bc

Perfectly Imperfect

book_age18+
1.9K
FOLLOW
13.9K
READ
family
age gap
fated
goodgirl
brave
confident
drama
bxg
first love
like
intro-logo
Blurb

Katerina Torres, sole heiress of one of the richest businessman in Asia, was kidnapped on the night of her eighteenth birthday. Nakilala niya si Alec bilang ang lalaking nagligtas sa kaniya mula sa mga kidnappers niya. Which soon turned to be her personal bodyguard... and lover.

Her life was perfect since she's living like a real princess in the castle her parents built for her. Ngunit handa niyang talikuran ang halos perpektong buhay na mayroon siya. Basta ay magkasama lang sila ni Alec. With him, everything's just perfectly imperfect.

chap-preview
Free preview
Prologue
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, some places, and incidents are just products of the author's imagination and are used fictitiously. Any resemblance to actual events, persons, living or dead, is entirely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced or transmitted in any form and in any means without the permission of the author. May contain mature themes. Read at your own risk. Prologue Pakiramdam ko ako si Rapunzel na kinulong sa mataas na tower. Just minus the long hair. Mahaba din naman ang buhok ko but not as long as hers, of course. I was homeschooled ever since. At itong kuwarto ko sa huling palapag ng malaki naming bahay ang tinuturin kong tore. The door opened and I saw my mother entering the room. She looked more sophisticated wearing her evening gown. Agad niya akong binati ng isang ngiti. Napatayo ako mula sa pagkakaupo sa harap ng tukador. Lumapit siya sa'kin and gave me a hug. Pagkatapos ay tiningnan niya akong mabuti habang hawak sa magkabilang braso. She smilingly sighed. "You're so beautiful, darling." her eyes twinkled with unshed tears as she looked at me. I playfully rolled my eyes. She chuckled at muli akong niyakap. Napangiti ako. I hugged her back. "No crying Mommy, or you'll ruin your makeup." pabiro kong banta sa kaniya. "I just can't help it, anak. Parang kailan lang..." she reminisced. It's my eighteenth birthday. At sa malawak na garden ng mansion ito gaganapin. Hindi parin ako makakalabas ng bahay, but at least I'll be able to see other people aside from our housemaids. Sila Manang Lourdes nga lang ang nakakasama ko sa bahay. My parents were both always busy running the family business. Palagi pa silang nasa abroad for business trips. We were escorted by bodyguards habang pababa ng grand staircase. Hawak ni Mommy ang kamay ko. Sometimes I find my parents, especially my father Gilbert Torres, isang kilalang businessman and is one of the richest men in Asia, overprotective and paranoid. "Intindihin mo nalang ang Daddy mo, anak. He's just worried that something bad might happen to you kapag hindi kami naging mahigpit. Pinoprotektahan ka lang niya at ang pamilya natin. Isa pa, you're his only child and heiress." Mommy smiled. I would always ask why can't I be just like other girls. 'Yong nag-aaral sa isang escuelahan at may mga kaklase. May mga kaibigan at pwedeng mag-shopping together. Gumala at magkaroon ng night outs. Gaya sa mga napapanood at nababasa ko. I just want a normal life. Hindi 'yong ganito na kinukulong na nila ako dito sa bahay. I also want to experience things. To know more about the world outside. And to fall in love... Sinalubong kami ni Daddy bago tuluyang makalabas sa hardin. He opened his arms for a hug. Lumapit ako sa kanya at yumakap. Sa kabila ng lahat, I'm still grateful for my parents. They aren't perfect ngunit napaparamdam naman nila sa akin ang kanilang pagmamahal. Madalas iniintindi ko nalang ang kanilang kagustuhan. They just want to protect me. They just want what's best for me. Still surrounded by guards ay lumabas kami at humarap sa mga dumalo. We were greeted by their applause. Napangiti ako. Mom and Dad were beside me. I was formally introduced sa mga associates ni Dad sa business. Naging abala ako sa pagbati at pakikipagkamay sa mga ito. Masyadong pormal ang party. So instead of wearing a usual ball gown ay isang eleganteng long evening gown ang suot ko. Ang mga Tito ko, ilang pinsan, at mga anak ng business partners ni Dad ang isa isa kong nakasayaw for the eighteen roses. Siyempre si Daddy ang panghuli kong sayaw. Nagpakilala sa akin 'yong mga nakasayaw kong lalake. Ngunit sa huli ay hindi ko din natandaan ang mga pangalan nila. "You have a lovely daughter, Gilbert." ngiti sa akin ng isang Ginang. Binalik ko ang ngiti nito. Marami pa akong natanggap na ganoong papuri sa gabing 'yon. Some of the businessmen were even introducing their sons to me and my family. At ilang beses ko lang narinig kay Dad na wala pa sa isip niya ang ganoong bagay and that I am still young for it. "Ma'am Kate!" My forehead creased nang bumaling ako sa tumawag na katulong. Palapit na ito sa kinatatayuan ko at hinintay ko nalang. "Saan ka po pupunta?" "I'll just get a glass of water, nauuhaw ako." I said. Umalis muna ako sa tabi nila Mom and Dad na naging abala na sa mga bisita. Mag-isa akong pumasok ng bahay at patungong kitchen nang mabilis din pala akong sinundan ng isa sa mga maids. "Sana ay pinag-utos n'yo nalang." aniya. Umiling ako. "It's alright. Gusto ko rin kasing pumasok na muna dito sa loob." medyo napagod narin kasi ako sa pakikihalubilo sa labas. "I'm fine, bumalik ka na sa trabaho mo." May pagdadalawang isip pa itong umalis sa harapan ko. I sighed. Pati ang mga tao rito sa bahay ay nagiging kasing paranoid narin ni Daddy. It's not as if bigla nalang akong mawawala sa paningin nila. And we're just inside the mansion's premise. Isa pa we're surrounded by securities. Napailing nalang ako. Tumuloy na ako sa kusina at sandaling nanatili doon habang umiinom ng tubig. Tahimik ang loob ng bahay dahil nasa labas at abala ang mga katulong. Pabalik na ako sa pinangyayarihan ng party nang harangin ng nagpakilalang isa sa mga bodyguards. There are a lot of them kaya hindi ko memoryado kahit ang hitsura ng bawat isa sa kanila. "Inutusan ako ni Mr. Torres na ihatid kayo sa naghihintay na sasakyan sa labas." he said. Kumunot ang noo ko. Bakit naman iyon ipag-uutos ni Daddy. At saan naman kami pupunta? Or maybe may surprise sila ni Mommy for me? Since it's my birthday. "Tingin ko ay may surpresa para sa inyo si Sir." he smiled. He looked harmless. And he's one of the guards my Dad hired to protect our family. Unti unti akong tumango at sumama na sa kanya. Tuluyan kaming nakalabas ng bahay patungo doon sa sasakyang sinasabi nito. Ngunit habang palapit doon ay nag-iba ang kutob ko. I don't know. Maybe it's my instinct telling me that something was not right. May isa pang lalaking mukha rin bodyguard ang sumalubong sa amin doon at pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan. Nasa harap na ako n'on nang binalingan ko 'yong naunang lalaking sumundo sa akin kanina sa loob. "Where's Dad? Hindi ba kami magsasabay nila Mommy sa sasakyang 'to?" I asked. My heart started hammering inside my chest. Unti unti narin akong binabalot ng kaba. May mali talaga sa nangyayari. Hindi ito agad nakapagsalita. Lumakas lalo ang kutob ko. But still I tried to act as normal as possible. "Babalik na muna ako sa party. I'll ask my father first about this," hahakbang na sana ako para lampasan sila nang hawakan ako n'ung lalaking kaharap ko sa braso. Sobrang lakas na ng pintig sa dibdib ko. Tumango siya sa kasamang nasa likuran ko at sunod kong naramdaman ang pagtakip nito sa bibig ko at sapilitan na nila akong pinasok sa sasakyan. Sinubukan ko pang manlaban at manghingi ng tulong ngunit matagumpay na nila akong naipasok doon. Agad nilang binusalan ang bibig ko at nakita kong bukod sa dalawa ay may isa pa pala dito sa loob ng sasakyan na nasa driver's seat. Unti unting umandar ang sasakyan at halos mawalan na ako ng pag-asa. May securities pa sa gate bago tuluyang makalabas. Sinimulan kong hampasin ang bintana ng sasakyan sa tabi ko, hoping that the guards outside would notice it. Ngunit mabilis lang akong pinagitnaan ng dalawang lalake at pati kamay ko ay ginapos na nila. Nangilid ang luha sa aking mga mata. The CCTVs! Sana naman ay agad may makakita na dinukot na ako ng mga lalaking 'to. Sana napansin na ngayon nila Mommy na kanina pa ako nawawala sa kanilang tabi. Sana... Tuluyang bumuhos ang mga luha ko nang nakalayo na kami. Bakit nila ito ginagawa? Sino ang nag-utos sa kanila. May nag-utos ba sa kanila? Saan nila ako dadalhin? Ano'ng gagawin nila sa akin! My mind was shouting for help dahil hindi ko iyon mailabas sa aking bibig na may busal. I was already silently sobbing. Takot na maingayan sila sa akin at kung ano pa ang gawin nila. "Sinusundan tayo!" one of them said in alarmed tone. Naramdaman ko ang pagbilis pa ng takbo ng sasakyan. Hope rose in me. May dumating para sagipin ako. Siguro ay nalaman na nila Dad na nawawala ako and they already checked the CCTV that is installed in every corner of our mansion. Kumalabog ang dibdib ko nang binabangga na no'ng kotseng sumusunod sa amin kanina ang sasakyang sakay ako. Hanggang sa napadpad kami sa isang tahimik na kalsada. Biglang napapreno 'yong driver ng sinasakyan ko nang harangin kami n'ung kotse. I heard them curse repeatedly at halos magkakasabay na lumabas ng sasakyan sabay bumunot ng baril. My eyes widened at pagsinghap lang ang nagawa ko. Halos manginig na ako sa naramdamang takot. Mariin ko nalang pinikit ang mga mata at nagdasal. Napamulat lang ako noong muling bumukas ang pinto ng sasakyan sa tabi ko at bumungad sa akin ang isang lalake. He's not one of those who kidnapped me. Natulala ako sa kanyang mukha... Did I just met my knight in shining armor? 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

IN BETWEEN (SPG)

read
269.1K
bc

The ex-girlfriend

read
138.8K
bc

Just Another Bitch in Love

read
28.1K
bc

Unexpected Romance

read
38.5K
bc

SINFUL HEART (BOOK 1) SPG Completed

read
454.5K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.3K
bc

His Cheating Heart

read
41.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook