Chapter forty five CHRISTINE’S POV’S Nakaidlip pala ako sa sofa, may nakalagay ng kumot sa akin habang nakatulog ako dito, naalala ko hinihintay kop ala si Steve kaya nandito ako ngayon. Nandito na kaya siya? Naimulat ko ng bahagya ang mga mata ko kaso hindi si Steve ang naglagay ng kumot ko, kundi ang anak ko at nasa kabilang upuan din siya natutulog habang sinasamahan ako dito. Sinamahan pa talaga niya ako maghintay kay Steve. Tinignan ko yung orasan, alas singko na pala ng umaga. Sakto naman pagtayo ko ay may napansin akong huminto na sasakyan sa tapat ng gate, yung sasakyan ni Steve yun. Lumabas agad ako para pagbuksan siya. “ Sorry Tin hindi agad ako nakauwi.” “ Doon ka ba natulog na inyo?” “ Oo, si mama kase—“ “ Alam ko ayaw sa akin ng mama mo Steve pero ako yung asawa mo