"Galing ah, naka-eksena ka agad kay Gov. Kian," taas-kilay na sabi ni Molly sa kanya nang matapos na ang pamimigay ng tulong sa mga kababayan nilang naroon. Maraming mga kabataan ang naroon para mag-volunteer sa pag-aabot ng tulong. Hindi na siya magtataka kung bakit mas marami ang mga kabataang babae kesa sa mga lalaki ang naroon para tumulong kay Kian. Katulad rin niya at ni Molly, ang dahilan ng mga babaeng kasama nila roon ay ang makapagpa-cute sa gwapong gobernador. "Hi, Molly. I didn't know na narito ka," sabi niya with a smile para inisin ang dating kaibigan na todo taas ang kilay. Nakita niyang napikon si Molly sa kanya kanina dahil hindi na niya tinantanan pa si Kian habang nag-aabot ng tulong. Nanatili siya sa tabi ni Kian para wala nang babaing makalapit pa rito, lalo

