CHAPTER 12

714 Words
“PLANO MONG pahirapan ako na makuha ang bid para sa lupain ng mga lolo mo, ano, Winry?” Mula sa kinasasandalang gate dahil hinihintay niya ang katulong na pinabili niya ng ilang gamit sa bayan, nilingon niya si Neiji.  “Bid sa lupa?  Actually, wala iyon sa isip ko.  Pero ngayong pinaalala mo, puwede ko na rin siguro iyong gamitin para pahirapan ka.” “Kahit naman gamitin mo iyon laban sa akin, you still can’t win against me.  Makukuha ko ang bid na iyon.” “Okay.  Sinabi mo, eh.”  Muli niyang ibinaling ang pansin sa mahabang kalsada sa harapan nila. “Anong ginagawa mo rito?” “Naghihintay ng lalaki.” Naglakad ito sa harapan niya at tinanaw ang kalsada.  Pagkatapos ay nagtungo sa mga halamang nakatanim sa gilid ng bakuran at pumitas ng bulaklak ng santan.   “You can’t do that, you know,” anito.  “Not when I’m still courting you.” “You’re not courting me.” “I am now.”  Lumapit ito sa kanya at iniabot ang pinitas na bulaklak. The gesture was so cliché and so corny she just couldn’t helped laughing.  Pero agad din namang naputol ang tawa niya nang itago nito sa likuran nito ang bulaklak at lumapit pang lalo sa kanya.  Now he was standing only a few inches away from her.  Nagregodon ang dibdib niya kaya tinangka niyang umalis.  Ngunit iniharang nito sa daraanan niya ang braso nito.  Pagbaling niya sa kabila ay ang isang braso naman nito ang iniharang.  Now she was trapped, and no matter how much she wanted to free herself, she just couldn’t do anything.  Somehow, he had managed to trapped her not just with his arms but also with his eyes. Traydor na puso!  Nilapitan lang, bumigay na! “What do you say you tell your grandparents that you already accepted me so I can get the bid, and you can go on with your life?” “Ano?”  Pilit na lang niyang inilayo ang mukha rito.  he was towering above her, and he knew he was way taller than her so he was using it to his full advantage.  “Anong tingin mo sa akin, bale?  Pahihirapan kita kaya bakit ko gagawin ang sinasabi mo?” “Hindi ko lang kasi maintindihan ang dahilan mo.  Nagkamali ako sa ginawa ko roon sa Stallion Riding Club.  Nakapag-apologize na rin ako tungkol doon.  Ano pa ang ikinagagalit mo?” “Wala.  Gusto ko lang gumanti.  At hindi ko tinanggap ang apology mo kaya may katwiran pa rin akong gumanti.” “Tsk!”  Ibinaba nito ang mukha nito palapit sa kanya.  “May gusto ka ba sa akin?” Malakas at eksaherado siyang tumawa.  Sa ginawa nauntog tuloy siya sa kinasasandalang gate.   “Ikaw naman, Winry, magsisinungaling ka lang, masyado pang halata.”  Neiji’s hand was suddenly behind her head, massaging it.  “Masakit pa ba?” She didn’t have to answer him.  Dahil damang-dama na niya ang kasagutan hindi lang sa tanong nito kundi pati na rin sa mga katanungang nagpapagulo sa isip niya mula pa nang araw na makilala niya ito.  She finally had the guts to push him away before she puts herself into more trouble.   Without breaking eye contact with her, his lips slowly descended upon hers.  Nagwala ang puso niya at sa kalituhan ay hinawakan niya ito sa magkabilang pisngi nito at iniuntog ang noo niya sa noo nito.  Sabay silang malakas na napasinghap at napalayo nang wala sa oras sa kanya ang binata.   “Are you crazy?!” sigaw ni Neiji habang hawak ang nasaktang noo.  “Why did you do that for?” “Akala mo ba hahayaan kitang mag-take advantage sa akin?”  Araayy…Pero mabuti na rin iyon at kahit paano ay natauhan siya.  “Huwag mo na uli akong pagtatangkaang halikan dahil kung hindi—“ “And who said I was going to kiss you—Aaahh!  I would never kiss a woman like you!  Hindi pa ako nasisiraan ng bait na isakripisyo ang buhay ko para lang mahalikan ka!” Now that’s below the belt.  “Kung ganon huwag ka na ring makalapit-lapit sa akin!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD