INAKAY ko si manang patungo sa upuan. Pinainom ko siya ng tubig at patuloy na hinagod ang kaniyang likod upang mahimasmasan siya kahit papaano. "Nalaman na po ba ni Senyorita ang katotohanan?" nagtataka kong tanong. Umupo ako sa kaniyang tabi dahil bumalik na rin naman sa normal ang kaniyang paghinga. Naaawa ako kay manang. Alam kong may nagawa siyang mali sa akin pero kung ilalagay ko ang sarili ko sa sitwasyon niya, baka ganoon din ang nagawa ko. Katulad ng ipinangako kong gagawin ko ang lahat pra sa aking mga kapatid, ganoon din siya para sa kaniyang anak, si Chloe. "Alam kong masyadong malalim ang sugat na iniwan ng karanasan mo rito sa mansyon, at natural lang na kamuhian mo ako at ang anak ko. Ang gantimpalang kapatawaran para sa akin ay hindi ko inaasahang makamit, ngunit ako'y