Chapter two
CHRISTINE’S POV’S
I’m a happily married woman.
A beloved mother to my son.
A loyal and loving wife to my husband.
Until a very unforgettable day came in my life, my husband died in a car accident and that was a very painful day in my whole life.
Buti na lang at nasa tabi ko ang anak ko, nakaya ko paunti unti ang pagkawala ng asawa ko, tinuon ko sa kompanya at sa anak ko ang atensyon ko.
Yes we have a company.
Ako na lang ang nag aasikaso doon simula ng nawala ang asawa ko, ang anak ko kase pumunta ng New York para mag aral doon ng college.
At ngayon mag isa ko na lang ulit, hindi na ganun kasakit pero naaalala ko parin palagi ang asawa ko. Hindi na yun mawawala sa isip at puso ko.
“ Maam Christine?”
“ Yes come in.”
“ May mga bago po tayong employee. “
Nagpapakabusy na lang ako palagi, mawala lang ang lungkot ko dahil pag uwi ko sa bahay mag isa nanaman ako kahit na napakarami kong kasambahay, pakiramdam ko mag isa ko parin.
Wala sa tabi ko kase ang anak ko.
“ Sige susunod na ako.”
Orientation ng mga bagong employee ng company ngayon at kailangan kong pumunta doon para na rin makilala nila ako.
Kagaya nga ng nakagawian, nagpakilala ako sa mga bagong empleyado ko, pinapakita ko na masaya at maayos ang boss nila kahit sa loob ko ang lungkot lungkot sa pakiramdam.
“ Hey! sis kamusta na?”
“ Oh! Sharon napadalaw ka?”
Nandito ang best friend ko, kahit medyo may edad na kami para parin kaming dalaga kung umasta, Im forty one years old but still young and baby face sabi nila.
Parang kapatid ko nga lang daw ang anak ko sabi ng mga nakakakita sa amin, minsan naman napagkakamalan kaming mag jowa.
Hays, I miss my son.
Nagkwentuhan lang kami ni Sharon tungkol sa mga buhay buhay namin at heto nanaman sya gusto niya akong magkalovelife.
“ Hindi na, ayoko na, nakakatakot maiwan.” para akong nagkatrauma simula ng nabyuda ako ng maaga.
“ Ano ka ba? napakaraming nagkakagusto sayo tapos ganyan ka? magsaya ka naman para na rin may makakasama ka, Ano? Iset na ba kita sa isang blind date?”
“ Hwag na please lang, baka magalit ang anak ko.”
“ Nasa abroad na sya at isa pa kapag nag asawa na yang anak mo siguradong iiwan ka na din, kaya kailangan mo na lumablife.”
“ Hindi na, masaya na ako sa buhay ko.”
Kahit hindi totoo ang mga sinasabi ko, may trauma kase ako kaya natatakot akong sumubok muli na mainlove, natatakot ako na maiwan ulit, ang hirap sobra ng ganun ayoko na mangyari ulit sa akin yun.
“ Kung sabagay hindi naman natin madidiktahan ang puso kusa naman yang titibok, mahirap rin baka pera mo lang ang habol, mahirap din makahanap ng matinong lalake ngayon.”
Tama si Sharon nakakatakot talaga sumubok muli kaya mas okay na gumala na lang kaming dalawa, total tapos na man na ako sa mga gawain ko dito sa kompanya.
Nagpalit ako ng damit, nakashirt and jeans lang ako at nakarubber shoes nakakabagets ang porma ko ngayon sabi ni Sharon.
Kagaya ng nakagawian namin ni Sharon, lagi kaming nasa mall feeling bagets nga daw kami at namiss ko ang ganito, yung gumagala ba? edad lang naman ang nadadagdagan eh, pwede pa naman namin gawin yung mga ginagawa namin noong college kami, may limit nga lang minsan dahil sumasakit din katawan ko, iba na talaga kapag tumatanda
“ Ang ganda mo talaga, tignan mo napapahead turn lahat ng mga pogi sayo maski mga estudyante.”
“ Ano ka ba nakamake up lang ako kaya ganyan sila.”
“ Kahit walang make up maganda parin Tin.”
Kumaen kami sa fastfood, namiss ko chicken nila dito para tuloy akong bata nito, pag uwi ko nanaman deretso tulog na ako.
“ Tin may pupuntahan lang ako wait for me here okay.”
“ Oo na, sige na.”
Mukhang may kikitain nanaman ang bestfriend kong si Sharon, iniwan na niya ako dito na kumakaen mag isa hindi naman mapigilan yun lalo na at hiwalay din sila ng asawa niya.
[ After one hour ]
Naboring ako dito. Tapos na ako kumaen wala parin si Sharon, ang tagal naman niyang bumalik nakakahiya na marami pang kakaen kaya umalis na ako.
I texted her pero hindi sya nagrereply hindi na rin sya matawagan.
Nilibot ko na ang buong mall wala akong nakitang Sharon, hays, nakakainis naman hindi ko sya matawagan kanina ko pa sya kinokontak.
Lumabas na rin ako sa mall, nasa gilid lang ako at tumatawag kay Sharon kaso hindi talaga sya makontak nakailang try na ako.
“ Sharon na saan ka na ba?” tanong ko sa kawalan.
Ayoko naman umalis na baka bumalik pa sya, nako naman. I texted her again para malaman niya kung nasaan ako ng biglang.
“ Halla! yung phone ko!” sigaw ko ng may biglang humablot sa phone ko kaya nataranta ako.
Wala man lang tumulong sa akin, yung gwardya medyo malayo dito, gusto kong habulin yung kumuha ng phone ko pero gusto ko rin isumbong sa guard natataranta ako may mga importanteng contacts doon. Hays!
Tumakbo ako para habulin yung nanghablot ng phone ko, ang bilis niya hindi naman ako makasumbong na sa gwardya dahil makakalayo na yung lalakeng nagnakaw.
“ Hoy! ibalik mo yan!” sigaw ko sa kanya, nakikita ko pa sya ngayon at hinahabol parin.
Kahit yung contacts lang please, may mga notes pa ako doon na importante kailangan ko makuha yun, pwede ko na ibigay sa kanya phone ko basta ibigay lang niya mga contacts ko .
Hinihingal na ako, suko na ako ayoko na, kainis!
Huminto ako sa may kanto, pagod na ako tumakbo ang bilis ng taong yun expert na magnanakaw yun kailangan ko ng tubig.
Napaupo na lang ako dito sa pinaghintuan ko, nagpahinga ako nakakaloka yung may ari ng isang kompanya ganito lagay ngayon.
Kung sabagay sanay din naman ako sa hirap noon bago pa kami yumaman.
“ Maam sa inyo ba to?”
Habang mukha akong tanga dito na nakaupo may lumapit sa aking lalake at inaabot yung “ Phone ko!” napatayo ako agad ng makita ko na hawak niya phone ko “ Pano mo nakuha to?” tinitigan ko sya ng mabuti may sugat sya sa mukha, mukang napaaway pa siya sa ginawa niyang pagtulong sa akin.
Parang kaedad lang sya ng anak ko, I think?
“ Nakita ko kayo maam kanina kaya hinabol ko sya, kinuha na sya ng mga tanod.”
“ Salamat.”
“ Sige po.” aalis na sana sya.
“ Wait!” napigilan ko syang umalis “ Kunin mo to.” kumuha agad ako ng pera sa wallet ko para naman pabuya sa ginawa niya.
“ Hindi naman kailangan ng kapalit kapag tumutulong.”
Ngumiti sya at tsaka umalis, napatulala ako sa sinabi niya hindi niya inabot yung pera na binibigay ko sa kanya.
Biglang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil yung linyang yun ay ganun din ang sinabi sa akin ng asawa ko noong una kaming nagkakilala, tandang tanda ko pa.
“ Tumigil ka Tin.” umiling iling ako para hindi sya ikompara sa asawa ko.
Narinig ko nanaman kase ang linyang yun, kahit mag asawa na kami ganyan parin ang sinasabi niya sa akin kaya ang lakas ng impact sa akin ng sabihin sa akin yun nung lalake.
Nakatingin lang ako sa likuran niya habang naglalakad palayo sa akin.
“ Kalma Tin, namiss ko lang siguro asawa ko.”
Natauhan na lang ako ng biglang nagvibrate phone ko, tumatawag si Sharon mukhang kanina pa niya ako kinokontak.
Agad ko naman sinagot ang tawag niya at sinabi kung saan ako ngayon, pinuntahan naman niya ako agad agad at kinwento lahat ng nangyari sa akin noong wala sya.
“ Halla! sorry Tin.”
“ Ayos lang.”
Hindi yung magnanakaw ang tumatak sa akin kundi yung tumulong sa akin ang hindi ko malimutan, kahit na ibaling ko ang atensyon ko sa ibang bagay naaalala ko sya.
Pakiramdam ko kase bumalik ako sa una, yun bang una kaming nagkakilala ng asawa ko? hays ,napakahumble ng asawa ko kaya naaalala ko sya.
Nalungkot tuloy ako ngayon ang sakit sakit nanaman ng puso ko kapag ganito, gusto ko rin makita pa yung tumulong sa akin at gusto ko syang makilala kanina, parang gumaan pakiramdam ko kanina nung sinabi niya yun sa akin pero nung umalis na umiba na pakiramdam ko.
Nakauwi naman ako sa bahay ng ligtas, hinatid ako ni Sharon wala akong driver kanina kaya walang tumulong sa akin.
Mag isa ko nanaman dito, ang lungkot talaga ng ganito ang hirap labanan ng lungkot, dati kase pag uwi ko tutulog na lang ako kaagad kaso ngayon.
Ang dami kong naiisip lalo na kanina nung narinig ko nanaman ang linyang yun, naiiyak na lang ako mag isa kapag nalulungkot ako, ang hirap ng mag isa.
Ang hirap libangin ng sarili .
Ang hirap mag adjust.
Kaso wala akong choice eh.
Kailangan ko magtiis at magpakatatag, ganito na siguro ang kapalaran ko ang maging mag isa ,nakakalungkot lang dahil naging mabuti ako sa lahat pero ganito ang flow ng buhay ko ang mag isa.