“WELL? WHAT do you think? Its better here, doesn’t it?”
Naupo sa tabi ni Winry si Neiji sa sofa nito ng bahay nito sa sala. Nakatanaw siya noon sa open window at ninannam ang lamig at mayuming simoy ng hangin. It was a great night. The sky is clear and the moon was very visible with all the stars around it. Di kalayuan sa kanila ay nanginginain naman si Selphi na pinakawalan ng binata kanina pagdating nila roon.
“Mas relaxing nga dito,” aniya. “Pero masakit pa rin ang p***t ko.”
“Ganyan talaga ang mga unang beses pa lang nakakasakay ng kabayo. Masasanay ka rin.”
“Masasanay? Hindi na kamo uli ako sasakay ng kabayo kung magdurusa lang naman lagi ang p***t ko.” She adjusted on her seat. “Parang gusto kong maupo sa isang bloke ng yelo.”
“Masakit ba talaga?”
“Hindi mo ba naranasan ang ganito nung first mong sumampa ng kabayo?”
“Hindi ko na maalala.” Napansin niyang sinilip nito ang mukha niya bago ito napangiti. “Ganyan pala ang pakiramdam ng mga babae kapag nakakasakay ng kabayo. No wonder mga lalaki lang ang nahihilig nang husto sa equestrian sports.”
“Bakit, wala ka pa bang naisasakay na babae sa kabayo mo at hindi mo alam ito?” Ipinatong nito ang siko sa sandalan ng bench at itinukod ang kamay sa sintido nito saka marahang umiling. “Bakit?”
“Ayoko.”
“E, bakit ako isinakay mo?”
“Ang dami mo namang tanong.”
“Marami kasi akong gustong malaman.”
“Hindi naman lahat dapat mong alamin. There were things that should be left unanswered.”
“Okay.” Kunsabagay, napakaganda nga naman ng paligid at iyon dapat ang pinagtutuunan nila ng pansin. Pero kasi…paano niya iyon gagawin kung heto at alam niyang nakamasid lang sa kanya ang binata. Nilingon niya ito at nakita itong nakapikit na habang nakapatong ang ulo sa braso nitong nakasampay sa sandalan ng sofa.
“Ay, tulugan daw ba ako?” Hindi na rin niya ito ginising pa.
Mukhang hindi na nito nakayanan ang hila ng antok. Pagod na pagod nga marahil ito, what’s with him dealing business and participating in his friends’ sports. Medyo hindi rin naman nito pinapahirapan sarili. Kumilos siya at dahan-dahan itong pinahiga sa sofa upang maging kumportable ito sa pagtulog. Malalim na yata ang tulog nito dahil hindi na ito nagising pa nang galawin niya ito.
“Poor guy,” sambit niya sa tulog na tulog na binata. “What are you doing with your life? Kung sasagarin mo ang sarili mo sa trabaho, magagaya ka sa akin na darating ang araw na katatamaran mo na ang buhay mo. Hindi maganda iyon.”
She explored the house looking for his room. Hindi naman siya nabigo. Napangiti siya nang makapasok sa silid nito. Even this manifests his hectic life. Magulo ang kuwarto at puro papeles, magazines at broadsheets ang nagkalat sa sahig at estante. Dinampot niya ang picture frame nito.
“Hi,” aniya sa larawan. “Hindi na ako makakapagpasalamat sa iyo kaya dito na lang. Salamat. Its been a great night for me. Dahil nakilala kita.”
Hindi niya akalain na magkakaroon ng ganitong twist ang boring niyang buhay. Kaya bilang pasasalamat, nilinis at niligpit niya ang magulong silid nito. Pagkatapos ay kinuha niya ang kumot at isang unan sa kama nito saka binalikan ang binata sa sala. Isinara rin niya ang bintana upang hindi ito masyadong lamigin. Sunod ay tinawagan niya ang Clubhouse lobby para magpasundo. Si Jigger ang nakausap niya.
“Ako na ang susundo sa iyo. Nasaan ka nga pala?”
“Nandito sa bahay ni Neiji. I don’t know the exact location but—“
“I know the place, don’t worry. Where is he?”
Nilingon niya ang binata at napangiti. “Tulog, eh. Napagod yata masyado.”
Matagal na hidni nagsalita ang nasa kabilang linya kaya inakala niyang wala na ito. “Did…something happened between you and Neiji?”
“Meaning if we had s*x? You think magagawa namin iyon sa loob lang ng thirty minutes?”
“Well, we’re talking about a Stallion Riding Club member—“
“No.”
“Okay. Sige, pakihintay na lang ako diyan.”
Naupo siya sa loveseat paharap sa natutulog na binata upang hintayin ang pagdating ng kanyang sundo. This way, mapagmamasdan niya ito nang husto hanggang sa lumuwa ang mga mata niya o magsawa mismo siya. Pero may naisip siyang mas magandang souvenir bukod sa sinikwat niyang larawan nito. She sat on the floor near him and took their picture together with her camera phone. Pati ito ay pinagdiskitahan na rin niya. Hindi siya tumigil sa pagkuha ng larawan nito hanggat hindi napupuno ang memory ng camera niya.
Nang magsawa ay nilingon niya ito. Their faces was only inches away from each other. She could kiss him if she wanted to. She wanted to, so she kissed him gently on his cheek. Souvenir uli. Mahina itong napabuntunghininga, as if satisfied with what she just did.
“You just made my day and night, Neiji,” bulong niya rito. “Sana maulit pa ito. Kaya lang, imposible na siguro iyon. Heto nga at ngayon pa lang, tinulugan mo na ako. Pero okay lang. At least now I know, may pag-asa pa ako sa love department. Hindi pa ako mahuhuli sa biyahe.”
Kaya lang din, pagkatapos ng mga na-experience niya ngayon sa piling nito, hindi kaya lagi na lang niya itong hahahanapin sa katauhan ng mga lalaking makikilala niya? A, bakit ba siya nag-iisip ng ganito? They had a great time tonight. Binanggit din nitong naalala pa siya nito noong unang beses silang magkita at curious din daw ito sa kanya kaya pumayag itong manipulahin ni Jigger ang sitwasyon. Maganda ng simula iyon para sa kanilang dalawa. Ibig sabihin, may pag-asang maaaring gusto rin siya nito. Napangisi lang siya at bumalik sa dating kinauupuan saka ito muling pinagmasdan mula roon.
“Like me, Neiji Villaraza,” bulong niya sa hangin. “And you’ll never reget it.”
O kaya naman, why don’t you just love me instead? Subok lang. Promise, hindi ka manghihinayang. Matagal akong hindi nagmahal. Kaya marami akong stock nun.
Parang gusto niyang mapailing sa kanyang mga naiisip. Talaga bang binitiwan niya ang pangakong iyon? Sa isang lalaking dalawang beses pa lang niyang nakikita at hindi nga gaanong kilala? Pero sa tuwing pagmamasdan niya ang mukhang iyon, there was just something in her that tells her everything was right. Na tama lang na ito ang lalaking pag-ukulan niya ng pansin, at pagbuhusan ng over stocked niyang pagmamahal na iyon.
Teka muna. Pagmamahal? Masyado pa yatang maaga para sabihin niya iyon. Dapat siguro, ang isipin niya sa ngayon ay kung paano mapapahaba pa ang komunikasyon nila ng lalaking ito. Naghikab siya. Oo, tama. Everybody has a chance on love and war. Or something like that. So, why not her?
“Oo nga…”
Hindi na niya alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil hinila na rin siya ng antok sa paghihintay sa kanyang sundo. Isang malakas na sigaw lang ang nagpagising sa kanya. When she opened her eyes, medyo nanibago pa siya sa kanyang kinaroroonan. Subalit nang dumako ang mga mata niya sa isang bahagi ng bahay na iyon na pinanggalingan ng lalaki sa kanyang pangarap at panaginip, daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig. Napatayo siya at napakunot ang noo nang masilaw sa liwanag na nagmumula sa labas ng nakabukas na bintana.
Umaga na?
“Did you do something in my room?” a fully awake and handsomely fresh Neiji demanded as he walked towards her, his forehead knotting. Nanibago siya sa ipinapakita nitong reaksyon sa kanya.
Teka, umaga na talaga?
“Are you listening to me?” untag nito nang mahalata marahil na sa ibang direksyon tumatakbo ang isip niya.
“H-ha?” Kinusot niya ang kanyang mga mata at napangiwi nang maramdaman ang p*******t ng kalamnan niya sa kanyang braso. Nangalay na siguro siya dala ng pagkakatulog niya sa sofa. “Ano…ano nga iyon? Good morning nga pala, Nei—“
“Pinakialaman mo ba ang kuwarto ko kagabi? Hindi maaaring ang mga housemaids ng Club ang nakialam doon dahil hindi nila schedule ang maglinis ng bahay ko ngayon. At alam nila ang patakaran kong walang sinoman ang maaaring pumasok ng silid ko nang walang pahintulot sa akin.”
Doon lang siya tila nahimasmasan nang husto. “Oo, ako nga. Pero kasi, nilinis ko lang naman—“
“At sino ang nagbigay sa iyo ng karapatang basta na lang pakialaman ang mga gamit sa silid ko? Ngayon hindi ko tuloy makita ang mga papeles na hinahanap ko. Importante ang mga iyon sa mga business deals ko ngayong araw. How do you think I would be able to answer my clients’ questions about this, huh?”
What happened to her preciuos genteel angel last night? This guy in front of her still possessed the same handsome face of the man she met last night. Pero bakit parang hindi na ito ang lalaking iyon?
“What the hell would I—hey! Where do you think you’re going?”
Nilingon niya ito. “Hindi ako papayag na sigaw-sigawan mo na parang hayop na nadampot mo lang kung saan. Para sabihin ko sa iyo, mabuti ang intensyon ko nang linisin ko ang kuwarto mo. Natuwa ako sa nangyari sa atin kagabi at naisip kong sa paglilinis ng silid mo man lang ay masabi ko kung gaano akong na-appreciate iyon. Kung nagkamali man ako sa ginawa ko, pasensiya na kung ganon. Pero wala ka pa ring karapatang bulyawan ako ng ganyan. Kahit ang mga magulang ko ay hindi ako pinag-almusal ng sermon.”
Tinalikuran na niya ito bago pa ito makapagsalita. Nagagalit siya pero hindi niya alam kung para kanino ang galit na iyon. Para sa kanya dahil pinakialaman pa niya ang silid nito at umasang magugustuhan nito iyon? O kay Neiji na basta na lang siya pinagalitan nang hindi man lang siya pinagpapaliwanag? O kay Jigger na dapat ay sumundo sa kanya kagabi na hindi nga dumating kaya nakatulog tuloy siya?
A, basta! Asar ako! Bad trip!
Bakit ba kailangang may masamang mangyari pagkatapos maging masaya ng isang tao? Paglabas niya ay nakasalubong niya si Jigger, naka-riding uniform ito at nakasakay sa naglalakad lang nitong kabayo.
“Ikaw! Nagpakita ka pa! Ihatid mo ako sa Maynila ngayon din.”
“I’m—“
“Ikaw ang naghatid sa akin dito kaya ikaw din ang maghahatid sa akin pabalik.”
“I’m not Jigger.”
“Pakialam ko! magkamukha naman kayong dalawa kaya kahit sino pa sa inyo.”
“Si Neiji ang ka-date mo, hindi ba? Siya ang maghahatid sa iyo.” May kung sinong nilingon ito sa likuran niya. “Neiji.”
Pagkarinig niya ng pangalan ng lalaki ay mabilis siyang naglakad palayo. Sinira na nito ang mga pangarap niya para sa kanilang dalawa. At naiinis talaga siya rito. How dare him talk to her like that!
“That’s not the way back to the Clubhouse.”
Pumiksi siya nang maramdaman ang paghawak nito sa braso niya. Saka nag-iba siya ng direksyon nang hindi ito tinatapunan ng tingin.
“Kayong dalawa talaga. Wala pa nga kayong isang araw na nagkakasama, may LQ na kayo.” Masama ang tinging ibinigay niya kay Trigger. Nagkibit lang ito ng balikat at inilahad sa kanya ang kamay. “Halika na, ihahatid na kita sa Clubhouse bago pa kayo magkasalpukan nang tuluyan ni Neiji.”
Ngunit hinawi ni Neiji ang kamay niya. “Ako na ang maghahatid sa kanya.”
“Hindi kita kailangan.”
Nakipagtagisan siya ng titigan dito nang hindi nito bitiwan ang kamay niya. Wala na ang iritasyon sa mukha nito nang mga sandaling iyon. Ngunit hindi pa rin nawawala ang kunot sa noo.
Hindi ikaw ang lalaking nakasama ko kagabi!
“Kakagatin ko ang kamay mo kapag hindi mo ako binitiwan.”
“Kagatin mo.”
“Let her go, Neiji. Nariyan na si Jigger.”
Isang Land Rover ang paparating at huminto sa harapan nila. Ang kakambal ng nasa kabayo ang naroon. She really couldn’t tell who’s who from the twins.
“Winry, pasensiya na kung hindi kita nasundo kagabi. Napainom kasi kami ng mga kasamahan ko sa Clubhouse so…” Napatingin ito sa magkasugpong nilang mga kamay ni Neiji. “So, what’s up? Are you, two, getting married now?”
“Tol, huwag kang maingay. May LQ ang mga iyan.”
“This early? Umiral na naman siguro ang morning sickness mo, ano, Neiji?”
“Shut up, Jigger.”
“I’m Trigger.”
“You’re Jigger. Kasasabi lang ni Trigger.”
Tumawa lang ang kakambal nitong nasa likod pa rin ng kabayo.
Hinila na niya kay Neiji ang kanyang kamay. Sa wakas ay nakawala rin siya. nagmamadali siyang pumasok sa sasakyan ng bagong dating. She focused her eyes on the road ahead. Ayaw na niya itong makita pa at baka kung ano pa ang masabi niya rito sa sobrang emosyong nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Ilang sandali lang naman ay pumasok na rin sa passenger seat ang isa sa kambal. He started the engine and off they went.
“Natikman mo na rin pala kung ganon ang bangis ni Neiji sa umaga. Huwag mong intindihin iyon, Winry. Ganon lang talaga siya sa umaga. Parang nawawala sa sarili.”
“Wala akong pakialam. I just want to get the hell out of here.”