namin ni Karen. Araw—araw ay alas—siyete ng umaga ang pasok namin sa review center sa loob ng dalawang araw, Saturday and Sunday. Halos buong araw kaming kaharap ang reviewers, practice tests, and mock exams. Nabobo na ako. Nakakapagod din, pero sulit naman. Dahil pareho kaming determinado ni Karen na maipasa ang LET sa darating na Setyembre. Sana one take lang kaming dalawa. “Baby ko? Baby ko, tapos ka na bang maligo?” Napatigil ako sa paghaplos ko sa aking mukha nang marinig ang boses ni daddy Vill. Naliligo na pala ako para makapasok na muli ako sa review center. “Malapit na po, daddy Vill!” malakas na sabi ko at muling naligo sa tapat ng shower. “Okay, baby ko. Ako na ang maghahatid sa inyo ni Kare

