The Cards

1004 Words
Matangkad guwapo malaki ang katawan katamtaman ang kulay may mapulang labi, Matangos ang ilong may matang nangungusap at laging may handang ngiti pag tinitignan ako, "Hoy gladys nananaginip ka na naman ng gising" Tawag sa akin nang pinsan ko habang nasa mesa kami at kumakain, Tinignan ko lang siya at nginitian, "Tatlong taon na yang libro na yan sayo' hindi kaba nagsasawa paulit ulit basahin iyan" Tanong niya sa akin habang iniinom ang kape niya', "Kahit ilang taon pa ito kahit pagtanda ko hindi ko ito pagsasawaan no" Sagot ko lang sa kanya, Dahil nasa loob ng libro na ito ang lalaking iniibig ko, Hindi ko alam kung kabaliwan ang matatawag sa mga tulad ko na nakakaranas ng ganito, Dahil kahit kailan hindi maiintindihan ng mga taong mapanghusga ang ganitong sitwasyon, Hindi lang naman ang pagiging magandang lalaki niya ang minahal ko sa kanya, Pati ang magandang character na nakasaad sa loob ng libro, Kaya sa loob ng tatlong taon ay pilit ko itong itinago sa Sarili ko, Kahit sabihin pa na ang lahat ng katangian na nasa libro na ito ay makikita ko din naman sa ibang lalaki na totoong nabubuhay, Pero mas gusto ko ang ang lalaking sinasabi sa kuwento na tatlong taon ko ng iningatan, Mahilig talaga ako magbasa hindi lang naman mga romance novel ang mga binabasa ko, Graduating na ako sa college' Dahil probinsiya ang lugar namin ay mababang kurso lang ang kinuha ko, Wala din naman sila nanay pang tustos sa pag aaral ko para makarating sa maynila para sa mas maganda na kurso, Umaasa lang kami sa pangingisda ni tatay, Si nanay naman ay nagbibilad ng mga isda para maibenta, "Carmen nabalitaan mu naba yung mga isda na nakita sa pampang puro daw mga patay na?" Pag iiba ko sa usapan para hindi niya ako kulitin, "Oo narinig ko nga kay tito' grabe nga e ngayun lang iyon nangyari bakit kaya ano?" Sagot naman niya sa akin, Totoo iyon' ngayon lang iyon nangyari na maraming isda ng patay na napadpad sa lugar namin, Ang pamahiin kasi dito sa amin pag merun daw ganong pangyayari ay meron daw panganib o malas na dala, Kaya nga lahat dito sa lugar namin ay natatakot sa maaring maging dulot ng malas na iyon, "Pinsan pagkatapos natin kumain samahan mo ako sa kabilang baryo may bibilhin lang ako" Sabi ni carmen sa akin, tumango lang ako, Pagkatapos kumain nag aya na si Carmen papunta ng kabilang baryo, Maliit na lugar lang kasi ang mga baryo dito kaya hindi siya kalayuan, Bumili siya ng mga pampaganda lang niya sa katawan na nabibili sa bangketa, lagi ko siya inaaawat na bumili nang mga ganoon dahil hindi sigurado Kung ligtas ba gamitin, Pero makulit talaga siya kaya hinayaan ko na lang, Napadaan kami sa isang bangketa na may mga baraha na nakalatag, Napatingin ako kasi ngayun ko lang siya nakita duon, Pag pumupunta kami ni Carmen dito ay wala naman iyon duon, Hinila akong bigla ni Carmen papunta duon' Siguro parehas ko din siya na nagtaka kung ano yung mga baraha na nakalatag at nakatalikod, Pagtapat namin duon napatingin sa akin ang babae, hindi ko alam kung matanda na siya kasi nakatalukbong ang ulo niya', Nagulat pa kami parehas ni carmen nung bigla siyang nagsalita, 'Sige mga iha' kumuha lang kayo ng isang baraha at iharap ito pababa" Nagkatinginan kami ni Carmen, dahil siguro sa pagiging mausisa ng pinsan ko ginawa niya ang sinasabi nung babae, Pagkakuha nang baraha binaba ito paharap sa lapag ng mesa, "Sinasabi ng baraha mo na hindi kayo nang boyfriend mo ang para sa isa't isa dahil may mas matimbang na nagmamahal sa iyo' pero nagbubu- lagbulagan ka lang" Nagkatinginan kami ni Carmen dahil parang nahulaan namin kung sino ang tinutukoy nito, Meron kasing may gusto sa pinsan ko na malapit lang din sa bahay namin, Pero ayaw niya duon dahil ang katwiran niya' Mangingisda na nga Ang tatay niya' kukuha pa daw ba siya ng isa pang mangingisda, Nagulat pa ako sa bigla ulit pagsalita nung babae ng hindi pa din kami tinitignan, "Kanina pa hinihintay ng baraha mo na kunin mo siya" Sabi niya sa amin, Dahil sa sinabi niya hinila ko na si Carmen para mapalayo duon, Pero nagsalita ulit siya' "Kunin mo ang baraha na kanina mo pa tinitignan" Napalingon ako sa sinabi niya'paano niya nalaman yung baraha sa dulo ng tinititigan ko kanina pa? Hindi ko alam kung bakit pero para akong napako sa baraha na iyon kanina, Hinila ako pabalik ni Carmen, "Sige na pinsan Ikaw naman" Pangungumbinsi niya sa akin, Inumpisahan ko hawakan ang baraha na nasa dulo at nilapag sa mesa na patihaya, Nagsalita ulit yung babae "Dahil sa labis na pag ibig mo sa kanya binigyan mo siya nang buhay" Pag uumpisa niya.. "Pero dahil din sa pag ibig mo na iyon ay kailangan meron ka din isakripisyo' Nag uumpisa na siyang hanapin ka" Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya', Hindi ko alam kung ano iisipin ko sa kanya, kasi hindi ko siya maintindihan, Inaya na ako ni Carmen palayo duon dahil hindi naman daw totoo yung ganuong mga hula. Nilingon ko ulit yung ale na nakatalukbong, Tumingin din siya sa amin nagulat ako sa mata niya blanko ito, Halos manayo ang balahibo ko sa nakita ko, Ako na mismo ang humila kay Carmen para mas mapabilis ang paglalakad namin, Pagkadating sa bahay hingal na hingal siyang napaupo sa tapat nang mesa, "Ano ba iyon pinsan kulang na lang kaladkarin mo ako ah" Kumuha ako nang baso nilagyan ko nang tubig na nasa mesa at inabot sa kanya, Mabilis naman niya ito naubos. Naupo ako sa harapan niya, "Carmen nakita mo ba yung mukha nung babae na may mga baraha kanina?" Tanong ko sa kanya, "Hindi paano ko naman makikita e nakatalukbong' pangit siguro siya kaya ayaw niya ipakita ang mukha niya, Sagot niya sa akin, Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanya ang nakita ko nang magtama ang mata namin nung babae..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD