"Kumusta naman ang pag-vo-volunteer mo, Amanda?" salubong na tanong ng Mommy niya nang makauwi na sila ng Daddy niya sa bahay. Sabay sila ng ama na umuwi nang matapos makipag-usap ang Daddy niya kay Gov. Kian. Hindi nga niya alam kung ano ang pinag-uusapan ng dalawa. "Ayos naman po, Mommy. Nakakalibang din po, honestly," tugon niya sa ina. Her tone is light, sosyal, parang kwentuhan lang sa tea party. "Mabuti naman at nagustuhan mo, hija," nakangiting sabi ng ina. "Sa susunod, ipapasama ko ulit siya kay Gov. Kian," sabi ng Daddy niya. Sinulyapan niya ang ama at nakita niyang nakangiti ito sa kanya. Napangiti siya nang makitang masaya ang Daddy niya. Matagal-tagal na rin kasi mula nang huli niyang makitang nakangiti ang ama. Lately kasi lagi niyang napapansin na parang malungkot

