Chapter three
STEVE’S POV’S
Kakatapos ko lang mamasada ng tricycle, kulang parin tong kinita ko sa pangbili ng gamot ni mama. Si papa kase ngayon ang nagbabantay kaya todo kayod ako.
Kailangan din namin kumaen syempre, kaya ikakaltas ko pa sa kinita ko dito yung pangkain namin ng pamilya ko.
May pagtratrabahuan naman ako bukas kaya sila na lang ang kakaen muna kahit gutom na gutom na ako, nakakakonsensya naman kase kase kanina yung babae na tinulungan ko ayoko naman ng ganun na babayaran ang tulong hindi naman ako pinalaki nila mama at papa na ganun na may kapalit lahat ng gagawin na mabuti.
Kahit ganito kami kahirap may manners din naman ako.
Nasa ospital parin si mama at pagkarating ko doon wala si papa sa tabi niya, yung sumunod lang sa akin na kapatid ko ang narito.
“ Nasaan si papa?”
“ Umalis kuya, hindi naman niya sinabi kung saan sya pupunta.”
Sabi niya hihintayin niya ako bago sya umalis, kanina pa sya aligaga at hindi mapakali hindi naman niya sinasabi kung bakit.
Hindi na niya ako nahintay, umalis na sya agad, kinakabahan tuloy ako iba kase ang itsura ni papa kanina balisang balisa sya alam ko naman ang nararamdaman niya dahil hikahos na din kami at sya ang padre de pamilya kaya ganun na lang ang pag aalala niya sa sitwayson namin ngayon.
Si mama medyo bumubuti na ang lagay, iba talaga kapag nasa ospital kesa sa bahay lang buti na lang dinala namin sya dito kung hindi baka nawala na sya, kahit pa walang wala kami mahalaga parin ang buhay niya.
******
[ Kinabukasan ]
Dito ako natulog sa ospital, yung mga kapatid ko natrain naman na sila sa gawiang bahay kaya alam na nila gagawin nila.
Kailangan ko pa pala magtrabaho ngayon kaya binilin ko na lang tong kapatid ko na magtanong palagi sa nurse at magpatulong.
Wala pa si papa, baka nasa bahay sya kaya naman nagmadali akong umuwi para tignan ang mga kapatid ko at kung nandoon ba si papa sa bahay.
Kaso wala sya doon ng umuwi ako, hindi pa daw nila nakikita si papa, kinabahan tuloy ako kagabi pa sya wala at hindi ko rin sya matawagan.
Wala ng oras kaya pumasok na ako sa part time ko sa isang fastfood buti at pumayag yung manager na magtrabaho ako dito, naawa siguro sa akin.
Sa sobrang busy ko dito sa ginagawa ko hindi ko na namalayan ang oras at pati na rin yung phone ko, hindi ko na naihatid si Madison at hindi ko man lang nakita ang mahal ko.
Sobrang lutang ko na, maiintindihan naman niya siguro yun.
“ Excuse me? may vacant seats pa ba?” naglilinis ako ng table ng may magtanong sa akin at mukhang pamilyar saken tong babaeng to “ Teka? Ikaw yung.”
“ Hello po maam, meron pa po sa second floor na bakanteng upuan.”
“ Oo nga! ikaw yung tumulong sa akin mabalik phone ko.”
“ Seriously Tin?”
“ Yeah, sya yun.”
“ Bakit tuwang tuwa ka dyan?”
“ Ano ka ba Sharon.”
Nakikinig lang ako sa usapan nilang dalawa, ngumiti na lang ako sa kanya, oo natatandaan ko siya, tumulong lang naman ako dahil nangangailangan sya.
Umalis na ako doon, kailangan ko maghabol ng oras kailangan ko pa makita si papa at bumalik sa ospital, pero kailangan ko muna makita si Madi bago ko gawin ang mga yan namimiss ko na rin sya.
Tapos na ang shift ko yung manager naman ang nagbigay ng oras ko, hindi na ako magrereklamo mamamasada na lang ako mamaya ng tricycle.
Umakyat ako sa second floor upang kunin ang mga gamit ko, ang daming tao na sa ganitong oras dito sa fastfood.
Hindi na rin mawari ang kilos ng mga crew ng fastfood sa sobrang dami ng tao, nagkakabanggaan na rin sila dahil wala ng madaanan.
Naglakad na ako paalis sa locker room namin.
Kaso sakto pagtapat ko sa isang table napansin ko yung isang baso na malapit namahulog at mahuhulugan yung babae sa kanyang ulo.
Hindi ko alam ang gagawin ko nag automatic ang katawan ko na iharang ito sa babae, lahat napasigaw sa nangyare.
Sa akin natapon yung laman ng baso, hindi ko alam kung juice o milk tea yun napakalagkit, kakabihis ko palang at wala na akong extrang damit.
“ Halla! basang basa ka na.” napatayo yung babae at tsaka ako pinunasan pero iniiwasan ko yun ,nagmamadali kase ako.
Nagkatitigan kaming dalawa, ito rin yung babaeng tinulungan ko sa magnanakaw ah at sya nanaman sinagip ko ngayon.
“ Kailangan ko na umalis maam.”
Nakakahiya man yung itsura ko pero wala naman akong magagawa hindi ko rin napigilan na tumulong lalo na kapag nakita mo na yung mangyayaring aksidente, hindi ko naman ikakamatay yung ginawa ko.
“ Sandali!” napalingon ako “ Lalabas ka ng ganyan ang suot mo?”
“ Ayos lang naman ako maam.”
“ No, sumamaka sa akin.”
Bigla na lang niya akong hinila pababa sa second floor, nahiya ako dahil lahat sila ay nakatingin sa amin hindi ko alam saan ako ipupunta nitong babae.
Dinala niya ako sa isang itim na kotse at pinapasok sa loob, may kinuha sya mula sa likuran ng kotse at tsaka pumasok din sa loob.
Kaming dalawa lang ngayon dito sa loob ng kotse niya, napakabango dito nakakahiya sa amoy ko .
“ Here, may extra akong damit unisex naman yan isuot mo na.”
Mukhang mamahalin yung t-shirt na pinapasuot niya sa akin nakakahiya naman isuot kaya hindi ko agad kinuha.
“ Hwag na, ayos lang naman ako.”
“ Sige na, ipalit mo na to kasalanan ko rin naman kung bakit ka nabasa.”
“ Hindi na, ayos lang talaga.”
“ Sige na kunin mo na.”
Pinipilit niyang ibigay yung damit, bagong bago pa nakakahiya kase kaya naitutulak ko yung inaabot niya sa akin habang sya pinipilit niyang kunin ko ito.
Hanggang sa mahila ko sya ng malakas papunta sa akin, napapatong tuloy sya sa ibabaw ko habang ako naman ay muntik ng mahulog sa kinauupuan ko.
Ang bangong babae nakakaadik ang amoy niya, hindi ko alam kung ilang taon na sya baka nasa twenty eight or thirty na sya pero ang itsura mas bata pa sa akin.
Nagkatitigan kaming dalawa, ang lambot lambot ng kutis niya ang bango pa ng hininga niya naamoy ko dahil magkalapit ang mukha naming dalawa.
Tinitigasan tuloy ako hindi pwede to, umayos ako ng upo ko kaya ko naman magpigil kaso tong alaga ko minsan wala sa sarili lalo kapag nakakakita ng ganitong babae.
Dapat kay Madison ka lang gumigising.
“ Sige na, magpalit kana dyan lalabas muna ako.”
Para matapos na hinubad ko na lang yung damit ko at ipinalit yung damit na binigay niya buti at natulog na ulit ang alaga ko nakakahiya baka naramdaman niyang tinigasan ako sa kanya.
Napakayaman siguro ng babaeng yun, kung sabagay halatang halata naman sa kanya lalo sa kilos niya pero mabait sya nararamdaman ko.
Nakakailang beses na kaming pinagtatagpo.
Lumabas na ako sa kotse niya, nakakahiya naman kase ang bango bango sa loob ng kotse niya , hinintay niya akong makabihis.
“ Pasensya na nadumihan pa yang suot mo dahil sa akin.”
“ Wala yun, mauna na ako.” paalam ko sa kanya
Kailangan ko munang puntahan si Madison sa school niya kaya nagmadali na para maabutan ko sya doon at hindi naman ako nabigo.
Sakto ang paglabas niya sa pagpunta ko doon.
“ Buti naabutan kita.”
“ Pagod na pagod ka ah.” parang hindi ko na nga maramdaman ang pagod ko dahil itong utak ko sobrang dami ng naiisip.
“ Tara na, ihahatid kita.”
“ Teka, bibisita muna ako sa mama mo.”
Sinama ko na lang sya papuntang ospital, binisita namin si mama at pagkarating namin doon sinabi sa akin ng kapatid ko na hindi pa daw nila nakikita si papa.
Kahapon pa sya wala anong nangyari?
Habang nakaupo kami sa gilid ni mama ay narinig ko ang pangalan ko na tinatawag ng kung sino kaya lumabas ako para tignan kung sino yun at mga pulis ang naghahanap sa akin.
Kinabahan ako nung una pero nagtaka na ako kaya nilapitan ko sila.
“ Bakit niyo po ako hinahanap?”
“ Ikaw ba yung Steve? Yung tatay mo nasa police station at nakiusap na papuntahin ka doon.”
Hindi ako nakaimik sa narinig ko, police station? Anong ginagawa niya dun? May nangyari kaya sa kanyang masama?
Hindi ko sinabi kay mama ang nalaman ko tungkol kay papa, nagpaalam na lang ako sa kanya na may pupuntahan kami ni Madison kaya sinama ko na lang si Madi papuntang police station.
Takang taka din si Madison sa nangyayare pero sumama parin sya.
Malapit lang naman dito yung police station na tinutukoy nila at naabutan ko doon si papa na nasa loob ng selda.
“ Pa anong ginagawa mo dyan?” akala ko sya ang nagrereklamo pero mukhang sya ang hinuli.
“ Nahuli namin sya na nagbebenta ng illegal kaya dinala namin sya dito.” sagot naman ng pulis.
“ Sir, ginawa ko lang naman yun para magkapera nasa ospital kase asawa ko.” paliwanag ni papa sa kanila.
“ Totoo po yun nasa ospital talaga si mama.” dagdag ko.
“ Kahit na, lumabag ka parin sa batas at kailangan mo pagbayaran yun.”
Hindi mapakiusapan ang pulisya, tama naman sila labag talaga sa batas ang ginawa ni papa pero alam ko ginawa niya yun dahil hikahos kami sa buhay at walang pambili ng gamot para kay mama.
Nilapitan ako ni Madison at kinocomfort niya ako.
Ano ba namang klaseng buhay to napakahirap talaga kahit kumayod ako buong araw kulag na kulang parin.
Buti na lang ang ibang tao nakaupo lang pero napakaraming pera ang dumadating, kagaya nung babaeng tinutlungan ko kanina sana ganun na lang ako kayaman sa kanya.