Pansin niya sa kanya lahat nakatingin nang pumasok siya sa cafeteria para mag meryenda. May mga nabubulungan rin habang nakatingin sa kanya. Hindi na niya kailangan pang magtanong alam niyang tungkol kay Governor Kian Herrera kaya siya pinagtitinginan ng mga ka eskwela niya, hindi lang mga babae kung di pati na mga lalake. Binalewala na lang niya ang mga ito, wala naman siyang pakialam kahit pag-usapan pa siya ng harapan. Nangyari na rin naman ito nang may lumabas silang videos ni Kian at hindi naman din siya na bother dahil hindi niya pinansin ang mga ito. "Amanda, can we talk," taas kilay na saad sa kanya ni Molly nang lapitan siya nito. Sinulyapan lang niya ito at muling binalik sa pagkain ang kanyang atensyon. "Amanda!" Mariing tawag nito sa kanya at naupo sa bakanteng upuang nasa ta