XELLONIA POV HUMINGA akong malalim nang pumasok na muli kami sa loob ng kotse. Natapos na rin kaming magreklamo laban sa Aragon at sa Betty na iyon. “Baby ko, huwag ka na mag—aalala. Paniguradong gagawin ang lahat ni Calvin para mahanap agad ang Daniella at Betty na iyon.” Napatingin ako kay daddy Vill. “S—sana nga... Sana ay madakip agad silang dalawa. Sana rin ay hindi sila nakatunog para hindi sila makaalis at makapagtago,” sabi ko sa kanya. “Gusto kong pagbayaran nila ang ginawa nila kay ate Penelope. Gusto kong makulong sila habang buhay! Iyon ang pinapanalangin ko!” Huminga akong malalim habang pilit ko pinipigilan ang aking sarili na umiyak muli. Kanina pa ako umiiyak, halos ma—dehydrate na nga ako. Niyakap niya akong mahigpit. “For sure, baby ko. Hindi rin kami papayag na hind

