"Lyle!" Tawag niya kay Lyle nang makita ito sa loob ng campus. Napakunot pa ang kanyang noo nang mapansin tila nais siyang iwasan ni Lyle. "Lyle, sandali," pigil niya sa kaibigan na sinulyapan lang siya pero hindi man ito huminto para kausapin siya, kaya naman hinabol na niya ang kaibigan para kausapin ito at makahingi ng sorry sa nangyari kagabi. "Lyle, sandali lang kausapin mo naman ako," she said nang harangin ito sa paglalakad kaya wala ng choice si Lyle kung di huminto sa paglalakad at tignan siya. "Amanda, may kailangan ka ba sa akin?' Tanong nito sa kanya. Halata niyang hindi ito kumportable. "May klase pa kasi ako, Amanda at ayokong ma late,' dagdag pa nito. "Gusto ko lang namang mag sorry sa nangyari kagabi at syempre magpasalamat na rin," she said. "Wala iyon, Amanda. May