DANIEL Ito na ang pangatlong araw ko sa kulungan. Sa susunod na araw idaraos ang una kong paglilitis. Hindi ko na mabilang kung ilang pulis na ang kumausap sa akin, tinatanong ang pare-parehong tanong. Hindi man ako nakapag-aral, hindi naman ako mangmang pagdating sa pakikipag-usap. Alam nila ang kahinaan ko ngunit hindi ako titiklop sa kanila. Alam kong ako ang may kasalanan at mula umpisa hanggang dulo, panghahawakan ko iyon. "Mr. Daniel, magandang tanghali," bati ng pulis. Araw-araw nila akong dinadalaw. Araw-araw nila akong kinukulit. "Ilang beses ko bang kailangang sabihin sa inyo? AKO ang pumatay kay Don Fernando. AKO lang," usal ko. Inunahan ko na siya dahil alam ko naman na itatanong din niya iyon sa akin. Umupo ang may katandaang parak. Nakangiti siya sa akin ngunit mabilis d