Dahil nasa bandang pintuan si Carmen bumaba siya para tignan ito,
Bumaba din ako para sundan siya madami nga na tao parang may tinitignan sila,
Napansin ko na lumapit si Carmen sa karamihan nang mga tao,
"Carmen dito ka lang huwag ka nang pumunta duon"
Pero hindi niya ako pinansin, kaya bumalik na lang ako sa loob ng trysicle naupo habang hinihintay siya,
Naalala ko baka maleyt kami,
"Manong anong oras na po?"
Tanong ko dito dahil sa totoo lang kahit relo na mumurahin ay wala akong gamit,
Tumingin siya sa relo na suot niya,
"9:47 na iha"
Sagot niya sa akin' naku po maleleyt na kami 10:00 am ang first subject namin,
Naiinip na bulong ko, sumilip ulit ako sa labas pero hindi parin bumabalik si Carmen,
"Manong hindi po ba talaga tayo makakadaan?"
Tanong ko sa kanya,
Tinanaw niya ang karamihan nang tao at nag isip,
"Sige susubukan ko iha' pag nakita mo iyong kasama mo duon tawagin mo na ha"
Sabi niya sa akin, dahil duon napangiti ako,
"Sige po manong salamat"
Malapit na kami sa karamihan nang mga tao pero nakaharang talaga sila sa daan kaya hindi maisingit ni manong ang trysicle niya,
"Ano ba kasi ang meron dito?"
Naririnig ko na reklamo ni Manong na pilit din niya tinatanong at napakamot sa kanyang ulo,
"Sandali lang po manong titignan ko lang po"
Pagpapaalam ko sa kanya,
Lumabas na din ako para hanapin ang pinsan ko,
Nakipagsiksikan ako sa karamihan nang mga tao' pilit ko siyang hinahanap sa mga iyon
Parang wala naman nangyari na aksidente dito' sa isip isip ko,
Ano ba kasi ang tinitignan nila dito?
Tanong ko sa isip ko,
Nakita ko sa bandang unahan si Carmen dahil sa suot niya na uniform at bag niya, kaya sumiksik pa ako sa karamihan nang mga tao,
Nung husto na ako nakalapit dito' agad ko siyang kinalabit,
"Pinsan ano ba maleleyt na tayo!"
Sabi ko sa kanya,
Nilingon niya ako saglit,
"Gladys tignan mo iyong nasa taas nang puno ohh?"
Turo niya sa akin, hindi naman kataasan ang puno kaya hindi siya nakakangawit tingalain,
Pero malapad ito para sa isang puno dahil hitik ito sa mga dahon,
Tinignan ko ang ang sinasabi niya,
Kung hindi mo siya titignan sa pinakataas hindi mo mapapansin na may taong nakaupo duon,
Sa itsura niya isa siyang lalaki' malaki ang pangangatawan at may pagka longhair ang buhok at maputi siya,
Nakapantalon siya at white t-shirts,
Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko makita ang mukha niya,
"Pinsan kanina nung lumapit ako dito' lahat nang mga tao dito dinaanan lang ng asul na mata niya"
Tapos para siyang nanlulumo na biglang nagsalita,
"Nasaan kana? konting oras na lang ang natitira sa akin"
Sabi niya iyon habang umiiyak,. kuwento nang pinsan ko,
Tapos nagulat kami kasi ang bilis niyang nakaakyat nang puno,
"Nakakaawa nga e' hindi kaya may problema siya sa pag iisip?"
Sabi pa ng pinsan ko, napatingin ulit ako sa lalaki na nanatiling nakaupo sa puno na nakatalikod pa din sa amin,
"Sayang kung may sayad nga siya ang guwapo pa naman niya"
Sabi pa nang pinsan ko, unti unti na nabawasan ang mga tao dahil wala na sa harapan nila ang taong naging sentro nang atensyon nila,
Hinila na din ako nang pinsan ko palayo duon at sumakay kami sa trysicle na naghihintay pa din sa amin,
Habang papalayo duon napatingin ulit ako sa lalaki na nasa puno' pero nagulat ako dahil bigla itong naglaho sa paningin ko,
Hindi ko alam kung guni guni ko lang iyon' Kaya binalewala ko na lang,
Pagkadating sa eskwelahan agad kaming pumasok sa room mag kaklase kami nang pinsan ko at parehas din kami ng course na kinuha,
Nasa kalagitnaan nang klase hindi ko alam na dinalaw pala ako nang antok,
***Panaginip***
"Nagkita tayong muli gladys"
Sabi sa akin ni klea, Nagulat ako sa bigla niyang pagsalita kasi nandito na naman ako,
Nakaupo siya sa isang malaking bato na napapalibutan ng mga bulaklak,
"Bakit nandito ulit ako?"
Tanung ko sa kanya sa pagtataka ko,
"hindi ko din alam' kung bakit pilit kang dinadala dito ng iyong panaginip"
Sagot niya sa akin,
"Nalulungkot ako sa pangyayari dahil konting oras na lang ang natitira sa kanya"
Sabi ulit niya,
Bumaba siya sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin,
Hindi ko talaga maintindihan ang mga sinasabi niya,
"Alm mo ba pag hindi ka niya nakita ay mananatili siyang isang puno sa inyong mundo?"
Malungkot na sabi niya sa akin,
"Isa pa lang iyon sa maraming sakripisyo na tinangap niya sa Paglabas niya dito' sa aming mundo"
Naguguluhan na talaga ako sa sinasabi ni klea at kinilabutan na talaga,
"Sino ba kasi ang tinutukoy mo? kasi hindi ko maintindihan ang mga sinasabi mo"
Sagot ko sa kanya' dahil medyo nakukulitan na din ako sa kanya,
"Pag nandito ako sa inyo naalala ko ang pinag uusapan natin' pero pag nanduon na ako sa amin wala ako maalala kahit na Ikaw"
Sabi ko pa rin sa kanya,
"Patawad bahagi kasi ito nang tadhana at batas nang aming mundo' pero pag nakita ka niya nalagpasan niya ang unang pagsubok"
Kahit hindi ko alam kung sino at ano ang tinutukoy niya' nakuha ko padin magtanong para magkaroon pa din ako ng idea kung ano ang ibig niyang sabihin,
"Anong unang pagsubok? ibig sabihin marami pang pagsubok?"
Tanong ko ulit sa kanya,
"Oo gladys kung magtatagumpay man siya na makita ka' kailangan mahalin mo siya dahil pag nagkita kayo hindi mo siya makikilala na siya ang taong matagal mo nang minamahal"
"Dahil kahit Ikaw gladys may sakripisyo ka din na kailangan gawin' mamimili ka sa dalawa: ang taong nasa loob ng libro o siya na nasa harapan mo pero siya din ang taong nasa loob din nang libro na minahal at binigyan mo nang buhay"
Naguluhan ako sa sinabi niya, parang iisang tao lang naman ang tinutukoy niya' pero bakit kailangan mamimili sa iisang tao lang?
"Dito sa aming mundo Gladys maraming hiwaga at pagsubok na kailangan namin pagdaanan bago din namin makuha ang aming kaligayahan"
Malungkot na sabi niya ulit, hindi ko na alam kung ano pa ang isasagot at itatanong ko sa kanya dahil blanko na ang utak ko,
"Kaya ko ito ginagawa kahit may kaparusahan itong kapalit para sa akin' gusto ko kahit man lang ang Kapatid ko ay magtagumpay pagdating sa pag ibig na hindi ko naipaglaban"
Nakita ko na parang naiiyak siya habang sinasabi niya iyon,
"Pero gladys nasa iyong kamay ang tagumpay nang Kapatid ko' kaya magiingat ka sa iyong pipiliin''
Seryoso niyang sabi sa akin na para bang napaka importante ng lahat ng iyon,
"Dahil kahit iisang tao lang sila' isa lang dapat ang maiwan sa mundo ninyo kaya pakiramdam nang puso mo ang dapat mong mahalin gladys...."
"Tulad ng sinabi ko ang lahat ng ito ay imahinasyon at hindi mo na maalala mula sa iyong pag gising"
"Wala siya dito nanduon siya sa inyong mundo kaya gumising kana gladys....."
"Gladys!!!!!..."
Nagpagising sa akin sa pagyugyog sa balikat ko,
Napaangat ang ulo ko' nakita ko na nakatingin sa akin ang iba kong kaklase at ang nakataas na kilay ng guro namin,
Napalingon ako sa gumising sa akin si Carmen na nakasimangot,
"Kanina kapa tinatawag ni mam ang hirap mo gisingin"
Bulong niya sa akin' napatingin ulit ako sa guro namin pero sa ibang estudyante na ito nagtanong tungkol sa pinag aaralan..