XELLONIA POV TAHIMIK pa rin akong nakaupo sa so long sofa ng living room namin. Hindi ako makatayo dahil nanghihina ang aking magkabilang tuhod. Hindi ko inaasahan na ganoʼn ka—nasty ang kanyang ugali. Mabuti na lang ay naniwala ako sa sinabi ni Karen na huwag akong matatakot sa kanya. Nakipagtitigan talaga ako sa kanya at hindi inalis ang aking tingin. “Maʼam Xellonia, meryenda muna kayo habang hinihintay ninyo sina Master Santi and Master Vill.” Napatingin ako kay ate Hazel at ngumiti sa kanya. “Salamat po, ate Hazel. Malapit na po ba sila?” tanong ko sa kanya. Nakita ko ang mukha niyang hindi alam kung anong sasabihin sa akin. “Um, Maʼam Xellonia, wala pa pong reply sa akin. Last time na nagchat ako sa kanila na nandito si Daniella Aragon then nagreply sila na papunta na sila, a

