Athena POV*
Nginitian ko siya.
"Let's go outside. Pupunta tayo sa mansion nandoon sila lahat." Sabi niya. Ibig sabihin nandoon ang mga kasamahan namin?
"Miss ko na sila." Sabi ko.
"Miss ka na din nila." Lumabas kami ng opisina niya at nagulat ang mga nandoon dahil nakahawak na ang kamay ni Zeus sa akin.
Napatingin ako sa dalawang di natanggap kanina.
"Wait, Hubby." Sabi ko kay Zeus at napahinto naman siya at nag aalalang tumingin sa akin.
"Why, Wife?" Hala kung maka Wife parang kasal na kami ha. Pero okey na yun gusto ko naman.
Nginitian ko siya at tumingin sa dalawa.
"Don't judge the book by it's cover." Nakangiting sabi ko sa kanila.
"H-How..." Nauutal na sabi nila.
"Let's go, Hubby. Baka hinihintay nila tayo." Sabi ko nalang at nginitian si Zeus at aalis sana kami nang biglang magsalita yung isang babae.
"Ginayuma mo ba siya! Hindi namin nabalitaan na nagka interest si Mr. Tyrome sa ibang babae simula nung huling Fiancee niya na si Miss Autumn." Sabi nung isang babae. Marami ng nakatingin sa aming mga empleyado at nagbulong bulungan na sila.
"And then? Nakita niyo na ang mukha ni Autumn?" Paghahamon ko.
"Oo nakita namin. Maganda siya at maganda kung manamit hindi katulad mo cheap! Ginayuma mo si Mr. Tyrome!" Napatingin ako kay Zeus at walang emosyon ang mukha niya sa dalawang babae.
"Really? Am I cheap to you? By the way para kumalma na ang mga matres ninyo magpapakilala ako." Tinanggal ko ang wig ko at reading glasses ko at nagulat sila ng makita ang mukha ko.
"So you know me already? At bakit ko naman gagayumahin siya eh simula't simula ako na ang gusto niya at same kami ng feelings." Gulat pa din silang nakatingin sa akin. Yung hindi makapaniwala na ako si Autumn.
"Nabalita ba dito na namatay ako, Hubby?" Tanong ko kay Zeus.
"Nah, they thought you're in long vacation." Napatango nalang ako.
"Alis na tayo. Gutom na ako." Sabi ko. Hinawakan niya ang bewang ko habang naglalakad at pumasok na kami sa elevator at kaming dalawa nalang ang nandoon.
Nakita ko sa pintuan ng Elevator na nakatingin lang si Zeus sa akin at gumalaw siya at pumunta sa likod ko at niyakap ako at pinalibot ang kamay niya sa tyan ko at ang ulo niya ay pinatong sa balikat ko at inamoy amoy ang leeg ko na kinapula ko.
"I miss your natural smell, My Love." Sabi niya. Hala matagal na pala niya akong inaamoy.
"Ikaw talaga ito. Ikaw talaga ang Athena ko. I'm happy you're here already." Hinigpitan niya ang yakap ko at nanlaki ang mga mata ko nang halikan niya ang leeg ko.
"Zeus, nasa elevator tayo." Mahinang sabi ko.
"I don't care." Sabi niya at hinarap niya ako sa kanya.
"Gusto kong ipaalam na sa akin ka lang." Napangiti ako at pinalibot ko ang kamay ko sa leeg niya at inunahan siyang hinalikan siya sa mga labi niya.
Agad akong napahiwalay ng halik sa kanya nang marinig ko ang tunog ng elevator at nakarinig ako ng mga gulat na boses at nagulat ako nang mas lalong akong niyakap ni Zeus at agad niya ulit akong hinalikan. Napangiti ako at hinalikan din siya.
At nang naghahabol kami ng hininga at napangiti kami pareho at hinawakan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng elevator at dumiretso sa parking lot.
Natawa kami pareho sa ginawa namin at pumasok sa likod ng sasakyan.
"Let's go to the second mansion." Sabi ni Zeus sa driver niya. Niyakap ko ang bewang niya at sumandal ako sa dibdib niya.
Di ako makapaniwala na nandito na siya sa tabi ko. Naramdaman ko na hinalikan niya ang ulo ko.
Nakarating kami sa mansion at nagbihis muna ako ng disguise para di nila ako makilala at tinago ko din ang awra ko bilang Athena.
Hawak kamay kami ni Zeus papasok ng mansion at nakita ko ang anim na nakaupo sa sala at may mga ginagawa.
Si Hades at Hera ay nagbabasa ng mga libro, habang sila Artemis at Apollo naman ay nagbabangayan kagaya ng dati, si Ares naman ay naglilinis ng sandata niya at si Poseidon naman ay nanonood ng laro sa cellphone niya.
"Ehem..." Natigilan ang lahat sa ginawa nila ng umubo ng mahina si Zeus.
Napakunot ang noo nila nang makita na magkahawak kamay kami ni Zeus.
"Zeus, what's the meaning of this?!" Tumayo si Artemis at lumapit sa amin.
"Oo nga! Hindi ako nagparaya kay Baby Athena para sukuan mo siya ng ganito! At may ibang babae ka pa!" Galit na sabi ni Apollo at kinuwelyuhan si Zeus at di lang ito pinansin ni Zeus.
"This is not funny at all, Zeus." Nakita ko na naging seryoso ang mukha ni Poseidon. Ibang iba siya sa Poseidon na kilala ko. Ang Poseidon na kilala ko ay happy go lucky na lalaki at walang ka proble-problema.
Inatake ni Ares ng sandatang hawak nito si Zeus pero agad naman niya itong napahinto.
"Kung itutuloy mo yan di talaga kita mapapatawad." Malamig na sabi ni Ares. Napakagat ako ng labi. Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil kung wala pala talaga ako ay ipaglalaban nila ako.
Napangiti ako nang may naisip akong trip sa kanila.
Hinawakan ko ang braso ni Zeus at tiningnan sila.
"Pero mahal ko siya at mahal din niya ako. Pipigilan niyo ba ang pagmamahal namin?" Sabi ko sa kanila.
"Never na never kaming maniniwala na agad ma iinlove si Zeus sayo dahil simula't simula ay ang mahal lang ni Zeus at si Athena lang." Galit na sabi ni Artemis sa akin.
"Baka ginayuma mo siya?" Nakataas kilay pang sabi niya sa akin.
"Hindi ko siya ginayuma. Natural love ang nangyayari sa amin." Sabi ko pa.
"Natural love? Really? Not in our time, Miss." Sabi ni Hera na may masamang tono.
"Zeus, nabagok ba ang ulo mo? Gusto mo bagukin natin para matauhan ka? Babalik pa si Athena at alam natin lahat ng iyon!" Sabi pa ni Apollo.
"Zeus, aalis na kami dito. Di namin matatanggap ang ginagawa mo ngayon." Sabi ni Hades at napatango naman sila at umuna ng lumakad si Hades.
Tama na nga tong disguise na toh. Totoong emosyon na ang nakikita ko sa kanila. Tiningnan ko si Zeus at napatingin din siya sa akin.
At nginitian ko siya. Tinanggal ko ang wig at reading glasses ko at inayos ko ang totoong buhok ko at ibinalik ko na din ang awra ko noon. Natigilan naman silang anim sa nakita nila.
"Thank you, Guys. And I'm back." Nakangiting sabi ko at gulat na gulat silang napatingin sa akin.
Hanggang sa ang gulat nilang mukha ay naging iyak at agad lumapit sa amin.
"Athena." Di makapaniwala ni Artemis. Ngumiti ako at tumango at agad niya akong niyakap.
"Welcome back."
Isang taon na ang nag daan at nakahawak na ako ng bulaklak at napamulat ako nang marinig ko na bumukas ang malaking pintuan ng Olympus Empire.
Nakasout ako ng Gintong wedding gown at may korona din na nakapatong sa ulo ko. At agad ko narinig ang magandang musika at nakikita ko din ang lahat ng bisita sa loob. Lalo na ang mga magulang namin at ang papakasalan ko ngayon.
Nagsimula na akong lumakad at bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko habang naglalakad ako. Napakaraming nangyari sa amin. May magandang pangyayari at mayroon din masama pero ngayon napunta pa din kami sa ganitong sitwasyon. Ang makasal kami sa harapan ng mga Gods and Goddess na katulad namin.
Ang lalaking matagal ko ng iniibig ay siya pa din ang makakatuluyan ko sa huli. Ang lalaking kinatatakutan ng lahat dahil sa pagkamasungit nito at walang pake sa paligid. Pero ngayon magiging asawa ko na siya.
Nasa harapan ko na siya nakangiting nakatingin sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod ng palad ko na kinangiti ko.
"Shall we?" Sabi niya at tumango naman ako at inilagay niya ang kamay ko sa braso niya at lumakad na kami papunta sa altar. At nandodoon ang 12 Gods na nakaupo sa mga trono nila. Napangiti ako sa Mama ko na nakaupo doon.
Maraming mga ritwal ang ginawa bago mag...
"God Zeus, you may now kiss your Wife." Humarap ako sa kanya at napangiti kami pareho at dahan dahan niyang tinaas ang belo ko at hinalikan niya agad ko.
Narinig namin ang mga palakpakan sa paligid dahil sa wakas ay asawa ko na siya.
Naglalakad ako ngayon sa veranda ng palasyo. Nandito na kami nakatira sa mundo ng mga Immortal at limang buwan na simula ng maikasal ako kay Zeus.
Busy si Zeus ngayon bilang bagong Emperor of Gods and Goddess at ako naman bilang Empress of Gods and Goddess ay may trabaho din pero absent muna ako ngayon dahil masama ang pakiramdam ko ngayon para akong masusuka na makakain o makaamoy man lang ng kahit ano.
Di alam ni Zeus na absent ako ngayon at malalaman lang niya pag mapansin niya na wala ako ngayon sa opisina namin.
"Your Majesty." Napatingin ako sa katulong ko na nasa pintuan at may dalang mangga.
Kanina ko pa inutos sa kanya na kuhaan niya ako ng mangga at nang makita ko na natatakam akong kainin iyon.
"Ilagay mo dito." Utos ko. Agad naman niyang sinunod.
"Teka nasaan ang strawberry jam ko?" Tanong ko pa.
"Your Majesty, bumili pa po yung isang kasama ko sa labas ng palasyo." Tumango nalang ako. At umalis na siya kaya ako ulit mag isa dito ngayon.
"Athena!" Sigaw ni Apollo at kasama sa likod niya si Artemis.
Nagulat ako na kinaresulta ng pagkahulog ng mangga na kinuha ko.
Naramdaman ko na biglang may tumulo na luha sa mga mata ko kaya napayuko ako.
"Bakit ka ba sumisigaw, pangit ka. Nagulat tuloy si Athena." Lumapit si Artemis sa akin at nagulat siya nang makita niya ang reaksyon ko.
"Athena? Bakit ka umiiyak? Apollo! Pinaiyak mo si Athena! Lagot ka kay Zeus nito!"
"Ha? Athena, sorry kung nagulat kita. Sorry! Di ko alam na magugulatin ka pala di ako nainform." Sabi pa ni Apollo. Pero mas lalo akong naiyak dahil nahulog nga ang manga ko.
"Bihilhan ka namin ng maraming mangga. Kaya tumahan ka na, Athena."
Biglang may malakas na pagbukas ng pinto na kinatingin namin at nakita ko si Zeus na nag aalala ang mukha. At napakunot ang noo nito nang makita akong umiiyak.
"Bakit umiiyak ang asawa ko?!" Malamig na sabi ni Zeus at agad lumapit sa akin at niyakap ako at pinatahan.
"Ginulat kasi ni Apollo si Athena at umiyak nalang siya bigla."
"Apollo!"
"Hala! Bibilhan ko na siya ng maraming mangga at ako na ang aakyat sa puno. Sorry na talaga, Athena!" Agad na sabi ni Apollo.
"Mangga?" Biglang tanong ni Zeus at tumango naman silang dalawa.
Lumuhod si Zeus sa harapan ko at hinawakan nito ang pisngi ko at ang isang kamay naman niya ay nasa kamay ko.
"What happened, My Wife?" Tanong ni Zeus sa akin. Kanina gusto kong kumain ng mangga pero ngayon ang amoy ni Zeus ang gusto kong amoyin.
Yumakap ako sa kanya at inilagay ko ang mukha ko sa leeg niya. Nakakaaddict ang amoy niya.
"Wife?"
"Mukhang addict ang asawa mo sa amoy mo, Zeus." Rinig kong sabi ni Hera. At naramdaman kong lumapit siya sa amin.
"Ang weird lang ni Athena ngayon. Di naman siya ganyan dati at dahil sa mangga ay umiiyak na siya agad." Sabi ni Artemis.
Binuhat ako ni Zeus at niyakap ko naman ang leeg niya.
"Wife, narinig ko kanina na kaya ka nag absent dahil masama ang pakiramdam mo. May masakit ba sa katawan mo?" Tanong ni Zeus sa akin.
"Masakit ang ulo ko at parang nasusuka ako na ewan di ko maintindihan."
"I hope tama ako." Napatingin kami kay Hera na lumapit sa amin at hinawakan niya ang pulso ko.
Kinabahan naman ang mga mukha ng mga kasama namin dito at hinihintay nila ang sasabihin ni Hera.
"Anong nakita mo, Hera?" Tanong agad ni Zeus.
"Tama nga ako."
Napasinghap silang lahat.
"Malala ba ang sakit ni Athena?! Ikaw kasi Apollo! Kasalanan mo toh!" Agad na sabi ni Artemis at pinag papalo si Apollo.
"Ouch! Ano ka ba! Kukuhaan ko na nga siya mamaya ng mangga at kahit wala ang mangga nandyan na yang nararamdaman niya." Sabi agad ni Apollo.
"What happened?" Tanong ni Poseidon at nakita ko na kasama niya si Hades.
"Sabihin mo na Hera kung ano ang nakita mo." Sabi ni Artemis.
"She's Pregnant." Natahimik silang lahat dahil sa narinig at maski ako nagulat sa sinabi ni Hera.
"Pregnant..." Napatingin ako kay Zeus na nakatingin sa baba na parang loading.
Teka pregnant? Means buntis ako?
Biglang tumulo ang luha ko dahil sa narinig mula kay Hera. Di ako makapaniwala sa narinig. Buntis talaga ako? Magiging magulang na kami ni Zeus!
"Kyaaa! Congrats!" Sabi nila.
3 years later..
Nakatingin kami ni Zeus sa lalaking anak namin na nagbabasa ng libro sa gilid ng puno kanina pa namin siya hinahanap at nandoon lang pala siya sa tambayan niya.
"Atheus, anak." Tawag ko sa kanya at napatingin naman siya sa amin at agad niyang tiniklop ang libro niya at agad lumapit sa amin.
"Greetings, Father and Mother." Sabi niya.
"Tayo na pumasok na tayo sa loob." Nakangiting sabi ko sa kanya.
"Sige po."
*****
LMCD22
THE END