“Mommy, do I look like a princess na po ba?” Nakaupo sa kama si Chantal habang suot ang isang bestidang kulay pula at gumawa rin ako ng korteng korona na gawa sa pinagsama-samang bulaklak. Agad na lumapit ako at umupo sa kanyang tabi. “Yes, baby. A very beautiful princess.” I kissed her cheeks and nose, that earned soft giggles from her. Nandito kaming dalawa sa kuwarto. Binihisan ko siya ng bestida dahil iyon ang request niya. Ngayon na rin ang huling araw ng bakasyon namin dito sa probinsya. Babalik na kaming muli mamaya lang sa siyudad. “Siyempre, mana po ako sa maganda ko rin na Mommy Lana!” tuwang-tuwa na sabi niya na kinindatan pa ako. Napatawa naman ako. “Marunong na talagang mambola ang prinsesa namin.” Pinanggigilan ko ang pisngi niya at pagkaraan ay hinalikan din iyon. Ka

