"ANAK," tawag ni manang Chabita sa akin. Ito ang unang pagkakataong tinawag niya akong muli nang gano'n pagkatapos ng pagtakas ko sa mansyon. Nahimasmasan na siya sa kaniyang pag-iyak. Dalawampung minuto na rin kaming nakaupo sa kusina't nagpapalitan ng mga salita. "Noong makulong si Daniel at hindi ka mahanap ni Chloe, inisip ko na pinoprotektahan ka ng Diyos. Kahit masakit sa akin na makitang hindi nagtatagumpay ang aking anak sa kaniyang plano, mayroong kasiyahan sa puso ko dahil alam kong ligtas ka." PInagmasdan ko lamang siyang magsalita habang nakasilay ang ngiti sa kaniyang mukha. Kahit na pareho naming alam na pagdating ni Senyorita ay mapapagalitan niya kami dahil nanatili kami sa bahay kesa pumunta sa bayan upang bilhin ang mga ipinapabili nito, mas pinili ni manang na ayusin