Matapos makailang shot ng alak mariin niyang pinikit ang mga mata. Medyo tinamaan yata siya sa hard drink na napili niyang inumin ngayong gabi. Naiinis kasi siya sa mga nangyayari, naiirita siya kay Amanda, dahil siya na nga ang tumutulong rito siya ang nagmumukhang desperada na magpakasal rito. "Damn it!" Mura niya nang magbukas ng mga mata napsuntok pa nga siya sa bar sa inis. Sino ba ang dapat sisihin sa nangyayaring ito? Siya ba dahil pumayag siya sa gustong mangyari ni Mr. Cruz na pakasalan niya ang anak nito. Nais niyang tulungan si Mr. Cruz pero bakit ang lumalabas kay Amanda eh siya pa ang namimilit rito na magpakasal sila. Yes, walang alam si Amanda sa naging usapan nila ng Daddy nito, kaya ganoon na lang kalakas ang loob nito na magalit sa kanya at pagsalitaan ng kung anu-ano.