“I’m sorry…” Napatingin ako kay Austine nang magsalita ito. He heaved sigh while looking at me apologetically. Nangunot ang aking noo. Hinagap ko rin ang kamay niya at marahang pinisil iyon. “Why?” Hindi ko alam kung bakit siya nag-so-sorry. Sa pagkakatanda ko ay wala naman siyang ginawang kasalanan sa akin. Muli siyang huminga ng malalim. Mula pa yata kanina ay panay na ang pagbuntong-hininga niya. Hindi ko halos maabot sa sobrang lalim. Nag-aalala na nga ako sa kanya. “I’m sorry, baby…” Hinawi niya ang buhok ko na bahagyang tumabon sa aking mukha. Nandito kami sa labas para magpalipas ng oras. Pasado alas otso na yata ng gabi kaya malamig na rin. Malakas ang simoy ng hangin kaya naman kanina pa ring sumasabog ang buhok ko. Mabuti na lang din at mayroon akong taga-ayos. Kung siguro w

