Si Alec parin ang may dala ng shopping bags when we got out of the store. Medyo inis parin ako doon sa babae. Actually mga babaeng nakakapuna kay Alec rito. I can see their eyes on him na kulang nalang makita ko silang literal na maglaway kakatingin. Lalo lang nag-iinit ang ulo ko. Gusto ko silang lahat pagsisitahin isa isa. Kagaya ng ginagawa ko sa mga katulong namin sa mansion tuwing nahuhuli ko ang mga ito na pinagpapatansyahan si Alec. "Hey," naramdaman ko ang hawak niya sa aking braso. Nahinto ako sa paglalakad at napabaling sa kanya. I saw his creased forehead. Tapos ay nilapag niya sandali sa sahig ng mall ang mga bags na naglalaman ng pinamili kong gamit para sa escuela. Tapos ay dinala niya ang mga kamay sa mukha ko. He stretched my lips para pilit akong mapangiti. Nangunot pa