Wake up gladys

1163 Words
Hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin, Pero ngumiti agad siya nang makita niya sa mata ko ang pagkalito dahil sa mga sinasabi niya, "Huwag mo intindihin ang aking itinuran' iyon ay hindi importante sa ngayun" Tumango na lang ako bilang Pagsang ayon, "Klea ang aking pangalan" Pagpapakilala niya sa akin "Ako naman si gladys" Nakangiti kong sagot sa kanya, "Alam ko gladys" Medyo kinikilabutan na ako sa mga binabalik niyang pasagot sa akin, Nakarating kami sa isang Napakalaking puno na hugis isang palasyo na bahay, Halos natulala ako sa mga nakikita ko, May sumalubong sa amin na isang babae na kaparehas nang kanyang suot, Pero mapapansin mo kaagad ang pagkakaiba ng kanilang kasuotan dahil higit na mas maganda ang suot ni klea, "Binibini kanina pa po kayo hinanap ng inyong ama" Sabi niya kay klea may napapansin ako sa babaeng sumalubong sa amin parang hindi niya ako nakikita kahit na nasa harapan lang din niya ako, "Pumaroon kana at ako na ang bahala sa aking ama" Sagot naman niya dito' pagkatalikod nang babae agad siyang tumingin sa akin, "Batid ko na Ikaw ay nagtataka dahil sa iyong palagay Ikaw ay hindi niya nakikita?" Nagulat ako sa sinabi niya' ibig sabihin hindi nga talaga ako nakikita nang babae kanina, Tinignan ko tuloy ang sarili ko at hinawakan, Nakikita at nahahawakan ko naman ang sarili ko, Hindi naman siguro ako Patay o kaya multo? para hindi makita nang babae kanina, kinilabutan na naman ako sa isipin na iyon "Dito sa aming lugar ay isa lamang kayo na imahinasyon' tulad ng sa inyong mundo isa lang din kaming imahinasyon para sa inyo" Sabi niya habang naglalakad kami papasok sa malapalasyo na malaking hugis puno, "Pero dahil sa matinding paniniwala mo nabubuhay kami diyan sa isip at puso mo" "Nakakakita lang sa iyo ang gustong makita ng mata at puso mo" Pagpapaliwanag niya sa akin, Huminto kami sa isang puno na walang mga dahon' hindi pa naman siya tuyot para masabing Patay na, Hindi naman siya Patay pero nanatiling nakatayo dahil sa ugat na kinakapitan at nagbibigay nang dahilan para manatili itong nakatayo, "Mahahawakan mo lang din ang gustong hawakan nang puso mo" Sabi niya ulit sabay hawak sa puno na kanina ko pa tinitignan, Binaba niya ang kamay niya sa pagkakahawak sa malaking puno' may nakita akong lungkot sa kulay blue na mata niya, "Alam mo ba gladys hetong puno na ito ay ang lalaking iniibig ko?" Gulat na gulat ako sa sinasabi niya' napatingin ulit ako sa malaking puno paano niya ito mamahalin e' isa lang itong puno? Kinikilabutan na talaga ako' napadasal tuloy akong bigla, Kung isa man itong panaginip pls! po gisingin na po ninyo ako! Mahinang bulong ko sa isip ko, Naglakad siya papasok ulit sa isang lagusan kaya sinundan ko ulit siya, Nakita ko naman ang ang isang malaking puno na maraming alitaptap hindi sila umaalis sa puno na iyon, Para bang may binabantayan sila na isang bagay na importante sa puno na iyon, "Diyan nakatira ang aking Nakakatandang Kapatid" Tinignan ko ang puno paano magkakaroon nang bahay sa loob e' puno lang ito? Bulong ko na naman, "Wala ngayun siya diyan' dahil lumabas siya para hanapin ang nagbigay ng buhay sa kanya" Sabi niya habang patuloy na lumalapit sa puno na maraming alitaptap, "Salamat sa iyo gladys dahil sa iyo nabuhay siya" Napanganga ako sa sinabi niya hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong reaksyon, Narinig ko ang bigla niyang pagtawa kaya bumalik ako sa katinuan, "Siguro kung makakaharap mo siya ngayun baka hindi lang ganyan ang maging reaksyon mo" Natatawa niyang sabi sa akin' napansin ko din na nagiging normal na ang pakikipag usap niya sa akin, "Sino ba yung tinutukoy mo?" Nagtataka na Tanong ko sa kanya, "Hindi ko Puwedeng sabihin sa iyo dahil kailangan kusa ka niyang mahanap" Nakangiti ulit niya na sagot at lumapit na ulit siya sa akin, "Kung hindi dito sa panaginip' duon mo siya sa iyong mundo mo makikita" "Kaya pilitin mo makabalik sa inyo dahil malaki na ang sinakripisyo niya makalabas lang sa mundo namin" Kahit naguguluhan ako sa mga sinasabi niya nakuha ko pa din magtanong sa kanya, "Paano ko gagawin iyon? hindi ko nga alam kung nasaan ako?" "Gumising ka mula sa iyong malalim na pagkakahimbing gladys..." "Gladys!!!!!!!!!!!!" Nagising ako sa maganda at kakaibang panaginip dahil sa malakas na boses nang pinsan ko, "Bakit ba?" Pikit mata ko pang tanong sa kanya, "Kanina pa kita ginigising diyan tulog mantika ka" Sabi niya sa naiinis na boses, "Ano ba kasi yang napanaginipan mo at ang sarap nang tulog mo? aba gusto ko na nga kumuha ng tubig para ibuhos sayo'!" Mula sa pagkakahiga napaupo ako, Ano nga ba yung magandang panaginip ko? Wala ako maalala, pero parang kakaiba siya lagi naman ganoon pag gising ko hindi ko na maalala ang panaginip ko, Tumayo kana diyan at baka malate pa tayo' aba graduation na natin next week, Ou nga pala lapit nadin graduation namin at makakaraos na sila tatay at Nanay sa akin, Tumayo ako sa higaan at nagtuloy nang banyo, Pagkalabas ko wala si Carmen baka umuwe sa kanila para magbihis, Pero bigla ko naalala yung libro na yakap ko kagabi, Nakita ko ito sa higaan at hinalikan bago ibalik sa ilalim nang unan ko, Pagkalabas ko nang kuwarto wala na din sa Nanay at tatay, Dinaanan ko na si Carmen para sabay na kaming pumasok, Nakita ko sa labas nang bahay ang Nanay niya na Kapatid ni Tatay, "Magandang umaga tita" Bati ko sa kanya habang nagwawalis siya sa bakuran nila, "oh Ikaw pala gladys sa inyo ba natulog yang magaling mo na pinsan?" Tanong niya sa akin, "Opo tita" Sagot ko sa kanya, "Buti naman akala ko natutulog na iyan sa boyfriend niya' ayy naku makakalbo ko talaga siya pag ginawa niya iyon!!" Patuloy na pagsasalita ni tita habang papasok na ako sa loob nang bahay, Dahil pag hindi ko siya iniwan tuloy tuloy lang ang pagsasalita niya', Naabutan ko si Carmen na nasa tapat na nang salamin habang nagsusuklay, "Sandali lang gladys ha" Sabi niya sa akin dahil alam ko na ang gagawin niya maglalagay na naman ng mga kung ano anong kolorete sa mukha, Pagkatapos niya nagpaalam na kami kay tita na papasok na, Pero bago iyon katakot takot na sermon muna nag inabot ni Carmen, Habang nasa trysicle kami na binabagtas ang eskwelahan natanong niya ako, "Gladys anong plano pagkatapos ng graduation natin?" "Siyempre maghahanap agad ng trabaho para makatulong agad kila Nanay" Sagot ko sa kanya' "Bakit Ikaw ano bang plano mo?" Tanong ko naman sa kanya, "Gusto ko ng mag asawa gladys" Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya, "Anooo??? seryoso ka??" Nanlalaki ang mata na Tanong ko sa kanya, Pero bago niya ako masagot huminto ang sinasakyan namin na trysicle, "Bakit po manong?" Tanong ni Carmen sa driver, "Meron atang bangaan ang daming tao e" Napatingin kami sa diretsong daan na tatahakin sana nang trysicle na sakay namin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD