Teddy Bear Malalim na ang gabi at ramdam ko ang lamig sa aking katawan. Nakasuot ako ng jacket na binigay sa akin ni Austin. Naaaliw naman ako dahil sa banda na nasa aming harapan. Isang malawak ito na field na may stage sa unahan. Nandoon ang mga artista na nakikita namin sa malaking screen. Ang field ay halos hindi magkasya ang mga tao. "Ava! Punta tayo doon! Sige na!" panay na ang alok sa akin ni Vicco pero ayoko. Bukod sa medyo malayo ay mahihirapan kami sa pag daan. "Ang daming tao Vicco," kinuha ko ang isang bote ng beer at ininom. Nakita ko agad ang mariin na tingin ni Austin at Faustino kaya napaubo ako. "Hay! Ang kj mo!" nilunok niya ang malaking manok. Halata narin ang pamumula ni Vicco pero ayos lang. Hindi naman ako mahihirapan dahil may kasama kami. Hindi narin uminom