CHLOE "Pumayag ka sa sinabi ng iyong ina?" tanong sa akin ni manang. Huminga ako nang malalim bago ko siya lingunin. Nakataas ang isa kong kilay, nakahalukipkip ang dalawang kamay. "Why are you so intrigue about it? Hindi iyan ang gusto kong pag-usapan natin ngayon, Chabita. Anong ibig sabihin ni mama? Why is she telling me that I am not her daughter?" tanong ko sa kaniya. Aaminin ko, hindi ako ganoon kagulat noong malaman kong hindi niya ako tunay na anak. Dahil simula't sapul na magkaisip ako, ni minsan, hindi ko naramdaman sa kaniya ang pagmamahal ng isang ina. Ni wala akong maalala na hinawakan niya ang kamay ko, kinarga o sinamahan man lang sa school tuwing mayroon akong award. Dahil sa kaniya kaya hindi na ako nag-effort pang mag-aral. Aanuhin ko pa ang mataas na grado? Ang maging