XELLONIA POV NASA harapan ko na ang lalaking tinulungan ko sa Flavor of the Month Bar. Lalo ko na na—confirm iyon na siya dahil nakita ko na siya nang malapitan. Nakita ko ang seryosong mukha niya na nakatitig sa akin ngayon. Hindi ba niya ako naaalala? Hello, ako lang naman ang tumulong sa kanya noong lasing na lasing siya. Baka nakakalimutan niya? Teka, baka nga nakalimutan niya dahil lasing siya nang gabing iyon. Biglang nawasak iyong mga naisip ko kanina na baka ma—hire ako dahil tinulungan ko siya. “So, who are you?” baritonong sabi niya habang tinitignan ang buong pagkatao ko. Para akong dumadaan sa x—ray machine ngayon dahil sa kanyang malagkit na tingin sa akin. “Hello, who are you?” Napapitlag ako nang tumunog ang kanyang daliri. “Um, g—good day po, Mr. Lazaro. A—ako po s

