Tahimik akong naglalakad papunta sa next subject ko. Isang oras pa naman ang hihintayin ko pero mas pinili ko na lang magtungo roon para makaiwas sa mga barkada na dating sinasamahan ko. Tapos na ang pagiging grounded ko kay Mommy, pero hindi ko na binawi ang cellphone ko kahit tapos na ang parusa niya. Okay lang naman ako kahit wala akong mapaglilibangan ngayon, kaya mas pinili ko na lang na tumambay sa loob ng classroom kaysa maaya ng mga dati kong barkada. I am avoiding them now since bad influence sila sa akin. Ewan ko rin kung bakit nakasama ako sa grupo nina Michelle noon. Wala naman akong napala dahil imbes na maging maayos at tahimik ang buhay ko rito sa Stallion University, naging usap-usapan ako ng mg professor ko dahil sa aking pagiging pasaway. Lagi akong nasasali sa gulo, a