INILIPAT NI Winry ang pahina ng lifestyle section ng broadsheet na binabasa niya. Sagada at Siargao ang naka-feature ngayon doon na mga vacation and tourist spots ng bansa.
“Ma’m, try nyo sa Baguio,” suhestiyon ng isa sa mga tauhan niya sa restaurant na iyon. “Binalita sa tv kagabi na magkaka-snow daw doon ngayon. Artificial nga lang. Inarkila ng city government ng Baguio ang equipment na nagpo-produce ng snow sa Korea para daw sa paghahanda sa Pasko. Pero ngayon ang dryrun nila.”
“Ano ang gagawin ko sa snow na peke? Gusto ko ng totoo.”
“Sa Mt. Pulag sa Mt. Province, Ma’m,” suhestyon ng isa pa. “Nag-i-snow sa tuktok ng bundo na iyon kasi umaabot ng negative four degrees ang temperature doon minsan.”
“Ayokong mamundok.” Napakamot na lang ng ulo ang mga tauhan niya. marahil ay naguguluhan ang mga ito dahil naghahanap siya ng mapagbabakasyunan pero kapag binigyan naman siya ng magandang destinasyon ay tinatanggihan niya.
Ang totoo hindi rin niya alam ang dahilan. Kanina pa nga siya nabubuwisit dahil ang listahan niya ng mga pupuntahan ay puro lang bura ng ballpen niya. Hindi siya makapili ng lugar. Parang hindi siya mapakali na hindi niya maintindihan. Ano ba itong nangyayari sa kanya?
Nasagot lang ang kasagutan niyang iyon nang may maupo sa kabilang table na kaharap niya. In his chic gray business suit, Neiji looked as dashing as ever. Ngunit saglit lang niyang hinangaan ang magandang nilalang na iyon dahil nagbalik sa alaala niya ng mga nangyari sa kanila kahapon pag-alis niya sa Stallion Riding Club na isinumpa niyang hinding-hindi na babalikan pa.
She adjusted her eyeglasses. “Reserved ang table na iyan.”
“Oo, pina-reserved ko nga ito sa pangalan ko.”
Ano ba ang ginagawa nito rito? And how the hell did he finds out about her restaurant? Ibinaling niyang muli ang mga mata sa diyaryong binabasa subalit hindi na niya nai-focus pa roon ang kanyang atensyon. Dahil inilapit nito ang upuan ng mas malapit sa kanya.
“I’m sorry about yesterday morning. Nabigla lang ako. Hindi kasi ako sanay na naiiba ang ayos ng mga gamit sa bahay ko. I wanted everything as is because that’s how my life works. Kapag may naiba, hindi ko nakikita ang mga bagay hinahanap ko.”
Hindi niya ito pinansin. Bagkus ay ipinagpatuloy lang niya ang ‘pagbabasa’. She would never forgive him for treating her like an unwanted animal. Pag-alis palang niya sa lupaing iyon, binura na rin niya ito sa isip niya.
“I overreacted, I know. That’s why I’m—“ Sinagot nito sandali ang nag-ingay na cellhphone. “Anyway, as I was saying, I’m really so—“ Muling nag-ingay ang telepono nito at sinagot naman nito agad iyon saka lang siya binalingan uli pagkatapos. “Inayos ko lang ang naging problema ko sa mga kliyente ko kahapon kaya ngayon lang ako nakapunta sa iyo—“
Tumunog na naman ang cellphone nito. When he answered it, she stood up and went to the bar counter to helped prepare the customers’ ordered drinks. Nakadikit pa rin sa tenga ni Neiji ang cellphone nito nang tumayo at sumunod sa kanya sa counter.
“I’ll let my secretary set up a meeting. Thank you, Mr. Salvador. Have a nice day.” Ibinulsa nito ang cellphone nang humarap sa kanya. “We’re still talking. Bakit ka umalis?”
“Wala akong kausap.” Tumingin siya sa kanyang barista. “May nakikita ka bang kausap ko?”
“E…w-wala ho, Ma’m.”
“Look, Winry. I’m really sorry about what happened, okay? I don’t know what to offer anymore para maibsan ng tuluyan ang galit mo.” May kinuha ito sa bulsa ng slacks nito.
A cellphone. She rolled her eyes. Asawa na yata nito ang cellphone nito. Pero nagulat siya nang makilala ang cellphone na inilapag nito sa ibabaw ng bar counter. It was hers!
“Naiwan mo yata iyan sa pagmamadali mo kahapon.” Iniurong nito iyon sa harap niya. “I look good on those pictures, by the way.”
Kung ganon ay binuksan nito ang cellphone niya. “Magsesermon ka ng walang pakundangan dahil sa pakikialam ng ibagn tao sa mga gamit mo. Pero gawain mo rin naman pala iyon. Ang magnanakaw nga naman, takot sa kapwa magnanakaw.”
“Winry, I didn’t come here to argue. I came here to apologize.”
“Nakapag-apologize ka na, hindi ba? O, ano pang ginagawa mo rito? Umalis ka na.” Dinampot niya ang cellphone ngunit sa ginawa niya ay natabig naman niya ang baso ng bagong timplang four seasons drinks. Bumuhos ang laman niyon at dahil nasa harap lang ng table counter si Neiji ay dito umagos lahat ng likido.
“What the—“ Mabilis itong lumayo subalit huli na. Pinagmasdan na lang nito ang pagguhit ng pulang likido sa suot nitong gray suit.
Mabilis din namang kumilos ang mga tauhan niya at pinunasan ng mga tissue papers ang nabasa nitong damit. Napailing na lang ito nang balingan siya.
“I hope you’re satisfied now.”
“Oh, yeah,” sagot na lang niya kahit di naman talaga iyon sinasadya. Sinundan na lang niya ito ng tingin paglabas nito. “Have a nice day.”
“Ma’m, bakit naman ninyo ginanon ‘yung mama? Kawawa naman.”
“Pero sa lahat ng nakakaawa, siya ang pinakaguwapo, Ma’m.”
“Sana pala niyaya na lang natin siya sa restroom para magpalit ng damit.”
“Hayaan ninyo ang isang iyon,” aniya sa mga ito. “Sa laki ng ego nun, hindi iyon matutunaw sa simpleng four seasons lang.”
“Ma’m, boyfriend mo ba iyon? Para kasing may lover’s quarrel kayo, eh.”
Pinandilatan niya ang nagsalitang tauhan. “Hindi ako pumapatol sa mga masasamang nilalang. Magsibalik na kayo sa trabaho ninyo bago ko kayo sisantehin lahat.”
Napalingon siya sa katapat na café bar nang makitang doon dumiretso si Neiji. Agad din niyang nakilala ang lalaking kausap nito na isa sa kambal na nakilala niya sa Stallion Riding Club. Napakunot ang kanyang noo. Ano ang ginagawa ng mga taong iyon dito? Dinampot niya ang diyaryo. Dapat ay nanatili na lang sila sa lungga nilang iyon at nang hindi na nagugulo pa ang buhay ng ibang tao. Katulad na lamang ng buhay niya. Katulad niya. Kung bakit naman kasi naisipan pa niyang sumali-sali sa raffle contest na iyon.
Oh, yeah. Dahil nga pala sa kumag na iyon. Nakakainis! Hindi pa rin kasi niya mabura sa isipan ang mga nangyari. What’s worse, sinusundan pa rin niya ng tingin ang lalaki! She was still attracted to that jerk even after all that’s happened.
“Angelicka,” tawag niya sa kanyang assistant. “Ikaw na muna ang bahala rito.”
“Aalis ka?”
“Oo.”
“Anong oras ka babalik?”
“Baka next week na. I’m going to visit my grandparents in Palawan.”