Hindi makakain si Marj ng maayos dahil sa kakatitig sa kanya ng kaharap. Hindi na sya nakatiis kaya bigla siyang napasigaw.
" Ano ba?! 'Wag mo kong titigan di ako makasubo naiilang ako! Pwede bang yung pagkain mo na lang titigan mo?!" Nayayamot niyang sabi sa kaharap.Pero biglang nawala ang pagkayamot at inis, napalitan ito ng kaba nang makita niyang nag-iba ang expression ng mukha ng lalaki. Halos mapatalon sa upuan si Marj ng biglang nagsalita ng pasigaw din si Devin.
" Who told you that you have the right to shout at me?! I will do whatever I want and whatever I wish! Kung gustong mong tumahimik ang buhay mo sumunod ka lang sa lahat ng gusto ko!" Tila galit na sabi nito.
" Sorry..." Mahinang paumanhin ni Marj.
" Go eat your food!" May otoridad na utos nito.
" Ok!" at tila robot lang na sumunod si Marj dito.
" Masunurin ka nman pala eh! Pero kung hindi ka sumunod ay pahuhubarin talaga kita jan habang kumakain! Baka wala kang magawa!" Nakaismid na sabi nito kay Marj.
" Eto na nga sumusunod na nga eh. " mahinang sagot ni Marj. Nakayuko ito at tila pilit sinusubukang lunukin ang pagkain na nasa bibig. Pinipilit nitong sinusupil ang hikbi. Maya-maya nga ay biglang itong bumunghalit ng iyak na kinataranta ni Devin.
"s**t!" Agad nilapitan ni Devin si Marj at kinandong. " I'm sorry sweetheart! Did I scared you that much?! I'm sorry please forgive me!" hinging paumanhin nito at ayaw pa rin matigil nito sa pag-iyak. Hindi kasi talaga sanay si Marj na sinisigawan at binubulyawan.
"s**t! What am I gonna do with you!" Pilit pinipigilan ni Marrj ang pag-iyak dahil sa nakikitang pagkataranta ni Devin pero di niya mapigil ang sarili at tuloy pa rin ang kanyang mata sa pagluha. Itinago na lamang niya ang mukha sa dibdib nito habang kandong-kaandong siya ng binata.
Bahagyang inilayo ni Marj ang mukha sa lalaki at sa pagitan ng paghikbi ay nagtanong.
" P-pwedeng hik! Magtanong? " pinipilit na magsalitang tanong ni Marj sa binatang amo.
" Yes of course! Ask me anything! " nababahala at nag-aalalang sagot dito ni Devin.
" Bakit mo ba ako kinakandong? Anak mo ba 'ko? Saka bakit mo ako tinatawag na sweetheart? 'Di naman tayo mag-jowa! " Sunod-sunod na tanong niya sa lalaki.
Dahil sa narinig na tanong ni Marj ay agad siyang itinayo ng binata at tumayo na rin ito.
" Babalik muna ako sa kuwarto. " ngunit nakakailang hakbang pa lang siya ay tila nanlabo na ang kanyang paningin at alam niyang anumang oras ay babagsak siya. Sakit niya iyon kahit nung bata pa. Kapag nasosobrahan siya ng iyak o nagpipigil ng emosyon ay bigla siyang nawawalan ng malay. Ilang saglit nga lang bumigay ang kanyang katawan, dulot na rin marahil ng pagod sa biyahe at emosyong nararamdaman ay di na niya kinaya at bumigay na ang kanyang sistema. Ngunit bago pa man niya maramdaman ang pagbagsak ng kanyang katawan sa sahig na tiles ay matikas na braso ang sumalo sa kanyang katawan.
At dahil nabahala na si Devin ay binuhat siya nito at dinala sa kwarto na siyang tinutulugan ni Marj.
Inilabas ni Devin ang kanyang cellphone at tinawagan ang isang kaibigang Doctor at ikinuwento ang nangyari at nagtanong kung ano ang dapat gawin. Napanatag naman ang kanyang kalooban ng sinabi nitong walang dapat ikapangamba. Mahinga lamang kailangan ng dala.
" I'm sorry......" ang tanging nasambit ni Devin at malungkot na umalis sa kwarto ni Marj.
Paglabas ni Devin sa kwarto ni marj ay agad siyang nagtungo sa private bar niya sa bahay . Kumuha siya ng alak at sinalin sa baso atsaka ito diretsong tinungga.
"Sh*t! This possessiveness! " at saka biglang binato ang baso sa pader. " Bakit ako ganito? Ngayon lang ako nagkaganito sa isang babae! Pinangako ko ng di ako magmamahal pagkatapos ng isang panlolokong ginawa sa akin. Lahat ng babae wala na kong pagkakatiwalaan! Pero dahil lang sa iyo mukhang babaliin ko na ang pangako ko!" Kumuha ulit ito ng isang baso at tumungga ulit ng alak.
"Hindi! Pipigilin ko ang dadamdamin ko! Sasaktan mo lang din ako at iiwan tulad niya! Pagtatakpan ko na lang ang nararamdaman ko and I'll show you how devil I am para di tayo mahulog sa isa't-isa." Pilit na kumbinsi niya sa sarili.
Pero bigla rin siyang napasalampak sa sahig. "Sh*t! Kaya ko ba? Makita ko lang siyang umiyak nanghihina na ako! Anong gagawin ko?" Tila naiiyak na niyang sabi. Buong araw siyang nagpakalasing hanggang sa malimutan ang nararamdaman.
Mag-gagabi na ng maalimpungatan si Marj at nagising mula sa pagkakatulog, agad siyang bumangon at lumabas ng kwarto. Pagkarating sa kusina ay nakita niya si Cora.
"Cora!" Tawag niya dito habang busy itong kumakanta at sumasayaw habang naghuhugas ng pinggan.
"Ay palaka!" halos muntikan na nitong mabitawan ang platong hawak dahil sa pagkagulat sa kanya. Natawa na lang si Marj dito.
"Grabe ka namn uy! Basta ka na lang sumusulpot! Gusto mo bang kumain? Alam ko hindi ka nakakain ng maayos dahil sa dramatization ninyo ni boss kanina, kaya tara! Paghahain kita!" Aya sa kanya ni Cora.
" Ayoko! Wala akong gana, salamat na lang." Tanging sagot niya.
"Naku pareho kayo ni lover boy mo! Hindi na rin kumain! Tsk! Hirap talaga mainlove!" umiiling na sabi ni Cora kay Marj.
"Pinagsasabi mo diyan? Teka! Nasaan ba siya? Umalis ba?" tanong ni Marj.
"Hindi yun! Andiyan pa yung mga sasakyan niya walang nabawas kahit isa. Saka di ko nakitang lumabas, baka nandoon sa bar niya nagkukulong!" Imporma sa kanya ni Marj.
"Sige salamat! Saan ba yun at pupuntahan ko?" Pagkaturo ni Cora ay agad niyang tinungo ang private bar nito.
Kumatok siya sa bar pero walang sumasagot kaya naisipan niyang silipin at baka kung ano nang nangyari dito. Pagpasok niya ay nakita niya itong nakasalampak at nakatalungko sa isang sulok ng bar. Agad niya itong dinaluhan dahil sa pag-aakalang wala na itong malay. Ganoon na lang ang gulat niya ng paglapit dito ay bigla nitong ini-angat ang ulo at ngumisi sa kanya.
"Ikaw? Anong gayuma ang ginamit mo sa akin? Galing kang probinsiya di ba? May lahi ba kayong mang-gagayuma? nakaka-insultong tanong nito.
"Ano?! Di ko maintindihan ang sinasabi mo? Nakakainsulto ka naman!" takang tanong dito ni Marj.
Nagulat siya ng tinapik ni Devin ang sarili nitong dibdib at sumigaw.
"Dito! tinaman ako dito! Malakas!"
"Di kita maintindihan! Ano ba talagang ibig mong sabihin?" Gulong gulong tanong muli ni Marj.
"Hahaha! Stupid talaga! TInamaan ako sa'yo! Naintindihan mo?! Bakit ikaw ba? Wala ka bang nararamdaman sa akin? Ano nga ba naman aasahan ko eh pare-pareho lang kayo!" Naiiyak nang sigaw nito.
"Tama na lasing ka lang! Kakakilala mo lang sa akin eh! Paano mo nasasabi agad yan?!" Panakip tanong ni Marj kay Devin dahil alam niya kung anong sarili sagot sa tanong niya, kung may nararamdamn ba sya dito, kaya nga naaagaw ang bag sa kanya ng snatcher dahil nabighani siya sa lalaking ito ng unang kita pa lang niya. Pero 'di ito pwedeng isatinig dahil mayaman ito,wala syang maaasahan dito at masasaktan lang siya.
"Tama! Bakit ko nga ba sinasabi to! Eh baka katulad mo lang din syang manloloko! Pagkatapos kang paasahin, ayun sumama sa iba! Hahaha! Pare-pareho lang kayong mga babae!" Umiiyak ng sabi nito.
" 'Wag mo kong iparehas sa kung sino mang babae mo na yan dati, dahil di kami magkakatulad. Pag ako ang nagmahal hinding hindi ko magagawang saktan ang taong mamahalin ko!" Naiiyak niya bulyaw dito dahil nasasaktan siya sa sinasabi nito ukol sa kanya.
" Ganoon ba?" Sabay ngising tumingin ito kay Marj at saka hinatak ang dalaga sa kandungan niya. "Pwes! Patunayan mo!" Saka dinaluhong ng halik si Marj sa labi. Gustong pumalag ni Marj pero masyadong malakas si Devin.
" Devinnn..." Mahinang anas ni Marj ng tumigil sandali sa paghalik sa kanya ang binata para sumagap ng hangin.
"My Amber! Sa akin kalang! Papatayin ko ang aagaw sa'yo mula sa akin! I will be the best devil that they will ever see! Your mine! Just mine! All Mine!" Mariing sabi nito bago hinalikan muli ng mariin sa labi si Marj.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------
Thanks for reading! Mwah!