XELLONIA POV LUMIPAS ang mga linggo. Halos hindi na kami makapag—focus ni Karen sa pagre—review namin kaya kinakabahan kami na baka hindi namin magawa ang first take lamang. Pero hindi pa rin kami mawawalan ng pag—asa na makakapasa kami despite sa nangyayari ngayon sa amin ni Karen. Sa nakalipas na lingo ay isa—isang isinagawa ang mga hearing laban kina Daniella Aragon at Betty na iyon. Sa bawat pagdinig ay kasama ako, maging sina daddy Santi, daddy Vill, ang buong pamilya ko at maging ang parents nilang dalawa. Wala kaming pinalagpas na hearing laban sa kanila, maging si Karen at ibang kasama namin sa bahay. Sila ang testigo naming lahat. Hindi kami sumuko. Lalo naʼt tumibay pa ang kaso namin laban sa Aragon na iyon dahil may isang kusang lumapit sa amin, si Cinderella Aragon, a

