Eksaktong alas dose ng hatinggabi ako lumabas sa kuwarto ni Chantal hindi dahil iyon ang gusto ko kung hindi dahil kagigising ko lang din. Kanina kasing bandang alas diyes ay nagising si Chantal at kinuha ko na rin ang pagkakataon na iyon para pakainin siya ng hapunan kahit sobrang late na. Wala pa sana siyang planong kumain kaya naman ginamitan ko na ng ipinagbabawal na taktika—ang magdrama sa harap niya na mabuti na lang at gumana. Naiintindihan ko naman kung bakit ayaw niyang galawin ang pagkain ngunit hindi naman puwede na matulog ulit siya na walang laman ang sikmura. Alam ko na nagugutom na rin siya kaya nga lang ay mas pinangungunahan ng bugso ng damdamin. She is still groggy but it is not enough reason for her to forget what happened. Pagkatapos kumain ay muli lang siyang um

