XELLONIA POV NAKARINIG na muli ako nang malakas na pagtawa mula sa kanya. Kaya tinignan ko lamang siya. Bakit hindi niya makuha ang salitang defeat? Talagang pinaglalaban pa niya ang kanyang sarili, ha? “Ikaw ang hinanahabol? O baka naman ay inakit mo sila kaya ka pinakasalan?” Tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Hindi ganyan si Maʼam Xellonia!” Nagulat ako nang marinig ang malakas na boses ni Karen. “May tagapagtanggol ka, ha?” Tinignan ko si Karen at pina—relax siya. At muli akong tumingin kay Aragon. “Mabait kasi ako. Minsan... Magpakabait ka rin para may tumatanggol sa iyo... Pero wala yata iyon sa bokabolaryo mo, right?” sabi ko sa kanya. Nakita kong nanggagalaiti na ang mukha niya. Saglit akong tumigil sa pagsasalita habang nakatingin sa kanyang mukha na hindi na maipinta.

