"Pagpasensyahan mo na muna ang Daddy mo, anak. Marami lang siguro siyang iniisip ngayon," sabi ng Mommy niya habang kumakain sila ng breakfast na silang dalawa lang.
Pagpasok kasi niya ng komedor para sana sumabay na sa almusal ng Mommy at Daddy niya, siya namang tayo ng ama at paalam na aalis na ito. Ni hindi siya tinapunan ng tingin.
Ilang araw na nga niyang nararamdaman ang malamig na pakikitungo ng Daddy niya sa kanya. Parang may sariling yelo ang upuan nito tuwing nasa iisang mesa sila.
Alam naman niyang ang mga kinasasangkutan niyang gulo at mga pagpa-party niya ang laging kinagagalit sa kanya ng ama.
Pero masama ba ang mag-enjoy muna siya? Tutal bata pa naman siya. Anong gusto nito? Ang magmukmok siya sa bahay nila at ikulong na lang ang sarili? Magdasal ng rosaryo buong araw?
Eighteen pa lang naman siya at deserve niya munang mag-enjoy sa buhay basta hindi niya pinababayaan ang pag-aaral niya at ang kanyang sarili. Hindi naman siya tanga.
"Amanda, about last night," sabi ng ina.
Napalingon siya sa ina at nagtama ang kanilang mga mata. Nakita niyang seryoso itong nakatingin sa kanya. Yung tingin na may kasamang sermon.
"Alam mo bang lasing na lasing kang iniuwi ni Gov. Kian dito sa bahay," sabi ng Mommy niya sa kanya.
Napansin niya ang tila galit sa tono nito. Pero hindi naman siya natinag. Sanay na siya sa ganyan.
Medyo aware siya na si Kian ang naghatid sa kanya dahil nga nalasing siya at hindi na makapag-drive pa. Naalala niya pa ang dibdib ni Kian. Matigas. Mabango. Sayang at lasing siya kagabi.
"Don't worry po, Mommy. Dadaan po ako sa opisina ni Gov. Kian para makapagpasalamat," sabi niya. Ngumiti pa siya nang matamis. Fake, pero matamis.
Humugot naman ng malalim na paghinga ang Mommy niya bago ito nagsalita. Alam niyang may kasunod pang litanya.
"Kung pupuntahan mo siya, ipagluluto ko siya ng masarap na ulam para naman may maidala ka sa opisina niya," sabi ng ina.
"Huwag na po, Mommy. Mapapagod pa po kayo. Ang daming bake shop diyan. Bibilhan ko na lamang po siya ng cake," sabi niya sa ina. Tamad siyang magbitbit ng tupperware. Hindi siya katulong.
"Huwag kang bibili sa labas, Amanda. Halata masyado na wala kang effort," saway ng Mommy niya.
Sumimangot naman siya at tinuloy ang pagkain. Hindi naman siya mananalo kung makikipagtalo pa siya sa ina. Hayaan na lang niya itong magluto kung gusto nito. Basta ang mahalaga, may dahilan siya para makita muli si Kian.
Alam niyang lagi siyang bad shot kay Kian dahil sa tuwing magkikita sila nito ay nasa hindi magandang sitwasyon siya. Kung wala siya sa presinto, eh lasing naman siya, o 'di kaya kasama sa gulo.
Ewan ba niya, napakamalas niya para laging makita ni Kian ang mga kapalpakan niya. Pero baka naman destiny na 'to? Para lagi siyang iniisip ni Kian?
Matapos mag-almusal, sinubukan niyang tawagan si Molly para sana mangumusta sa party nito kagabi, dahil na rin sa umuwi siya nang maaga at hindi na natapos pa ang party nito.
Nagulat naman siya dahil nakailang tawag na siya, hindi pa rin sinasagot ng kaibigan. Seenzoned pa siya sa Messenger.
Naisip niyang baka may hangover pa ito sa party nito at tulog pa kaya hindi pa ito sumasagot sa kanya. O baka naman nagtatampo dahil inagaw niya si Kian kagabi?
Kaya naman nag-iwan na lang siya ng text message dito na kinukumusta niya ang kaibigan at nagpapatawag dito pag nabasa ang message niya. Bahala siya sa buhay niya.
Habang nagluluto ang Mommy niya ng kanyang dadalhin sa opisina ni Kian, naghanda naman siya ng kanyang sarili. Nais niyang maging maayos at magandang-maganda pag humarap kay Kian para naman wala itong maipintas sa kanya.
Isama pang sadyang napakagwapo ni Kian kaya dapat lang na maganda siya sa tuwing haharap dito. Kalahati yata ng mga kababaihan sa bayan nila eh ang isang katulad ni Kian ang pinapangarap, at hindi naman iyon nakapagtataka pa.
Kung tutuusin, bagay sila. Maganda siya. Gwapo si Kian. Governor si Kian. Siya, anak ng mayaman. Power couple.
Matapos maligo at mag-ayos ng kanyang mahabang buhok, nakailang palit naman siya ng kanyang damit. Masyado kasi siyang naguguluhan kung ano ba ang dapat niyang isuot sa pagharap kay Kian.
She wants to show her best. Who knows, magandahan sa kanya ang gwapong gobernador nila at ligawan na siya. Hindi naman impossible.
Hindi naman na masama kung magkagusto sa kanya si Kian, despite sa agwat ng kanilang edad. Ang mahalaga eh nagkakagustuhan sila. Age is just a number, ika nga.
"Perfect!" bulalas niya nang makita kung gaano kaganda at kaelegante ang dating niya sa napili niyang isuot.
Maong jeans at white long sleeve ang napili niya. Formal at elegante siyang tignan. Bagay na bagay sa isang nangangarap maging First Lady ni Gov. Kian Herrera. First Lady Amanda Herrera. Ang sarap pakinggan.
"Dagdagan na lang natin ng konting spice," bulong niya at binuksan ang ilang butones para naman maipakita ang kanyang cleavage. Hindi naman niya kasalanan kung pinagpala siya.
May kalakihan ang mga dibdib niya na isa sa kanyang pinagmamalaki. Sa edad niyang eighteen, fully developed na ang kanyang katawan. Hubog na hubog na ang kanyang katawan at marami ang nasasabi na seksi siya at papasa na siyang model with her big chest. Kian won't know what hit him.
Nagwisik na rin siya ng maraming pabango na halos ibuhos na nga niya sa kanyang buong katawan para naman maamoy siya nang husto ni Kian pagpasok niya ng opisina nito. Para hindi siya makalimutan.
From head to toe, expensive ang lahat ng suot niya at nakasabit sa kanyang buong katawan. Bag, sapatos, alahas—lahat branded. Sa estado kasi ng kanyang buhay bilang nag-iisang anak ng mga Cruz, kaya niyang bilhin ang lahat ng gusto niya.
Dahil nga sa nag-iisa lang siya, lahat ng gusto niya binibigay ng kanyang mga magulang. Hindi naman niya sinasabi na spoiled siya. Blessed lang. Basta masaya siya dahil meron siya ng lahat ng kailangan niya, at nakakasabay siya sa uso sa mga kaedaran niya.
Kayang-kaya niyang makuha gaano man ka-expensive ang isang bagay basta gusto niya. Salamat sa mga mababait niyang magulang na hindi siya hinahayaang magmukhang hampaslupa.
"Nice, Amanda. Baka mapansin ka ni Kian niyan," nakangiting sabi ng Mommy niya sa kanya nang puntahan ito sa komedor kung saan inire-ready na nito ang ulam na niluto nito para kay Kian.
"Much better, Mommy, kung mapansin niya ang beauty ko," sabi niya with a smile sabay hawi pa sa buhok niyang kinulutan sa may dulo. Kailangan niyang ipaalam kay Kian na hindi lang siya maganda. Dyosa siya.
"No doubt, anak, na nagagandahan sa iyo si Kian," sabi pa ng ina na lalong nagpapalaki sa ulo niya. Of course. Sino ba namang hindi?
Bitbit ang ulam na niluto ng Mommy niya, agad na rin siyang nagpaalam sa ina para magtungo sa opisina ni Kian.
Gamit ang mamahaling kotse na bigay ng kanyang Daddy, tinatahak na niya ang daan patungo kay Kian. BMW pa naman. Dapat lang.
Makailang ulit na nga siyang sumusulyap sa salamin para tignan kung maganda pa rin siya at natutuwa naman siyang makita ang kanyang sarili kung gaano siya kaganda. Walang filter, walang make-up, pero palaban.
Habang nagmamaneho, sinubukan niyang tawagan si Molly. Hindi pa rin kasi tumatawag sa kanya ang kaibigan at nagte-text man lang.
Nagtataka na nga siya dahil dati-rati naman, agad nagre-reply sa kanya ang kaibigan. Hindi naman siguro ito nagtatampo dahil sa nangyari kagabi. Kinailangan kasing umalis agad ni Kian sa party ni Molly para ihatid siya sa bahay nila, dahil na nga nalasing siya.
Edi sana siya rin magpaka-lasing para ihatid siya ni Kian. Inggit lang 'yan si Molly.
"Lasing pa iyon panigurado," bulong na lang niya sa sarili para na rin hindi na siya mag-isip pa ng kung anu-ano. Wala siyang oras sa drama ni Molly.
Pagdating sa opisina ni Kian, confident siyang naglakad bitbit ang padala ng Mommy niya para dito. Umaagaw siya ng atensyon sa mga naroon, lalo na sa mga kalalakihan na nadadaanan niya.
Nakita niya kung paano mapalunok yung guard. Ngumisi siya sa loob-loob niya. Ganito dapat.
Nakataas naman ang kanyang mukha habang suot ang mamahaling shades. Chanel. Hindi peke. Nag-tanggal lang siya ng shades nang lapitan ang secretary ni Kian para magtanong.
"May kausap pa po saglit si Gov, Ma'am. May appointment po ba kayo?" tanong sa kanya ng secretary.
"Ah... Actually, wala. Pero pakisabi na lang sa kanya si Amanda Cruz," nakangiting tugon niya sa secretary na hindi pa naman ganoon katanda. Baka nasa 40's lang ito. Laos na.
"Sige po, Ma'am. Sabihin ko po. Maupo po muna kayo," sabi nito.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Ayaw pa naman niya ang naghihintay, pero wala siyang choice dahil may kausap pa si Kian.
Kung magiging girlfriend siya ni Kian, tiyak na hindi na siya dadaan pa sa secretary nito. Direct access na siya. Ipapabura niya pa nga 'tong matandang 'to eh.
Inikot niya ang mga mata nang makaramdam ng pagka-irita dahil pinaghihintay siya sa labas at hindi pa pinapapasok. Hindi marahil siya kilala ng secretary. Hampaslupa.
Kaya naman muli siyang tumayo sa kinauupuan at lumapit sa desk ng secretary. Hindi siya sanay na hindi pinapansin.
"Excuse me, naitawag mo na ba kay Gov. Kian na narito ako?" tanong niya sa secretary. Mataray na. Wala siyang pake kung masama ang loob nito.
"Hindi pa po, Ma'am. May importanteng tao pa po kasi siyang kausap," tugon nito sa kanya.
Napahugot siya ng malalim na paghinga at hindi naiwasang iikot ang mga mata sa inis. Importante? Mas importante siya.
"Puwede bang pakitawagan mo na siya at sabihin mong nasa labas si Amanda Cruz, ang anak ni Mr. Antonio Cruz," taas-kilay niyang utos sa secretary.
Medyo nawawalan siya ng pasensya pag napapansin niyang binabalewala siya. Hindi siya pang-balewala.
"Anak po kayo ni Mr. Antonio Cruz?" tanong pa sa kanya ng babae. Parang hindi makapaniwala.
"Yes!" taas-noong tugon niya dito. Duh. Obvious ba?
"Si Mr. Cruz po ang nasa loob at kausap ni Gov. Kian ngayon," tugon ng secretary sa kanya.
Napatigil siya. "Si Daddy ang nasa loob?" kunot-noong tanong niya. Biglang may kaba.
"Yes po, si Mr. Cruz po," tugon ng secretary sa kanya.
Napasulyap siya sa saradong pintuan ng opisina at nagtataka kung ano ang ginagawa ng Daddy niya rito. Anong kailangan nito kay Kian? Dahil ba sa nangyari kagabi?
Marahil nagpapasalamat lang din ang kanyang ama kay Kian kaya nagtungo ito rito. Wala namang ibang dahilan para magsadya pa ang Daddy niya rito. Busy rin na tao ang kanyang ama. Hindi 'to basta pumupunta kung saan-saan.
Well, close naman yata ang Daddy niya at si Kian. Madalas silang magkausap sa mga event. Baka business lang.
"Maghihintay na lang ako," sabi niya sa secretary at muling bumalik sa kinauupuan habang nag-iisip pa rin kung ano ang ginagawa ng ama sa loob.
Pero sa totoo lang, may parte sa kanya na kinakabahan. Bakit parang may mali? Bakit parang may pinaplano sila tungkol sa kanya?