Kinabukasan maganda pa sa umaga ang kanyang gising nagmulat siya ng mga mata na may ngiti sa labi. Bumangon rin siyang may mahiwagang ngiti sa kanyang labi. "Grabe ka Amanda, nagawa mo talaga iyon at hindi iyon isang panaginip lang," nakangiting bulong niya sa sarili habang nakasandal sa headboard ng kama at inaalala ang nangyari sa kanila ni Kian kagabi sa gitna ng malakas na ulan sa loob mismo ng sasakyan nito. Isama pang napanaginipan pa niya ang pinagsaluhan nilang mag asawa kagabi. Masyadong malaki ang impact ng bagay na iyon sa kanya dahil ibang karanasan iyon, masyadong mapangahas ang bagay na iyon at talagang hindi niya inakalang nagawa niya iyon kasama ang asawa. "Maligo ka na Amanda baka kung saan na naman mapunta iyang iniisip mo,' iling ulong saad niya at mabilis na bumaba sa