NORA Ilang araw na akong nakakatanggap ng notice mula sa DSWD para kunin ang mga pamangkin ko na kasalukuyang nasa juvinile shelter. Hindi sila pwedeng maglagi ro'n nang matagal dahil buhay pa naman ako, na kamag-anak nila. Unless, pagmaltratuhan ko sila, doon lamang nila pwedeng kunin ang obligasyon at kustodiya ng mga bata. "Kung pwede ko lang silang ibigay sa DSWD, ginawa ko na. Pero hindi... alam mo kung bakit? Maaari akong makulong. Anong iisipin ng mga tao sa akin? Sa atin, ha? Na wala tayong puso para hindi asikasuhin ang mga bubwit na iyon? Hayaan na, para may katulong din tayo rito sa bahay," sabi ko sa aking asawa dahil nagdidiskusyunan kami rito kung bakit kailangan pa naming kunin sina Toto, samantalang nasa shelter na sila. "Wala namang kaso sa akin sana dahil masisipag an