Beautiful Liar Maaga akong nagising kinabukasan. Dahil siguro sa pag iisip ko hindi ako masyadong nakatulog kagabi at napaginipan ko pa ang anak ko kaya hindi na ako lalo makatulog. Si Vicco ay nasa loob ng bahay at nagpapasound ng malakas. Rinig na rinig ko ang malakas niyang pagkanta mula sa loob ng bahay. Nakapantulog pa ako at nakaupo sa de-kahoy na upuan dito sa labas kaharap ang karagatan. "Ava, anong uulamin natin?" tanong ni Vicco sakin. Nilingon ko siya, "Ikaw nang bahala Vicco." "Nagsisenti ka na naman diyan? Papangit ka niyan bahala ka!" Napanguso ako at hindi na pinatulan ang mga kahayupan ni Vicco. Nagsimula na naman siyang magsayaw sayaw habang patungo sa kusina at mas pinalakasan pa ang sound niya sa loob. Parang masisira na ata yung tenga ko. Nahawa na siya sa mg