“Prinsesa, na-miss po kita. Ang tagal po nating hindi nagkita!” Pakiramdam ko ay nabuhayan akong muli nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon. Nagpalinga-linga ako at ang bumungad sa akin ay ang nakangiting si Georgette. “Georgette!” Masiglang tawag ko sa kanyang pangalan kasabay nang paglapit ko sa kumpol ng mga bato kung saan siya nagkukubli. Ano ang ginagawa niya rito? Paano siyang nakapunta rito? Pero bago sagutin ang mga tanong na iyon ay kaagad ko siyang niyakap nang makalapit ako. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabilang sulok ng aking mga mata. I miss her. I miss them! Ang tagal kong hinintay na makita silang muli. Kahit si Georgette pa lang ay masaya na rin ako kahit paano. “Na-miss din kita. Kumusta? Kumusta kayo nina ina at kuya Alon doon? Nasaan sila? B

