Kinabukasan, nagising ako dahil sa malambot na bagay na dumadampi sa aking noo at labi. Dahan-dahan akong nagmulat ng mga mata at si Austine ang unang bumungad sa akin. Muli siyang humalik sa aking noo at bago pa lumapat ang labi sa aking labi ay agad ko nang tinakpan iyon. “H-hey…” Garalgal ang aking boses nang sawayin ko siya. Hindi ko alam kung kanina pa ba niyang pinapapak ang labi ko o ano? Ang lakas ng tama ng isang ito. Hindi pa ako nagmumumog. Nakakahiya! “Good morning, baby. You look incredibly gorgeous today.” Nakangiting pambungad niya sa akin bago muling halikan ako sa noo. Agad namang namula ang aking mukha. Nakakahiya. Anong maganda? Siguradong mukha akong bruha dahil kagigising ko lang. Pero kahit na ganoon ay hinila ko siya para yakapin. “Good morning…” malambing n

