Pasuray-suray na tumayo si Devin mula sa pagkakaupo kaya naman nakaalalay agad si Marj. "Teka! Dahan-dahan ka lang at maglakad baka matumba ka!" paalala ni Marj. "No! I'm good! I maybe much older than you but I can control myself even when I'm drunk. Watch me!" Mayabang itong humakbang ngunit maya lang ay tutumba na ito kaya inalalayan ito agad ni Marj. Pero di niya nakayanan ang bigat nito at nauna pa syang natumba dito. Ang nangyari ay bumagsak ng pahiga si Marj. Buti na lamang at mabilis umalalay si Devin kahit kasama pa siyang natumba dahil nailagay nya ang braso sa ilalim ng ulunan ni Marj bago pa man sila bumagsak kaya hindi ito nabagok. Ngayon ay magkatitigan sila habang nakadagan si Devin kay Marj. Nakailang lunok si Devin hab