Chapter [4]

2065 Words
Chapter four MADISON’S POV’S Agad kaming pumunta ni Steve sa police station at nadatnan nga namin ang kanyang ama na nakakulong sa selda. Ang sakit makita ng ganyan, yun bang makikita mo yung magulang mo na nakakulong, ako pa nga lang na girlfriend nasasaktan na. “ Pa, Ano nanaman bang ginawa mo?” tanong agad ni Steve sa kanyang ama ng ilabas nila ito sa selda upang kausapin siya. “ Wala akong ginawang masama anak.” Ang tinutukoy ng kanyang ama ay wala siyang pinatay o sinaktan kaso, nagbenta siya ng illegal kaya masama parin ang ginawa niya. “ Papa alam ko na ang nangyari sayo, alam ko na kung anong ginawa yun, bakit ka naman kase nagbenta ng illegal, alam mong masama rin yun pero ginawa mo parin.” “ Anak, sising sisi ako sa mga nagawa ko, alam mong hindi ko ginusto ito, ginawa ko lang ito dahil nakikita ko na kayong nahihirapan, ikaw na dapat ay nag aaral pero ikaw ang kumakayod para sa amin, ang mama mo na hindi natin mabigay ang pangangailangang gamot, ang mga kapatid mong walang maulam at minsan ay hindi makakain ng tatlong beses sa isang araw, ako ang may kasalanan ng lahat, ako ang ama niyo pero wala akong magawa para isalba ang pamilya natin sa kahirapan, kayak o lang naman ginawa ito ay para magkaroon ako ng silbi.” Parang dinudurog ang puso ko habang naririnig ang mga sinasabi ng papa ni Steve, maski siya hindi tumitigil ang pag iyak. Walang may gusto na maging mahirap, lahat tayo nangangarap umahon ng masagana. Pero ang papa niya, nakagawa na ng masama para lang matustusan ang pangangailangan ng pamilya niya. “ Papa, saan naman tayo kukuha ng pangpyansa mo? Wala tayong ganung pera.” “ Pasensya anak, ikaw pa ang namromroblema sa akin ngayon, nadagdagan ko pa ang isipin mo, akala ko makakatulong na ako pero nagdagdag pa ako ng problema at bayarin.” Hindi naman masisisi ang papa niya kase gusto rin niyang makatulong at isa pa siya ang padre de pamilya kaya siya nagkaganyan, gumawa siya ng masama kahit labag din sa kalooban niya. Kilala ko ang pamilya ni Steve, lalo na ang mga magulang niya, maganda ang pakikitungo nila sa akin kaya alam kong mababait sila. “ Kailangan na niyang bumalik sa loob.” May oras pala ang pagdalaw kaya naman lumabas na kami ni Steve sa presinto. Para siyang hinang hina ng makita niya ang babayaran pangpyansa ng kanyang ama. “ Saan ako kukuha ng ganun kalaki?” “ Tutulungan kita maghanap ng pangpyansa.” “ Kailangan pa ni mama ng gamot, sabay sabay naman na, ano ba tong nangyayari sa akin Madi?” “ Ano ka ba, huwag ka ngang panghinaan ng loob diyan, halika na maghanap tayo ng mapaghihiraman ng pera.” “ Wala namang magtitiwala sa akin kase wala naman din akong maipangbabayad kapag umutang ako, kaya sobrang pagod na ng utak ko ngayon Madi, gusto ko na mawala sa—“ “ Sshh! Huwag mo sabihin yan.” niyakap ko siya ng mahigpit, ramdam kong nahihirapan na siya at nasasaktan sa nangyayari sa buhay niya kaya gusto kong iparamdam sa kanya na nandito ako sa tabi niya, hinalikan ko siya sa labi. Smack lang at tsaka ngumiti. “ Gagawa tayo ng paraan, okay?” pinapalakas ko lang ang loob niya kaso, hindi ko rin alam kung anong paraan ang gagawin namin. Wala rin akong maitulong na pera, how come na sinabi ko to ng walang ka idea idea kung paano makakatulong? Hindi naman ako pwede humiram sa parents ko, may kanya kanya na silang pamilya na inuuna at tsaka ayoko na silang gambalain sa problema ng iba, basta sustentohan lang nila ako hanggang hindi pa ako nakakahanap ng trabaho ayos na yun sa akin. “ Salamat attorney sa pagtulong mo.” “ Wala yun, at isa pa ang dali lang naman ng solusyon sa problema mo, lagyan mo lang ng pera yang mga yan siguradong laya ka na.” “ Kahit pala pumatay ako ng ilang tao makakalaya parin ako.” “ Tama ka hahaha.” “ Oh siya, mauna na ako attorney.” “ Salamat po.” Nasa gilid kami ni Steve at rinig na rinig namin ang usapan ng isang attorney at nitong mayamang lalake na mukhang kakalaya lang. Ang sama naman ng naiisip ko, bakit ganun? Kapag may pera ka, magagawa mo ang lahat? “ Bakit siya? nakapatay pero pinalaya, pero ang tatay ko nagbenta lang naman ng illegal pero hindi man lang nila pakawalan.” Nakatulala si Steve sa mayamang lalake habang sinasabi yan. Yan din yung nasa isip ko, kapag may pera ka, kahit gumawa ka ng masama ay pwede kang makalaya, anong valid reason sa pumapatay? Hindi ba wala? Pero ang papa ni Steve may rason kung bakit niya nagawa yun, hindi ba pwedeng pantayin? Mas malalang krimen naman ang pumatay ah. “ Madi.” “ Bakit?” “ Umuwi ka na muna.” “ Ha? Pero bakit? Sasamahan pa kita maghanap ng pangpyansa mo.” “ Hindi mo na kailangan gawin yun Madi, umuwi ka na kailangan mo pa mag aral, may pasok ka pa bukas.” “ Pero Steve—“ “ SIge na, pasensya na hindi kita maihahatid, may kailangan akong daanan.” “ Steve naman, nagpromise ako sayo diba? Nasasamahan kita.” “ Kaya ko na.” Ngumiti siya sa akin upang ipakita na, kaya niyang ihandle lahat ng sitwasyon. “ Tara ihahatid kita sa sakayan.” Wala akong nagawa dahil pinilit niya akong umuwi, kailangan ko rin talaga magbasa ng lessons namin pero sinet aside ko yun kanina sa isip ko para masamahan si Steve na maghanap ng pag uutangan. “ Pwede ko ba malaman kung saan ka pupunta?” “ Sa kaibigan ko, magbabakasakaling makahiram ng pera.” “ Ah okay.” Kampante naman ako doon, hindi naman yan naglilihim sa akin kaya uuwi na rin ako para mag aral, nag aalala parin ako sa kanya kahit na nasa bus na ako. Kung mayaman lang sana ako. ******* STEVE’S POV’S Ayokong maabala si Madi sa problema ko, gusto ko ako ang gumawa ng solusyon sa mga nangyayari sa buhay ko. May sarili rin siyang buhay at kailangan niyang pagtuonan ng pansin ang pag aaral niya. Hindi naman talaga ako pupunta sa kaibigan ko, nagsinungaling ako sa kanya para lang hindi siya mag alala sa akin. Wala naman akong kaibigan na mapag uutangan dahil mahihirap lang din sila, pati kapitbahay namin nautangan ko na halos, kaya wala ng magpapahiram pa sa akin lalo hindi pa kami nakakabayad sa kanila. Naglakad lakad ako habang nag isiip kung paano ilalabas si papa sa kulungan, napakalaki ng pyansang kailangan naming bayaran. At sa paglalakad ko may sumalubong sa akin na dalawang lalake. “ Uy may itsura.” “ Pwede, pwede.” Derederetso lang ako sa paglalakad kahit na may dalawang lalake ang nakatitig sa akin at tinitignan ako mula ulo hanggang paa. “ Ah sir? Pwede ka ba? Este pwede ka makausap?” huminto ako dahil ako ata ang kinakausap nila, wala namang ibang tao sa paligid ko. Pusong babae ata itong mga to. “ Ano yun?” “ Gusto mo trabaho?” bigla akong natauhan, at natuwa na rin, ito na ba ang sagot sa mga problema ko? “ Oo naman! Anong trabaho?” “ Heto, calling card ko.” Lumapit sa akin yung isang lalake at may binulong. “ Pumunta ka lang sa address na yan, siguradong kikita ka ng malaki, mapalalake man o babae ang customer mo.” Sabat kindat sa akin. “ See you baby boy.” Ano ba tong lugar na to? Teka? Bar? Tinignan ko yung pangalan at may nakalagay na bar sa dulo, alam ko ang lugar na ito bawal din ito kaso naririnig ko na malaki nga ang kinikita nila dito. Alam ko ang ginagawa nila dito, halos puro inom at landian ang nangyayari sa loob. Hindi ko kayang magtrabaho dito. Bumalik na lang ako sa ospital upang makita ang lagay ni mama, hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang nangyari kay papa. “ Oh anak, nakita mo na ba ang papa mo? Ang sabi ni bunso ay hinanap mo daw siya?” “ Ah eh, namamasada lang po mama.” “ Hindi ba siya pupunta dito?” medyo maayos na ang lagay ni mama pero ang sabi ng doktor hindi pa siya pwedeng lumabas dahil oobserbahan pa siya. “ Pupunta po, marami kaseng pasahero ngayon kaya derederetso ang pasada niya ng tricycle.” “ Pagsabihan mo nga siya Steve na huwag abusuhin ang katawan niya, baka mamaya siya naman ang magkasakit, sige na pauwiin mo na siya.” Ang sakit naman magsinungaling sa taong may sakit, gusto kong umamin sa kanya tungkol kay papa pero baka lumala ang lagay ni mama kapag nalaman niya. “ Sige po papauwiin ko na siya.” Ano bang gagawin ko? Kailangan ng makalaya ni papa, kailangan kong gumawa ng paraan. Bigla kong naalala yung dalawang bakla na kumausap sa akin, malaki ang kikitain kapag pumunta ako doon ngayong gabi. Wala na ba akong ibang choice? Sige na papatusin ko na kahit labag sa kalooban ko ang gagawin ko, nagpaalam na ako kay mama at hihintayin na lamang niya yung kapatid kong magbabantay sa kanya dito. Marami namang nurse na nakabantay sa kanila at malapit ang kama niya sa nurse station kaya kampante ako. Tinignan kong muli yung calling card at yung address. Bahala na, kailangan ko talaga ng pera, kailangan ni mama ng gamot para bukas at ganun din ang mga kapatid ko, kailangan nila makakain. Maliwanag sa labas ng bar at may mga babaeng nakaupo sa harapan na ang iiksi ng mga damit, napalunok ako dahil halos kitang kita na ang mga dibdib nila sa damit nilang suot. Pumasok ako at saktong may sumalubong sa akin, ito yung nagbigay sa akin ng calling card. “ Aba, pumunta ka ah, sabi ko na nga ba at dadating ka.” “ Paano mo nalaman?” “ Hula ko lang kase mukha kang problemado, alam kong pera ang problema ng lahat kaya nagbakasakali akong tulungan ka, infairness hindi ako nagkamali, nangangailangan ka rin noh?” “ Oo.” “ Good.” “ Sayo ba tong bar?” “ Oo sa akin nga, karamihan ng customers ko dito ay mga gay kagaya ko, kailangan mo lang gawin ay magserve ng mga inumin at pagkain pero for sure kapag pinatulan mo ang extra service dito siguradong hindi ka lang kikita, masasarapan ka pa dahil makakatikim ka ng ibat ibat putahe hahaha.” “ Magseserve lang po ako.” “ Nako, hindi mo masasabi yan, Oh siya, magbihis ka dun at tumulong na.” Ginawa ko ang iniiuutos niya sa akin, nagbihis ako ng uniporme ng mga waiter at tumulong magserve sa kanila. May pinuntahan akong table kung saan may humila sa aking babae, muntik ko ng mabuhos yung alak na ibibigay ko sana sa kanya. “ Ang pogi mo naman.” Hinaplos niya ang mukha ko. May edad na siya pero dahil sa make up natatakpan ang mga wrinkles niya sa mukha, mga byuda ata itong kasama niya. “ Salamat po.” “ Hahahaha, napakamagalang mo naman, ano ka ba relax ka lang.” Hinaplos niya ang binti ko, hindi ko kaya itong ginagawa ko kaya tumayo ako tsaka tumakbo palayo. Hindi ko talaga kaya mag extra service. Tama na itong magseserve lang ako. Oo noong una inisip ko yang extra service nila kaso hindi ko talaga kaya, naiisip ko si Madison at ang pamilya ko. “ Anong problema brad?” tanong sa akin ng kasama kong waiter. “ Hindi ko kaya yung pinapagawa nila.” “ Ganyan talaga, masasanay ka rin.” Iniisip ko palang talaga ay hindi ko na magawa. “ Ganyan din ang lahat dito noong una pero wala eh, nangangailangan kaming lahat dito ng pera kaya ng kumita kami ng malaki, wala na kaming pake sa katawan namin, mas magandang may makain at magastos, hindi naman kase nabebenta at nakakain ang pride.” Nagdadalawang isip ako sa sinabi niya, lulunukin ko ba ang pride ko para lang kumita ng malaki? Hindi talaga sasapat ang kikitain sa amin kung ordinaryong trabaho lang. Napatulala tuloy ako dito sa may kitchen nila. Ako na lang ang inaasahan ng pamilya ko, hindi naman makakagawa ng paraan ang mga kapatid ko dahil mga bata pa sila. Kailangan ako ng pamilya ko.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD