CHAPTER 4.5

1641 Words
TOTO Alas tres pa lang ng hapon ay umalis na ako sa classroom. Sakto naman na ang tagal pumasok ng huli naming guro kaya ginamit ko ang oportunidad na iyon para makalabas ng school para kumuha ng panggatong sa daan. Malapit nang maubos ang imbak naming kahoy, darating na rin ang tag-ulan kaya kailangan ko nang mag-imbak ng maraming panggatong para hindi kami mamroblema sa pagsisiga. Hindi naman malalaman ni ate na nag-cutting class ako dahil uuwi ako sa bahay saktong alas-singko. Habang namumulot dito sa gilid ng kalsada, mmayroong tricyle na huminto sa aking gilid. Hindi ko ito pinansin dahil baka pumarking lang. Pero noong bumusina na ito, iniangat ko na ang aking ulo at sinamaan ng tingin ang driver ng sasakyan. "Toto!" Narinig ko ang boses ni ate kaya kaagad kon ipinukol ang aking paningin sa loob ng tricyle. Kasama ni ate si mama tapos nasa backride naman si tiya tapos ang anak nito na siyag driver. "Anong ginagawa mo rito? Di ba may pasok ka pa?" tanong ni ate. "W-Wala na kaming teacher. Maagang nagpauwi," depensa ko. Tinaasan ako ng kilay ni tiya, halatang hindi bumenta sa kaniya ang sinabi ko. "Tatanungin ko ang pinsan mo mamaya kung totoo iyan. Dahil kung wala na talaga kayong pasok, nag-text na sana iyon sa akin." Hindi ako nakakibo. Bakit ba sila nandito? At bakit kasama ni tiya sina mama at ate? Saan sila galing? "Naku, Cassandra... manalangin ka dahil itong mga kapatid mo mukhang nagmanang lahat sa iyong tatay, mga hindi nagseseryoso sa pag-aaral, mga walang balak na umasenso sa buhay! Pinag-aaral kayo pero ito ang ginagawa mo? Madalas ka sigurong mag-cutting ano?" "Tiya! Tama na po," saway ni ate. "Mawalang galang na po sa inyo. Pasensya na po kung sa tingin niyo nag-cutting ako para magbulakbol. Kita niyo naman po siguro ang hawak ng aking kamay, mga tuyong kahoy para gawing panggatong. Pasensya na po kung kailangan kong timbangin ang pagiging estudyante at pagiging mabuting anak ko para sa aking pamilya. Hindi niyo po kasi naranasan... ang alam niyo lang po ay maging mapanghusgang magulang at kamag-anak," sabi ko sa kaniya. Hindi na ako nagtimpi dahil kung siya nga pinaratangan ako nang hindi man lang hinihingi ang aking rason kung bakit ako nandito sa labas at wala sa loob ng paaralan. "Toto... tama na," muling saway ni ate. Huminga ako nang malalim. Marami akong kukuning kahoy, wala akong sapat na oras para sa kaniya. Bumalik na ako sa aking ginagawa. Aalis na lang sila kapag di na ako pumalag sa sasabihin ni tiya. "Wala talagang modo. Kaya kayo minamalas. Kung di kayo magbabago, naku po! Kawawa ka Cassandra. Ikaw lang talaga ang maaasahan sa pamilya niyo. Mabuti at matino ang utak mo di kagaya nitong kapatid mo. Hays, kawawa ka sinasabi ko. Magtatrabaho ka sa malayo para suportahan itong mga haym, nakakainit ng ulo. Umalis na nga tayo," mahabang lintanya ni tiya. Natigilan ako sa pagpupulot ng kahoy noong marinig kong magtatrabaho si Ate sa malayo? Anong ibig sabihin ni tiya? Nag-aaral pa si ate, paano siya magtatrabaho? At saka di naman siya papayagan ni papa kung sakaling magpaalam siya. Itatanong ko sana iyon kay ate ngunit umandar na ang tricyle. Tiningnan ko na lang ito nang may malaking tanong sa aking isip. "Sana biro lang iyong narinig ko," bulong ko bago mawala sa aking paningin ang sasakyan. Ipinagpatuloy ko na ang aking trabaho nang makauwi na kaagad. Ano pang silbi nang pagpapalipas dito hanggang paglubog ng araw kung nahuli na rin naman ako ni ate. CASSANDRA Nakarating na kami sa bahay. Dalawampung minuto na lang para mag-ala-singko. Iniisip ko ang sinabi ni Toto kay tiya kanina. Na isang hamon sa kaniya ang pagbalanse ng pagiging estudyante at mabuting anak sa pamilya namin. Pareho kami ng hinanaing... akala ko ako lang ang nakakaramdam no'n dahil ako ang panganay. Ang kalahati ng responsibilidad ay pasan ko dahil hindi naman kakayanin ni papa kung siya lang ang magbubuhat nang mag-isa. Akala ko, bukod kay papa, ako lang ang nagdadala ng hirap sa aming magkakapatid dahil hindi ko gustong maranasan nila iyon... pero si Toto... Gumagawa siya ng sarili niyang paraan... binabawasan niya ang dala ko. Naiiyak ako habang mariing tumatagos sa puso ko ang bawat salitang narinig sa aking kapatid. Dalawang taon ang tanda ko sa kaniya... musmos pa kung iisipin. Bata pa siya, nasa ikaanim na baitang pa lang siya ngayon. Kung tutuusin, katulad nina Pampam at Jekjek, dapat ine-enjoy pa niya ang pagigi niyang bata. Alam kong gusto niyang maglaro, dahil naranasan ko ring maging dose anyos katulad niya... ang kagustuhang tumakbo, makipaglaro sa kapwa ko bata nang walang iniisip na problema, na responsibilidad. Pero katulad ko, mas pinili niya ang maging mabuting anak. "Nay, pasensya na kayo kung sinuway ko ang utos niyong wag kayong dalhin sa Hospital. Hindi ko po kasi kakayanin na makita kayong tinitiis ang sakit at ang hirap. Pasensya na rin po kayo kung ngayon pa lang ay magpapaalam na po ako na ako'y makikipagsapalaran po sa Maynila para po hindi na po maulit ang nangyari sa inyo at saka po para po gumaling na po kayo. Para na rin po hindi nahihirapan si Papa sa paghahanap ng matatrabahuhan," paalam ko. Tiningnan ako ni nanay, malungkot ang kaniyang mga mata. Hindi pa siya makapagsalita dahil hanggang ngayon ay paralisado ang kaniyang bibig. Iyon daw ay side effect ng gamot na itinurok sa kaniya ng doktor. "Alam ko pong tutol po kayo at ganoon din ang makukuha kong sagot kay Papa mamaya kapag nagpaalam po ako sa kaniya tungkol sa pagtigil ko sa pag-aaral para magtrabaho. Alam kong mas higit na mahalaga ang edukasyon sa inyo, ngunit para sa akin? Sa sitwasyon natin ngayon? Mas importante po sa akin kayo... ang kaligtasan niyo, ang kaginhawaan niyo. Kaya pasensya po, nay. Patawarin niyo po ako kung susuwayin ko ang dakila niyong utos ni Papa, kung puputulin ko saglit ang kaisa-isa niyong pamana sa akin, ang mag-aral. Wag kayong mag-alala dahil ang edukasyon namn ay walang pinipiling edad, pero ang oportunidad para umasenso, lumilipas, nay. Ayaw kong palagpasin itong ibinigay ni tiya. Sana maintindihan niyo po ang desisyon ko," mahaba kong lintanya habang umiiyak. Lumuluha na rin si nanay at labis akong nasasaktan sa pagkakataong ito. Umabot na sa punto na sa sobrang sakit ay napaluhod na ako sa kaniyang harapan. Alam ng Diyos na maski ako'y tutol sa aking desisyon. Mahal na mahal ko sila, ayaw ko silang iwan ngunit dahil sa pagmamahal ay titiisin ko na lamang ang pangungulila. "Ate." Natigilan ako sa pag-iyak noong marinig ko ang boses ni Toto. Dahan-dahan akong lumingon. Inihanda ko ang aking sarili dahil alam kong tututol din siya sa aking pag-alis. Pero sana katulad ng inaasahan ko, maintindihan niya rin ang aking rason. "To," tawag ko sa kaniya. Base sa kaniyang reaksyon, paniguradong nahagip ng kaniyang tenga ang sinabi ni tiya kanina. Mainam na iyon dahil may panahon na siyang isipin ang tungkol sa bagay na iyon. "Totoo ba, te?" Iyon ang una niyang tanong sa akin. Tumango ako, walang pag-aalinlangan. Sa puntong ito, handa na akong makarinig sa kaniya ng sermon. "Bakit mo naman gagawin iyon? Hindi ka na ba kuntento sa kung ano ang mayroon tayo? Hindi bat' ikaw na rin ang nagsabi sa akin na maging kuntento tayo sa kung anong buhay natin dahil iyon ang ibinigay sa ating ng Diyos? Na maging mapagtimpi tayo dahil may plano ang may kapal sa atin? Kung tungkol ito sa salapi, kailangan ba natin iyon? Mas pipiliin mo iyon kesa sa amin? Lalayo ka para sa pera?" sunod-sunodng tanong. Naiintindihan ko siya. Wala akong hinanakit sa panunumbat niya sa akin dahil totoo naman ang lahat ng sinabi niya. Pero paano ko ipapaliwanag sa kaniya na kailangan kong umalis? Na kailangan kong baliin ang pangaral ko sa kaniya para mailigtas siya, sila. "To. Pasensya ka na kung kailangan ni Ateng umalis, kung kailangan ni ateng baliin ang sinabi niya sa iyo. Kailangang umalis ni ate para sa inyo." "Hindi na kailangan te. Kami na mismo ang magsasabi sa iyo niyan. Kung kami ang iniisip mo, hindi ka aalis," ani 'ya, may halong pagmamakaawa ang kaniyang tinig. Iniyuko ko ang aking ulo dahil hindi ko kayang tingnan siya sa mata. Naaawa ako, mas lalong sumisikip ang aking dibdib. "Maiintindihan mo rin ako, To. Hindi ka ba nagsasawa na naghihirap tayo? Na lagi tayong kinukutya dahil wala tayong pera? Dahil mahirap tayo? Hindi ka ba naiirita na lagi tayong minamaliit? Hinahamak na para bang wala tayong karapatang mabuhay... na parang hindi tayo tao? Kasi ako, To... sawa na ako. Sawang-sawa na akong makutya, makita ang mga mata niyong may inggit dahil hindi tayo pinalad na magkaroon ng normal na buhay katulad nang sa iba. Sawa na akong umintindi sa mga taong kung tingnan tayo'y kasing liit ng ipis, kasingdiri ng daga..." "Sa sinabi mong iyan, para mo na ring sinabi sa amin na mas iniisip mo ang iisip ng tao kesa sa aming pamilya mo. Bakit? Kailangan ba nating makipagkumpetensya sa iba? Ano naman kung mayaman sila, mahirap tayo? Walang masama kung humanga sa buhay na mayroon ang iba, hindi inggit iyon, te... pero kung sa pananaw mo, naiinggit kami? Hindi. Mali ka. Mukhang buo na ang desisyon mong umalis... magpapasalamat pa rin kami sa iyo anuman ang gawin mo dahil naiintindihan ko ang rason mo. Pero, sinasabi ko lang na hindi na kailangan pa. Na hindi mo kailangang isakripisyo ang sarili mong kinabukasan para sa amin." Natameme ako sa mahabang mensahe ni Toto. Wala na siyang balak makinig sa kung anong depensa ang sasabihin ko dahil naglakad na siya patungo sa likod ng bahay para ilagay iyong mga panggatong na nakuha niya. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Tama pa ba itong desisyon ko, Panginoon? Hanggang saan ang kaya kong itaya para sa magandang kinabukasan ng aking pamilya? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD