Athena POV*
Napamulat ako at napatingin sa paligid mukhang nasa Olympus ako at nakita ko ang aking Ina na humahaplos sa mahabang buhok ko. Agad akong napaupo at gulat padin ang mukha kong nakatingin sa kanya.
"Mama!!" Matagal ko na siyang gustong mayakap at heto na siya ngayon. Nakayakap na ako sa kanya.
"Anak ko." niyakap din niya ako pabalik at umiyak na ako sa bisig niya. Miss na miss ko na ang Mama ko.
Humiwalay ako ng yakap sa kanya at tiningnan siya.
"Paano ako napunta dito, Mama?"
"Di mo ba natatandaan ang nangyari?" Tanong nito sa akin.
Naalala ko ginamit ko na naman ang delikadong kapangyarihan ko. At sigurado akong sisisihin na naman ni Zeus ang sarili niya.
"Mama, tama ba ang ginawa kong pagsasakripisyo sa mga mahal ko sa lupa?" naiiyak na sabi ko. Niyakap niya ako at hinalikan sa noo.
"Anak, kahit kailan di maling protektahan mo ang mahal mo sa buhay. Dahil doon makikita kung gaano talaga ka importante sila sayo." napangiti ako at niyakap ulit si Mama.
"Mama di na po ba ako makakabalik doon?" malungkot kong sabi kay Mama.
"Nakalimutan mo na ba, Anak. Na hindi ka kailanman mamamatay dahil may dugo kang Goddess katulad ko." napatingin ako sa kanya nang may narealized ako. Oo nga noh pati yun nakalimutan ko! Kaya pala nabuhay ako nung ikalawang buhay ko.
"So makakasama ko pa si Zeus!" masayang sabi ko. Ngumiti siya at tumango.
"Anak, pwede dito ka muna samahan mo muna si Mama kahit ilang taon lang." nakatingin lamang ako kay Mama. At tumango nalang ako kasi pagkatapos nun forever na kaming magsasama ni Zeus.
Pinagbigyan ko ang kahilingan ni Mama doon muna ako nang 8 taon at masaya naman ako dahil nagbonding talaga kami mag Ina.
Bumalik na ako sa mundo nang mga tao at nagsimula sa simula para mabuhay nagtrabaho ako kahit saan kasabay na din nun ang paghahanap ko sa kanila.
2 taon din na hindi ko sila makita. Napabuntong hininga nalang ako.
"Autumn, heto naghahanap sila ng secretary dito sa isang kompanya." sabi ni Fiane sabay turo sa cellphone niya.
"Kailan?" Tiningnan ko ang mga requirements nila para maging Secretary.
"Bukas daw magsisimula. Alam mo narinig ko sa usap usapan gwapo daw ang may CEO doon." napakunot ang noo ko. Mas gwapo si Zeus sa mga mata ko.
"Aanhin ko naman ang gwapong CEO na sinasabi mo may Fiancee na ako." Sabi ko sa kanya.
"Nako sa ganda mong yan di yun mahuhulog sayo. At yung Fiancee mo na di ko pa nakikita ay tigilan mo na imaginary mo lang siguro yun." natawa nalang ako at umiling iling.
"Hindi siya imaginary. Totoo siya at loyal lang ako sa kanya. Trabaho lang ang kailangan ko."
"Ang loyal mo talaga. Ilang taon mo na siyang nagustuhan?" grabe Q&A lang ang peg?
"Mga thousand years na siguro." Pagbibilang ko sa daliri ko at natawa nalang ako dahil nakakunot ang noo niya.
"Hay nako uuwi na ako maghahanda pa ako para bukas sa pag aapply." sabi ko sa kanya. Tumango siya at nag approve.
"Ingat ka ha." paalam niya.
"Same to you."
Kinabukasan...
Mataas akong pumila at ang dami din palang nag aapply. Todo paganda talaga ang mga babaeng nandidito dinaig pa ang clown sa puti ng mukha.
Pwede lang naman konting make up hindi yung parang clown na kung makikita mo.
Ang mga damit nila ang iiksi! Seryoso anong aapplayan nila dito hindi naman yan formal clothes.
"Mag aapply ka?" napatingin ako sa likuran ko tumango naman ako sabay ngisi.
"Hmm... Mukha kang manang sa damit mo." natatawang sabi niya. Napatingin naman ako sa damit ko.
Simpleng jacket at mahabang palda na hanggang binti at nakasapatos. Ano naman ang pake nila sa style ko?!
"Ano naman ngayon. Kesa naman sa damit na kulang atah ang tela." mahinang sabi ko.
"What?!"
"Ang sabi ko ang ganda ng damit mo." sabi ko nalang para walang away.
Kinuha na ng babae ang mga folders namin. Kinabahan na ako. Ngayon lamang ako nag apply sa company simula nung nakabalik ako dito sa mundo ng mga tao. Kasi sa mga restaurant kasi ako sa mga fast food pumapasok. Mahilig kaya ako sa luto. Para na din yun sa future namin ni Zeus yung lulutuan ko siya araw araw at kasama ang mga anak namin.
"Ikaw na ang susunod." sabi nung babae saakin.
"Good luck, Manang." Pang iinsultong sabi nung nasa likuran ko. Nagtawanan naman ang iba doon. Bahala sila sa buhay nila.
Di ko nalang pinansin at agad pumasok. Nakayuko akong naglakad hanggang makarating ako sa harapan.
"Have a sit." umupo ako sa upuan habang di padin nakatingin sa kanya.
Nang may nakalimutan ako! Nakalimutan kong lagyan ng picture!
Binabasa na niya ang resume ko.
"You must be Ms. Sy." Sabi nito na kinatindig ng balahibo sa boung katawan dahil sa lamig ng boses nito.
"Uhmm... " anong sasabihin ko? Eh sa di naman ganito ang feeling ko noon nung iniinterview ako ng mga boss.
Bakit ito ang lakas ng t***k ng puso ko parang lalabas na eh sa lakas.
Pagkatapos nito pupunta ako sa clinic magpapacheck up ako baka may sakit ako sa puso baka atakehin ako.
"You forgot your picture." Malamig na sabi niya. Ito na nga bang sinasabi ko eh!
Pero parang pamilyar ang boses niya?
"Pasensya na po! Ito po." Binigay ko sa kanya at napayuko ako. Nako naman!
Humarap siya saakin at kinuha ang picture ko. Mukhang 1 minute na akong nakayuko dito...
"Tumingin ka saakin." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Po?"
"Tingnan mo ko." Sahi nito. Unti unti ko siyang tiningnan at nang makita ko ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko....
Ang lalaking matagal ko nang hinahanap ay nandidito na ngayon sa harapan ko. Nagkatitigan padin kami ngayon.
My Zeus...
"Athena, ikaw ba talaga yan? Naalala mo ba ako?" Tanong niya at tumayo na siya papunta sa harapan ko.
Sasagot na sana ako nang may naisip akong kalokohan.
"Pasensya na po di po kita kilala." nakayukong sabi ko. Lumuhod siya sa harapan ko at hinawakan ang magkabilang balikat ko kahit nakaupo ako.
"Ako ito si Zeus! Remember me please!" nagulat ako nang may luha sa mga mata niya. Umiiyak siya sa harapan ko. Napakagat ako ng labi ayokong makita na umiiyak siya.
"Mr... Di ko po talaga kayo kilala... Pasensya na po." tumayo na ako at ganun din siya.
"Wala akong pakealam gagawin ko ang lahat maalala mo lang ako. Mahal na mahal kita.... " sabi niya habang nakatingin pa din sa mga mata ko.
"Pasensya na po may Fiancee na po ako. At mahal na mahal ko rin po siya at malapit na kaming magpakasal." nakita ko na parang nasaktan siya sa sinabi ko. At umiling iling siya at di makapaniwala sa nangyayari.
"N-no! You're mine only. Akin ka lang. Who's that f*cking MAN! Anong pangalan niya! Hinintay kita ng ilang taon na mabuhay. Don't do this to me, Athena. Alam mo naman na ako lang ang mahal mo noon pa man diba?" Sigaw niya pero kahulihan ay mahina na iyon.
Gusto ko nang tumawa pero pinipigilan ko. Mahal niya talaga ako.
"Ang pangalan ng Fiancee ko ay... Tyrome Evans ang pangalan niya. Tama yun nga pangalan niya at ilang taon ko na din siyang hinihintay at di ko pa nga siya nakikita." natigilan siya sa sinabi ko at tiningnan ako sa mga mata.
"Anong gagawin mo sa kanya? Wag mong patayin yun mahal na mahal ko yun at di ko gustong mawala siya sa buhay ko papakasalan ko pa siya at magkakapamilya pa kami." pagmamakaawa ko sa kanya. Nako pwede na pala akong maging artista nito. Pwede na maging Best in Actress.
"Uhmm... Mr... Ayos lang po ba kay--" bigla niyang sinakop ang mga labi ko gamit ang malalambot na labi niya. Grabe sweet as always.
Ramdam ko ang pagmamahal niya sa pamamagitan ng paghalik niya. I miss this guy and I love him so much.
Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang magkabilang mukha ko.
"I love you too, My Love! this feeling nakakabakla mang sabihin pero kinikilig ako." natawa nalang ako at niyakap siya.
"So tanggap na ba ako? Tanggap na ba akong maging secretary mo?"
"No." natigilan naman ako. Hala di ako tanggap? Wala bang kapit dito? Close naman kami. Don't tell me di ako tanggap dito sa kompanya niya!
"What?!"
"Hindi ka tanggap sa pagiging secretary ko." Waaaa! Sira na ang future ko!
"Waaa!!! Paano ang future ko niyan! Please tanggapin mo na ako. Gagawin ko ang lahat. Pwede akong tagalinis dito, pwede din akong cooker, pwede di..."
"May iba kang trabaho at yun ay ang maging asawa ko habang buhay at hindi ako ang boss mo kundi ikaw. Susundin ko ang lahat maging masaya ka lang. Dahil ganun kita kamahal higit pa sa buhay ko. Mahal na mahal kita, Athena."
Ako na tuloy ang naluha at pinunasan niya ang luha ko na kinangiti ko.
"Mahal na mahal din kita, Zeus."
******
LMCD