Chapter One

1349 Words
"Are you okay?" hinihingal pa niyang unang tinanong sa akin. "W-Where are they?" not that I'm concerned with those kidnappers but I was just curious. Nakarinig ako ng palitan ng putok ng baril kanina. Masyadong naging mabilis ang pangyayari. He shook his head at hinawakan ang braso ko. Napatingin ako sa kamay niyang humawak sa akin. "Let's go." he said and dragged me out of the car. Nagmamadali niya akong hinila patungo sa isa pang sasakyan na tingin ko'y sa kanya. Nadaanan namin 'yong mga kidnappers ko na halos humandusay sa sementadong kalsada. Napasinghap ako when I saw blood on their legs and arm. Mabilis niya akong pinasok sa kanyang sasakyan at kinabitan ng seatbelt. Pagkatapos ay umikot naman siya papasok sa driver's seat. He started the car's engine and drove off. "What happened to them?" halos mataranta kong baling sa kanyang nagmamaneho. Sumulyap siya sa akin. "Obviously I shot them." he said na parang wala lang. My mouth formed into an O. "Y-You killed them?!" "I didn't." sabay sulyap niya sa sideview mirror ng sasakyan. "Damn it." Napatingin narin ako sa likuran namin and I saw my kidnappers' car na nakasunod na sa amin. My eyes widened. "Oh my gosh!" singhap ko. "They're still alive! At sinusundan nila tayo. I don't want to die yet!" I panicked. "What should we do?!" "You'll really die if you won't shut up." may bahid ng pagkairita niyang sinabi sa akin. His eyes were focused on the road at pabilis pa lalo ng pabilis ang takbo ng sinasakyan namin. "I'm driving kaya tumahimik ka nalang muna so that I could focus." he said. Huminga ako at nanahimik nalang sa kinauupuan. Napasigaw lang ako at agad napatakip sa tainga nang makarinig ng putok ng baril. Pinapatukan kami no'ng mga kidnappers ko! "Oh God! Ayoko pa po mamatay. Please help us!" nakatakip parin ang mga palad ko sa aking tainga and my eyes were shut tight. "Hawakan mo muna 'tong manibela." he said. "H-Huh?" nataranta ako. "I don't know how to drive!" "Just fucking hold it!" he said in a hurry. Napalunok ako at nanginginig ang mga kamay na humawak sa steering wheel. Nakita ko ang pagkasa niya ng baril. Nagugulat parin ako sa mga nangyayari. And in a swift move ay nilabas niya sa bintana ng sasakyan ang halos kalahatid ng kanyang katawan. Tapos ay nakarinig muli ako ng isang putok ng baril galing sa kanya. Muntik na kaming mabangga dahil hindi ako marunong humawak ng maayos sa manibela. Mabilis din siyang naupo muli sa driver's seat at bumalik sa pag-d-drive. Buntong hininga akong napasandal sa aking seat. Nilingon ko 'yong sasakyang humahabol sa amin ngunit palayo na ito ng palayo sa paningin ko. Bumaling ako sa kanya. "You shot their tire?" singhap ko. Hindi niya ako sinagot at focused lang siya sa daan. Pero mukhang gano'n na nga. Buntong hininga ko nalang binaling narin ang tingin sa dinadaanan namin. Lumalalim na ang gabi. At halos puro puno nalang ang nakikita ko sa magkabilang gilid ng daan. Tingin ko ay napalayo na kami sa city. "Where are we?" I asked after a long while. Sumulyap siya sa 'kin. "Check the GPS." Napatingin ako sa cellphone niyang nakapatong sa dashboard. Kinuha ko iyon at agad hinanap kung nasaan na nga ba kami. His phone doesn't have a password and its wallpaper's just default. I'm not familiar to the place ngunit tingin ko ay tuluyan na nga kaming napalayo sa city... "What happened?" tanong ko sa kanya nang biglang tumirik ang kotse sa gitna ng biyahe. Agad niya itong tinabi sa gilid ng daan. Lumabas siya ng sasakyan para i-check kung ano'ng nangyari. Nagkalas narin ako ng seatbelts at sumunod na sa kanya sa labas. Naabutan ko ang bahagya niyang pagsabunot sa buhok. Lumapit ako sa kanya. "Napano?" I asked. He shook his head. "Nasiraan tayo." Napaawang ang labi ko. Nilibot ko ang tingin sa paligid at nakitang nasa tabi kami ng isang tahimik na daan sa madilim na gabi. At puro pa puno at mga damo lang ang nakikita ko sa magkabilang gilid ng daan. Umihip ang malamig na hangin ng gabi at niyakap ko ang sarili. Ngayon ko lang din halos napansin na nakasuot pala siya ng isang dark suit. Bahagyang kumunot ang noo ko. Sumandal siya sa hood ng kanyang kotse at tumingin nalang sa kawalan sa aming harapan. Ginaya ko siya at napasandal narin doon ng may konting distansya sa pagitan namin. "Isa ka ba sa guards na pinadala ni Dad to rescue me?" may pagdadalawang-isip ko siyang tinanong pagkatapos ng medyo mahabang katahimikan. Bumaling siya sa akin at unti unting napangisi. Bahagya akong napaiwas ng tingin. He just looked more illegally handsome when he smirked. I bit on my bottom lip at lalo pang napayuko. "You think so?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya at nakita ang pagtataas niya ng kilay sa paghihintay ng isasagot ko. I cleared my throat a bit. "I... I don't know. That's why I'm asking..." Muli siyang napangisi. I pursed my lips. Oh my... he's so handsome. He slowly shook his head. "Uh," tumingin siya sa akin. "What's your... name?" I asked him shyly. "Hmm." he nodded his head a bit. "Alec. And you are Katerina, right?" Nagulat ako dahil alam niya ang pangalan ko. "Uh, Kate nalang." kumunot ang noo ko. "Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?" Napaayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal at parang may nakita sa malayo. I followed his line of vision at nakitang may dalawang taong papunta sa direksyon namin. Napatayo narin ako ng tuwid. "Magandang gabi po." lapit at bati ni Alec sa mga dumating. It was an old man at may kasama itong isang binatilyo.  "Magandang gabi din sa inyo, hijo." anang matanda. "Mukhang nasiraan sila." I heard the teenager said. "May alam po ba kayong malapit na talyer dito?" Alec asked them. Tumango 'yong binatilyo. "Opo. Pero may kalayuan pa 'yon dito." "Napadaan lang kami at pauwi na nang makita namin kayo kaya kami lumapit." the old man said. "Pwede naman po siguro nating tawagan 'yong talyer?" Alec said and got his phone out of his pocket. Tapos ay napailing siya. Sinilip ko rin ang kanyang phone at nakapatay na ito. Na-lowbat na siguro. Wala naman akong ibang nadala bukod dito sa suot kong long gown at mga alahas. "Pwede nating puntahan 'yong talyer at ipahila itong sasakyan n'yo dito." "Pero malalim na ang gabi at baka sarado na 'yon 'Tang." sabi no'ng binatilyong kasama ng matanda. "Pwedeng sumama nalang muna kayo sa amin pauwi nang makapagpahinga. Tapos bukas ay balikan natin itong sasakyan n'yo dito." the old man offered. Bumaling ako kay Alec at napatingin din siya sa akin. Saglit kaming nagkatinginan bago siya bumaling sa matanda. "Kung hindi naman po kami makakaabala sa inyo?" he politely said. Umiling ang matanda at ngumiti. "Aba'y hindi naman. Hali na kayo at medyo may kalayuan din ang baryo mula rito." "Hindi ba mawawala 'tong kotse mo dito?" I asked Alec. Saglit siyang nagtaas ng mga kilay habang nakatingin sa akin bago bahagyang umiling at muli na namang ngumisi. "Malalaman nalang natin." Napangisi narin ako at nailing nalang. Nagpatiuna na 'yong dalawa at sumunod naman kami ni Alec sa kanila. Panay ang ihip ng malamig na hangin kaya panay din ang yakap ko sa sarili. Saglit huminto sa paglalakad si Alec kaya binalingan ko siya. Naghuhubad siya ng kanyang coat pagkatapos ay nilahad ito sa akin. Hindi agad ako nakapag-react kaya siya na mismo ang pumatong n'on sa balikat at likod ko. "T-Thank you..." nasabi ko nalang. Tumango siya and we resumed walking pasunod kanila Lolo. Sa paglalakad ay maya't maya ko siyang sinusulyapan habang nakatuon lang naman ang mga mata niya sa nilalakaran namin. A small smile rose on my lips. Narito ako ngayon. Sa malamig at madilim na gabi. Kasama ang mga taong hindi ko kakilala. Kasama ang isang lalaking ilang oras ko palang nakakasama. Hindi ko alam pero... kumportable naman ako sa kanya. And I even feel safe. Bata palang ay palagi ng sinasabi sa akin nila Mom at Dad na hindi ligtas ang buhay sa labas. At ngayong patungo kami sa kung saang hindi ko alam ngunit kasama ko naman ang lalaking 'to, I don't know exactly but I just feel protected with him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD