Dumating bigla si tatay kaya naputol ang pag uusap namin dahil duon sa misteryosong babae,
"Gladys ang nanay mo dumating naba?"
Tanong niya sa akin habang inaayos ang mga gamit niya galing sa pangingisda,
Lumapit ako sa kanya para mag mano,
"Hindi pa po itay"
Sagot ko sa kanya at bumalik sa pagkakaupo sa tapat ni Carmen,
"Tito bakit po pala ang daming mga Patay na isda sa pampang?
Tanong ni Carmen kay itay na nagtimpla nang kape,
"Hindi nga namin alam iha' dahil sa pangyayari na iyon halos lahat kami walang nahuli na isda"
Malungkot na sagot ni itay,.
"Ang itay mo tuloy inaaway na naman nang inay mo dahil wala daw Kita"
Sagot pa ni tatay,
"Kaya ayokong nasa bahay dahil sa bunganga ni Nanay nakakarindi lang"
Naiinis na reklamo ni Carmen,
Naiiling lang si tatay na napatingin sa pinsan ko,
"Oh siya Sige maiwan ko na kayo diyan"
Iniwan na kami ni tatay sa kusina na dala ang kape niya,
"Gladys dito ako matutulog ah"
Pagpapaalam niya sa akin,
Tumango lang ako sa kanya dahil dito naman talaga siya natutulog pag ginusto niya,
Inaya na niya ako sa sala para manuod nang television
Habang nanunuod panay kuwento niya sa boyfriend niya,
Kung tutuusin ayoko sa boyfriend niya para sa kanya,
Dahil mukha itong playboy' pero hindi ko iyon sinasabi sa kanya,
Nasa sala parin kami ni Carmen nang dumating si Nanay,
Napatingin ako sa bintana sa labas kasi halos magdilim na,
Hindi naman siya ganito umuwe galing sa pagtitinda kaya nagtaka ako,
Sinalubong ko siya para mag mano
"Ang tatay mo gladys?"
Tanong niya sa akin
"Nandiyan lang po kanina sa labas nanay"
Sagot ko sa kanya' at bumalik sa upuan sa tabi ni Carmen
"Wala naman duon"
Sagot sa akin ni Nanay,
"Tita baka nasa amin po Kasama si tatay"
Sagot naman ni Carmen na nasa tabi ko,
Umupo si Nanay sa kabilang upuan na nasa tabi namin,
"Nay bakit ginabi kana nang uwe?
Tanong ko sa kanya,
"Itapat mo nga muna sa akin iyang bentilador Carmen"
Utos niya sa pinsan ko,
"Hay naku nagkagulo sa ikatlong baryo"
Pag uumpisa ni Nanay nang kuwento,
Yung ikatlong baryo na sinasabi niya ay mas malaking baryo kung ikukumpara sa ikalawa at sa aming baryo,
Dahil mas marami ang nakaka angat ang buhay duon at mas marami ang naninirahan,
Kaya mas pinili ni Nanay na duon na magtinda kahit may kalayuan,
"Meron kasi napaka guwapo na lalaki duon na parang may hinahanap"
"Halos lahat nang kadalagahan tinitignan niya sa mata"
"Ano yun tita maniac?"
Biglang sagot ni Carmen,
"Hindi ko nga alam e' dahil hindi naman niya masabi ang pangalan nung babae na hinahanap niya' pag nakita daw niya iyon makikilala daw niya'"
Kuwento pa ni Nanay,
"Ang weird naman ng ganoon tita"
Si Carmen ulit,
"Kaya nga umalis na ako e' baka mapagkamalan pa niya ako' aba kahit amoy isda ang tito mo e hindi ko iyon ipagpapalit kahit sa batang guwapo ano"
Pagbibiro na sabi pa ni Nanay,
"Ayy ayan ang tita ko loyal sa isda' kahit may karne na sa harapan e pilit pa din pipiliin ang isda"
Sagot na pagbibiro ni Carmen,
Nagkatawanan kami,
"Tumigil ka na nga' Kumain naba kayo?"
Pagtatapos niya sa pag uusap na iyon,
"Hindi pa po nay' pero naluto na po namin ni Carmen yung konti na uwe ni tatay na isda"
Sagot ko sa kanya,
"Bakit wala bang huling isda ang tatay mo?"
Tanong niya ulit sa amin bago siya tuluyan pumasok nang kusina,
"Wala po nay' inalat daw po sila"
Sagot ko sa kanya,
Pagkadating ni tatay sabay sabay na kami Kumain,
Tinulungan na ako ni Carmen na maglinis nang pinagkainan namin dahil itinaboy ko na si Nanay at tatay para mag pahinga,
Pagkatapos nuon inaya ko na ang pinsan ko na magpunta sa kabilang kuwarto para matulog na din,
Habang nakahiga kinuha ko ang libro ko sa ilalim nang unan ko at niyakap ito bago ako dalawin nang antok,
***Panaginip***
"Babae anong ginagawa mo dito' sa aming lugar?"
Nagpalingon ako sa taong nagsalita sa likod ko,
Babae siya na may kulay asul na mata hanggang bewang ang kulay gray na buhok at kakaiba ang suot
Pati yung kutis niya kakaiba para bang naliligo siya araw araw sa gatas,
Tinignan ko ang kulay ko' parang naasiwa pa ako sa kutis ko,
Morena kasi ako pero marami nagsasabi bagay daw sa akin ang kutis ko,
Heto daw ang nagpapalitaw sa pagiging simple ko,
"Naligaw po yata ako"
Sagot ko sa kanya,
"Ganoon ba? Saan kaba nagmula at hindi mo na makita ang daan Pabalik?"
Sabi niya habang hindi inaalis ang pagkatitig sa akin,
"Hindi ko din po alam' Basta napunta na lang ako sa lugar na ito"
Nakita ko ang pagtataka sa mata niya,
"Ganoon ba babae? parang alam ko na ang dahilan kung paano ka dinala nang iyong panaginip dito'"
Naguguluhan ako sa mga sinasabi niya at sa uri nang pakikipagusap niya sa akin,
"Puwede po ba ninyo ako tulungan na makauwe sa amin?"
Tanong ko sa kanya,
"Wala ako maitutulong sa iyo kung paano ka makakauwe sa inyong lugar' tanging Sarili mo lang ang makakatulong sa iyo"
Sagot niya sa akin,
Nilibot ko ang paningin ko sa paligid ko,
Paano nga ba ako nakarating dito'? wala ako matandaan,
Naglalakihan na mga puno' mga nag gagandahan na mga bulaklak,
Halos ang kabuuan ay masasabi ko na ang bawat puno ay magkakarugtong,
Para bang sila ang nagsisilbing bakod o may pinoprotektahan sa lugar Kung nasaan man ako ngayon,
Paano nagkaroon na ganitong kagandang lugar dito sa amin?
Nagtataka na tanong ko sa sarili ko,
Napatingin ulit ako sa babae na nasa harapan ko,
"Pero Puwede naman Kita ipasyal dito sa amin kung iyong mamarapatin"
Nakangiti niyang pag anyaya sa akin,
Mukha naman siyang mabait kaya sumama ako sa kanya,
Habang naglalakad napapatingin ako sa bawat nadadaanan namin,
Sobranga mangha ako sa lahat nang nakikita ko,
Nagulat at natakot ako sa biglang Paglabas nang isang malaking leon kung Saan man lagusan,
bigla ako nagtago sa likod nang babae na kasama ko,
Lumuhod siya at kinausap ang leon,
Ibang lengwahe ang ginamit niyang pakikipag usap dito' at tumalikod ito na napatingin pa sa akin,
Pumasok siya sa isang malaking puno na biglang nagbukas at bigla din nagsara,
Ano yun pintuan ang malaking puno na iyon?
Pagtataka na tanong ko ulit sa isip ko,
"Lahat nang nakikita at hinahangaan ng iyong mata ay kusa mong makakalimutan"
Sabay lingon niya sa akin,
"Sana lang pag nagkita kayo'"
"Sana sa paggising mo ay hindi mo siya makalimutan dahil iyon ay kamatayan para sa kanya"
Sabi pa din niya...