Chapter forty six MADISON’S POV’S Dito nanaman natulog si Steve, natutuwa ako dahil pinapatunayan niya araw araw na hindi niya mahal yung babaeng pinakasalan niya. Kung mahal niya yun malamang doon siya palagi pero mas mahaba parin ang oras niya sa akin. Ako parin ang mahal ni Steve. “ Umm, Madi hindi kita maihahatid ngayon.” “ Ha? Bakit?” “ Kailangan kong puntahan siya.” Ang tinutukoy niya ay yung babaeng pinakasalan niya. “ Bakit naman?” “ Kase may pag uusapan kami tungkol sa aming dalawa, huwag kang mag alala walang mangyayari sa aming dalawa, tungkol lang to sa utang ko sa kanya.” “ Ang aga mo naman siyang puntahan.” “ Madi, huwag ka magtatampo sa akin, basta lahat ng ginagawa ko ay sasabihin ko sayo, okay? Para naman makampante ka at maniwala parin sa akin.” Sumimangot ako