CHAPTER 10

926 Words
MASAMA ANG tingin ni Neiji kay Trigger.  Katapat lang ng café bar na iyon ang restaurant ni Winry at dito siya nakarating upang magpalit ng damit na nabuhusan ng dalaga ng inumin. “Anong ginagawa mo rito?  Weren’t you supposed to be working on your processing plant now?” “Kay Jigger gawain iyon.  And anyway, napadaan lang ako rito dahil nagpapabili si Mama ng paborito niyang kape.  Ito kasi ang tambayan nila ng mga kaibigan niya noon at medyo nagsesenti raw siya ngayon kaya gusto niya ng kape mula rito.  Ikaw, anong ginagawa mo rito?”  Pinagmasdan nito ang marka ng inuming tumapon sa polo niya na tila pinipigil ang mapangiti.  “Pauso mo?” “Yes,” asar niyang sagot.  Kiniskis niya ng tissue paper ang mantsa sa damit.  “That woman!  I can’t believe she still hated me after I came all the way here to apologize.” “Dapat sinegundahan mo ng mga bulaklak para hindi na siya tuluyang nagalit,” wika ni Cedric.  Ito ang nagdala ng order ni Trigger at ito rin ang isa sa dalawang nagmamay-ari ng café bar na iyon.  Kaklase niya noong highschool ang nakatatandang kapatid nitong si Tanner.  Hindi nga lang niya alam kung paanong naging magkakilala ang magkapatid at ang magkakambal na Trigger at Jigger.  “Flowers always works with women.” “Not with that one.”  Inginuso pa niya ang restaurant ni Winry.   “Sino ang tinutukoy mo?  Si Winry?  Mabait naman iyon, ah.  Not to mention she’s also very pretty.” Kunot-noo niya itong binalingan.  “You know her?” “Everyone here knows her, Neiji,” sagot ni Trigger.  “Siya ang paboritong crush ng mga tauhan dito nina Cedric.” “Yeah,” segunda ni Cedric saka muling pinagmasdan ang katapat na establishment.  “Lovely woman.  Kaya lang hindi siya aware na may nag-e-exist na mundo sa labas ng restaurant niya.  Sayang.” “Ano naman ang sayang dun?  Marami lang siyang inaasikaso sa kanyang negosyo kaya wala siyang panahon sa ibang bagay.  And I don’t think there’s something wrong with it.” “Yeah,” tumango-tango pa ito nang hindi inaalis ang paningin sa kabilang establishment.  “I can only agree.” “Cedric,” Trigger called out to his friend.  “She’s off limits.” “Huh?”   “I said, Winry’s off limits.”   Siya man ay napalingon dito.  What does he meant that she’s off limits?  Dinampot lang ni Trigger ang take-out order nito. “Nagseselos na itong co-member ko sa Stallion.  Pasensiya na kung hindi kita masusuportahan sa pakikibaka mo ngayon, Cid.  Pero marami ka pa namang babae, hindi ba?  Kaya okay lang iyon.” “I’m not jealous,” inis niyang sagot.  “Why would I be jealous?” “Nililigawan mo si Winry?” tanong ni Cedric.  “I see.  Pasensiya na.  Hindi ko alam, eh.” “I’m not courting her.” “They had a date last night,” singit uli ni Trigger. “You went on a date?  Paano mong nagawa iyon?  Ang suwerte mo naman.  Minsan ka lang maligaw dito sa lugar namin, naka-date mo na agad si Winry.  Ang balita ko kasi, wala ni isang tinatanguang date ang isang iyon Winry.  Kaya di ko siya mayayang lumabas.  Pero kung nag-date na kayo at hindi mo naman pala siya nililigawan—“ “That’s really none of my business.”  Tumayo na siya.  Ngunit hindi pa man siya nakakatatlong hakbang palayo sa table nila ni Trigger nang tumunog ang kanyang cellphone.  Hindi nga lang niya iyon nasagot agad nang marinig ang usapan nina Cedric at Trigger.   “I’ll ask Winry out tomorrow.  Tutal naman sabi ng kaibigan mo, hindi siya nanliligaw.” “Kunsabagay.  Pero bakit bukas mo pa siya yayayain lumabas?  Ngayon na.  Baka mamaya may mauna pa sa iyo.  She seems very special kung ang workaholic member ng Stallion Riding Club mismo ay nahila niya palayo sa trabaho kahit sandali lang.” Hindi siya nakatiis at muling nilingon ang mga ito.  “She didn’t distract me from my business—“  Napindot niya ang nag-iingay na cellphone.  End call button nga lang.  “Damn it!” “You were saying…?” nangingiting tanong ni Trigger.   “I hate it when you do that.” Mabuti na lang at tumawag uli ang kanyang caller.  He answered it immediately as he turned back towards the men’s room, leaving the two men with grins on their faces. “Mr. Acosta.  Yes, Sir.  Thank you.  Yes, I’d be happy to come and visit the place.” Mabuti na lang at kahit paano ay naisalba niya ang pinaka-importante niyang acquisition so far.  Ilang buwan na rin naman kasi niyang ‘nililigawan’ ang may-ari ng lupaing iyon sa Palawan.  And he wouldn’t let anyone distract him from it.  Not even that woman.  Napakunot ang noo niya nang makita ang mantsa ng kanyang polo sa harap ng salamin.  He took a piece of tissue paper again and wet it before patting it unto the stain on his shirt.  Lalo lang nagkalat ang dumi roon.  Ibinato na lang niya sa basurahan ang basang tissue at pinagmasdan ang sariling repleksyon sa salamin.  At parang nang-aasar pa ang isip niya nang maalala ang mga sinabi ni Cedric sa labas kanina. I’ll ask Winry out tomorrow. Sinipa niya ang basurahan bago nagmartsa palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD