Basta basta ko nalang siyang iniwan kagabi. Mabuti nalang pag labas ko ay may iilan pang trycicle na bumibiyahe. Pagkauwi ko ay natutulog na si Vicco sa sofa at may maskara na namang puti. Huminga ako ng malalim at pumasok na sa aking kuwarto. Malapit na pala ang aming outing. Gastos iyon ng hotel. Baka raw sa Dumaguette kami pumunta. Hindi ako masyadong makatulog sa gabing iyon. Nakaligo nako at lahat lahat na pero naghalo halo saking isipan ang mga nangyari. Unang problema ko ay si Faustino. Bakit pilit pa kaming pinagtagpong dalawa? Kaya kong buhayin si Ginger na wala siya. Pangalawa, ang nangyari kanina sakin. Sino ang may pakana 'nun? Bakit ginawa iyon sakin e wala naman ako ditong kaaway? Pangatlo, ang anak ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko na siyang makapiling pero natat