Emosyon Lumabas ako ng banyo na nakaroba. Si Faustino ay nauna nang maligo. Natigil ako nang makita siyang nakahubad ang pang itaas habang may katawagan sa cellphone. Nakasuksok sa kanyang cotton shorts ang isa niyang kamay at may katawagan sa kanyang cellphone. Dahil nga naramdaman niya siguro ang presensya ko, napatingin siya sa akin. Bumaba ang aking titig sa kanyang malabatong katawan. Napalunok ako dahil sa kanyang abs at dibdib na may mumunting buhok. "Yes nanay, she's with me." nakatitig na sakin si Faustino. Natauhan ako agad nang marinig ang pagsabi niya na "nanay." Bahagya akong lumapit sa kanya. Hindi ko na alintana ang mamasa masa kong buhok. "Si nanay?" mahinang tanong ko. Tumango si Faustino habang nakikinig sa kung anumang sinasabi ng inay. Nilahad ko ang kamay